"Hindi ko inakalang napakaraming puwersa ang kumampi sa Nine Darkness Palace. Liligpitin ko na rin silang lahat!" Nakalutang sa himpapawid si Zhao Feng at nakatingin pababa nang siya ay magsalita sa isang mapaglarong tono.
Sa pagkarinig nito, nanigas ang mga ekspresyon ng bawat isa, subalit nagsimula silang tumawa matapos suriin ang paligid sa pamamagitan ng kanilang Divine Sense at nakita nilang wala namang kahit anong kaguluhan.
"Hahahaha, talagang hindi mo alam kung ano ang buhay at kamatayan, ano!?"
"Nag-inspeksiyon ka ba muna bago ka nagpunta rito? Ngayon na nakikipagtulungan na kami sa Nine Darkness Palace, pumunta ka lang rito para mamatay!"
Tumawa at nang-insulto ang mga Sacred Lords at Sacred Kings na naroroon. Itinuring nilang biro ang mga sinabi ni Zhao Feng.