Nawalan ng gana sa pagkain sina Zhao Feng at Quasi-God Jian Feng dahil sa itsura ng Sky Water Yao Race. Matapos tikman ang ilang putahe na gawa sa kailaliman ng karagatan, umalis na ang grupo ni Zhao Feng.
"May ilang oras pa bago ang Gulong Martial Gathering. Anonng planong gawin ni Brother Zhao?" tanong ni Quasi-God Jian Feng.
Siya ang may mungkahi na pumunta sa Sea Pearl Tower, ngunit hinndi niya alam kung mmagpapakita ba ang mga tao sa Sky Water Yao Race.
Ang Sky Water Yao Race ay walang pakialam kung ano ang gagawin ni Zhao Feng, ngunit walang kasiguraduhan ito sa oras na magsimula ang Gulong Martial Gathering.
"Plano ko na maghanap ng lugar kung saan maaari kong patatagin ang aking pundasyon," nakangiting saad ni Zhao Feng.
Walang hirap kay Zhao Feng ang Gulong Martiall Gathering. Naniniwala siya na matatalo niya maging si Quasi-God Tian Xie.