Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 1204 - Pagpapahanga sa Mundo Gamit ang Iisang Tagumpay

Chapter 1204 - Pagpapahanga sa Mundo Gamit ang Iisang Tagumpay

Ang huling pagsubok ay hindi matatapos hanggang sa may taong makaabot sa tuktok o kaya kapag sumuko na ang lahat at umalis sa hangganan ng malaking piraso ng bato.

Umupo si Zhao Feng nang nakadekwatro sa ibaba ng bundok. Kahit mukha siyang nagcucultivate at inuunawa ang Spacetime Intent, iniwan niya ang kapirasong bahagi ng kanyang isip para obserbahan ang mga taong umaakyat sa bundok.

Gamit ang God's Spiritual Eye, nakalkula ni Zhao Feng, base sa kung ano ang pinapakita ng mga taong ito, kung gaano kalayo ang kanilang maaabot.

Sa pagkakataong ito, si Quasi-God Kong Yuan ay malayo na sa kanyang pack. Napakalakas niya at marami siyang techniques, kung kaya ang pakikipagsapalaran niya sa bigat na humahatak sa kanya ay hindi naman isang problema. Dagdag pa roon, pwede siyang gumamit ng Time Intent para pabagalin ang bilis ng hagdan. Ang kanyang progreso ang gustong magawa ng lahat.

Ang ikalawa sa taas ay ang Rank Four True God ng Spacetime Sacred Land.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS