"Saan ito?"
"Anong nangyari?"
Maraming naririnig si Zhao Feng na natataranta at nagtatakang mga
boses.
Sinuri ni Zhao Feng ang lugar. Ito ay isang dimensyon sa kawalan
kung saan apatnapung mga bula ang nakalutang, ang bawat isa ay
naglalaman ng isang tao. Isang pilak na ginto ang nagniningning sa
kanilang mga harapan.
Bang!
Sinubukan ng ilang mga tao na lumabas sa bula, subalit hindi
kalaunan ay napagtanto nila na kahit ang pinakamalakas nilang mga
atake ay hindi kayang yugyugin ang bula.
"Ang kapangyarihan ng space!" Isang Rank Four True God ng
Spacetime Sacred Land ang bumulong nang hawakan niya ang bula.
Ito ay isang maliit na dimensyon na mayroong napakataas na level.
Wala sa mga taong naroroon ang nagawang sirain ito.
Bzzzz!
Sa sandaling ito, isang half-transparent, at elder na mayroong
mahabang buhok ang lumitaw sa itaas ng lahat. Suot-suot niya ang