"Hindi naman ako nalalayo mula sa peak stages ng Metal of Wind Lightning!"
Kasiyahan ang makikita sa mga mata ni Zhao Feng. Si Zhao Feng ay mag be-break trhough upang maging isang Demigod kapag ang kaniyang Metal of Wind Lightning ay umabot na sa karurukan nito. Kasabay nito, ang limang elemento ng Five Elemental Wind Lightning Technique na magsasama-sama upang maging isa. Matapos pag-isahin ang limang mga elemento, mahahawakan na ni Zhao Feng ang pagka-diyos ng mga True Gods, at magagawa niya nang makagawa ng sarili niyang Divine Power. Bagaman ang kaniyang Lightning-Fire Obliteration ay malakas, ang pontensiyal nito ay limitado lamang at hindi makaabot sa Divine Power.
Bukod pa dito, ngayon na nakalipon na nang maraming pag-intindi si Zhao Feng sa Five Elemental Wind Lightning technique, ito rin ay makakapagpabuti sa pagpapalakas ng kaniyang Little World.