Matapos dalhin ang lalaking isa lamang ang braso sa Spacetime Robe Dimension, si Zhao Feng at ang Black Destruction Serpent Dragon ay nagtungo na rin doon.
Buwisit! Nasa Spacetime Robe internal dimension ako?
Matapos mabawi ang kanyang soul eye-bloodline technique, ang lalaking isa lamang ang braso ay sinuri ang palibot. Sa paligid niya ay may malaking mabituing langit habang sa ibaba niya ay may isang malaking abong bato. Mayroon ring isang nakaitim at may malamig na mukhang kabataan ang naroroon at isang itlog.
Ang kabataang nakaitim ay may nakasisindak na aura, subalit ang kanyang cultivationa ay masyadong mababa para makipaglaro pa ang lalaking may isang braso. Ang talagang ikinagulat niya ay ang presensya ng itlog.
Subalit, wala na siyang oras pa para isipin ang mga ganitong bagay ngayon.
"Saan mo balak tumakbo ngayon?" Mapang-asar ang ngiti ni Zhao Feng sa mukha.