"Strike!" Sigaw ni Ancient God Black Extreme.
Kasabay nito, naghanda na ring makipaglaban ang dalawang grupo.
"Kailangan nating mauna sa core area bago sila!" Nagdilim ang mga mata ng magandang dalaga.
Hindi niya alam kung anong klase ng mga kayamanan ang nasa core area, subalit kahit ano pa ang mangyari, kung sila ang mauuna patungo roon, sila ang makakalamang.
Ganito rin ang iniisip ng dalawa pang grupo. Kailangan nilang maunahan ang ibang mga partido sa pagpunta sa core area ng ruins na ito.
"Mukhang ang grupo natin ang pinakamalakas." Ito ang naging kongklusyon ni Lin Chengwu matapos niyang obserbahan ang dalawa pang grupo.
Ang grupo ni Ancient God Profound ay mayroong kabuuan ng tatlong tao. Para naman sa partido ni Ancient God Departed Spirit, ang isa sa mga miyembro niya ay mayroong Eye of Destiny, na wala namang masiyadong taglay na fighting abilities.