"Lord God, pakiusap tanggapin mo ang serbisyo ng Blood Flame Qilin
Race!" Ang dark red Qilin na ilang li pa ang layo mula kay Zhao Feng
ay ibinaba ang katawan nito at maggalang na nagsalita.
"…Patriarch!" Ang lahat ng mga Blood Flame Qilins ay natulala at
hindi makapagsalita.
Ang hindi mabilang-bilang na mga ancient beasts sa paligid ni Zhao
Feng ay natulala rin, at ang kanilang mga mata ay dali-daling napuno
ng respeto nang sila ay tumingin kay Zhao Feng. Kahit ang Blood
Flame Qilin Race ay nais na pagsilbihan ang kanilang master. Gaano
ba talaga kalakas ang kanilang master?
Ngayon ay mas lalo pa silang nanampalataya kay Zhao Feng. Kahit
ang mga ancient beasts na hindi ginamitan ni Zhao Feng ng Dark
Heart Seal ay nagsimulang tumingin sa kaniya ng mayroong
matinding respeto, hindi naglalakas-loob na magpakita ng kahit
kaunting bakas ng pag-aalsa.