"Tingnan natin," sumagot si Zhao Feng matapos nag ilang sandali ng
pag-iisip.
Hindi mahahawakan ni Zhao Feng ang isang kayamanan dahil lamang
sa gusto niya ito. Malamang ay kailangan niyang pumili sa mga mas
madadaling targets. Susubukan niyang makipaglaban sa kahit anong
kayamanang mayroon siyang mas mataas na tsansang makuha.
Bukod sa apat na malalaking kayamanan, iilang mga kayamanang
nasa level ng Spatial Lock Mirror ang nahulog din sa grupong ito.
"Tara na!" Ang Rank Four True God ng Blue Scaled Race ay dali-
daling umalis kasama ng grupo niya. Hindi niya kapalaran na
makakuha ng kahit ano sa pinakamalalaking kayamanan, subalit ang
mga lower-ranked treasures na iyon ay napakahalaga pa rin sa kagaya
niya.
Whoosh! Whoosh!
Sa isang kislap, pitumpung porsyento ng mga teams ang sumugod sa
ere. Karamihan sa kanila ay nagpunta sa apat na pinakamalalaking