"Anong nangyayari?"
Ang lahat ng mga eksperto ng Blood Flame Qilin Race ay gulat na
tumayo. Subalit, lumitaw na hindi nababalisa ang kanilang patriarch,
nagdulot upang dahan-dahang maglaho ang kanilang pag-aalala.
"Patriarch, kani-kanina lamang-" Naghanda nang magtanong ang
Qilin na mayroong bali na sungay.
"Hindi mo kailangang mag-alala," dali-dali siyang inistorbo ng
Blood Flame Qiling Race Patriarch.
Sa kabilang banda, ang ilang mas sensitibong ancient beasts sa paligid
ni Zhao Feng ay nakapansin ng makakapangyarihang mga pag-alon
ng enerhiyang nanggagaling sa kaniya kani-kanina lamang.
Anong nangyayari? Ang kakaibang pakiramdam ba sa mundo kanina
ay dahil sa kaniya? Inilipat ni Munting Ling ang tuliro niyang mga
mata patungo kay Zhao Feng.
Ipinaman ba ng Ninth God Eye ang kaniyang abilidad kay Zhao Feng?
Siya ba talaga nag may-ari ng Ninth God Eye?