Upang subukin ang kapangyarihan ng divine weapon, pumasok si Zhao Feng sa Ancient Dream Realm. Sunod ay binuhos niya ang unang pagragasa ng Divine Power na nairefine niya patungo sa Ancient God Seal.
Ang kamalayan ni Zhao Feng ay tila pumasok sa inner region ng ancient God weapon at dumating sa isang itim at metal na mundo. Hindi mabilang-bilang na piraso ng mga impormasyon patungkol sa divine weapon na ito ang biglang pumasok sa isipan ni Zhao Feng.
"Ilang dosenang mga porma na mayroong katangian ng close combat, long-distance combat, depensa, at suporta!"
Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Hindi niya inasahang makakuha ng isang all-round divine weapon.
Ding! Ding!
Ang tatsulok na piraso ng metal sa kamay ni Zhao Feng ay nahati sa gitna at naging isang mahaba't itim na espada.
"Sword form!"
Hinawakan ni Zhao Feng ang itim at metal na espada, subalit naramdaman niya na sobrang bigat nito at hindi niya na ito makontrol.
Shua~~