"Patayin niyo ang lahat ng naririto!" Ang kapitan ng maliit na grupo ay agad na inutos ito.
Mayroong anim na tao sa grupong ito. Ang kapitan ay isang Rank Three True God samantalang ang iba ay mga Rank One True Gods.
Sinuri ni Zhao Feng ang dibisyon na kinapuntahan niya. Sa pagkakataong ito, mayroong kakaunti lamang na Rank One True Gods at kakaunting bilang ng Demigod na eksperto. Dagdag pa roon, mayroon ring matanda, mahina, at iilang mga nasa ibaba ng Mystic Light Realm.
Mukhang hindi ordinaryo ang labanan ng four-star factions. Maaaring labanan ito ng isang four-and-a-half-star factions! Pagtatama ni Zhao Feng sa kanyang sarili.
Sa labanan sa pagitan ng four-star factions, ang isang maliit na grupo ay hindi naglalaman ng maraming True God na eksperto. Dagdag pa roon, ang scale ng laban sa dalampasigan ang siyang nagiging dahilan para manginig ang langit at lupa. 20-30 na malalakas na True Gods ang siyang nakisali sa laban.