"Yufei, bilisan mo! Malapit nang magsimula ang pagpupulong!" balisang saad ni Kong Die.
Kalapit nito ay isang puro at walang kaparis na magandang dilag na naka lilang roba. Ang kanyang maputing kutis ay tila kristal na kumikislap, na naging upang magmukha siyang isang kataas-taasang diwata ng yelo.
Ngunit ang magandang dilag na ito ay may malumbay na ekspresyon at tila walang pakialam sa kahit na anong bagay.
"Wala akong kinalaman sa pagpupulong." Hindi nagmamadali si Zhao Yufei.
"Haaa, ito ang pagpupulong na ginawa ng upper echelons ng Spiritual Race para sa iyo at kay Quasi-God Luo Yu. Napakaraming tao ang naghihintay sa'yo!" Lumapit si Kong Die at hinila ang braso ni Zhao Yufei, pinipilit niya ito na magmadali.
"Hehe, sinabi ko na sa'yo noon na nagahnda ako ng surpresa para sa iyo sa pagpupulong. Paanong hindi ka pupunta?" Dagdag ni Kong Die.