Sa kasalukuyang lakas ni Zhao Yufei, unti-unting nawalan ng kinatatayuan ang naka-abong lalaki. Matapos makipaglaban nang kaunti pa, sumuko na rin ang lalaki.
Siguradong wala nang duda na si Zhao Yufei ang magiging pinakamalakas na makakalaban sa Rank Four True God Stage.
Sa oras na tapos na ang laban, tumingin si Zhao Yufei kay Zhao Feng. Tumango si Zhao Feng, at agad na nagpakita ng maliwanag na ngiti si Zhao Yufei.
Dahil tapos na ang laban ni Zhao Yufei, sa sarili namang entablado niya siya tumingin.
Ang nagkikipaglaban naman sa kasalukuyan ay si Zhang Yutong. Mukhang lalo na siyang lumakas kumpara dati. Kasabay ng kanyang Spiritual Race bloodline, nasama siya sa pinakamagagaling na Rank Six True Gods.
Kalahating araw ang lumipas. Ang Ancient God stage na ang nagkaroon ng pinakakaunting tao, kaya papalapit na sa katapusan ang paligsahan.
"Si Zhao Feng na ulit!"
"Ang kalaban niya'y si True God Long Yuan!"