"Magdahan-dahan ka! Pumapayag na akong makipag trabaho sa iyo! Tumigil ka na!" saad ng lalaking may itim na kutis.
Hindi niya maaaring hayaan si Zhao Feng na makuha ang anumang Five Elements energy sa kanyang paligid. Kung hindi ay masisira ang array. Isa pa, isang hamak na Quasi-Gods lamang si Zhao Feng kaya kahit na magtulungan sila siya pa rin ang pinaka kikilos.
Sa entablado ng labanan, napangiti si Zhao Feng.
Si Hou Qing na patuloy na itinutulak ni Zhao Feng ay nagalit sa ngiting ipinakita ni Zhao Feng.
Si Hou Qing ang naghamo sa labanang ito. Naniwala siya na mananalo siya at mababawi ang kahihiyan na kanyang natanggap mula sa unang labanan.
Ngunit ang resultang ngayon ay nagdala nanaman ng pagkatalo sa kanya.
Whoosh!