"Siya…'yon!" Kumibot ang dulo ng bibig ni Bao Yuan.
Nito lang, sobra siyang napikon sa bagay na tanging ang Ancient Gods lang ang pinapansin ni Zhao Feng at hindi ang Rank Six True Gods. Subalit wala siyang lakas ng loob na kaya niyang talunin si Zhao Feng sa patas na laban, iyon ay kung walang sakit o pagod na iniinda matapos makipaglaban sa iba pa.
"Heh, hindi ko naisip na magiging pang-una at pangalawa si Bao Yuan at Zhao Feng. Kung maglaban ang dalawang ito, tataas lang ang tsansa nating manalo!"
"Tama! Kung mas malala ang laban nila, mas maganda!"
May ilang mga core disciples na natawa sa kanilang mga sarli.
Ang layo pa ng kinabibilangan ko. Habang hindi ko sinasayang ang aking lakas, sa oras na mapagod si Zhao Feng, magkakaroon na ako ng pagkakataong talunin siya! Sabi ni Zhang Yutong sa kanyang sarili.