"May mga grupo sa Ziling Zone na naglakas loob na makipaglaban sa Life Sacred Land?" Narinig ang boses sa isipan ni Zhao Feng.
Ang Life Sacred Land ay ang overlord na grupo sa Ziling Zone. Anong grupo kabilang ang pumatay sa Eye of Life upang maglakas loob itong kalabanin ang Life Sacred Land?
Kahit na kabilang pa ito sa ibang Sacred Land, ang ibang Sacred Land ay hindi magpapahalata nang ganoon. Ang labanan sa pagitan ng mga Sacred Land ay hindi isang maliit na bagay.
"Ang bagay na ito ay kailangan pang imbestigahan. Hindi pa tayo sigurado kung sino ang may gawa nito, ngunit huwag kang maniwala na ang God Realm Sacred Land ang pinakamalakas na grupo sa zone," umiling si Lui Kai at taimtim na nagbanta.
"Anong ibig mong sabihin?" saad ni Zhao Feng.
Ang Sacred Lands ang overlord na grupo ng kanilang mga zones. Mayroon pa kayang grupo na mas malakas sa Sacred Lands?