Sa isang pinagbabawal na lugar sa kampo ng Dark Moon Lord Dynasty:
"Hawak ni Sacred King Samsara ang technique upang pagsamahin ang mga kapangyarihan ng mga God Eye descendants, ang apat sakanila ay nagmula sa Great Gan Lord Dynasty!"
"Mayroon ding isang namumukodtanging nilalang – si Zhao Feng!"
"Kailangan mailigpit natin si Sacred King Samsara o kaya'y si Zhao Feng!"
Sa pagkakataong ito, ang mga naroroon ay ang mga ekspertong nabuhay pa mula sa insidenteng nangyari sa God corpse. Ang mga non-humans ay mayroong madilim na mga ekspresyon habang sinasabi nila ang kanilang mga pananaw.
Matapos ang paglalakbay sa God corpse, ang dalawang lord dynasties ay parehas na lubhang napinsala at hindi na sila makakalaban sa mga susunod na ilang daang taon. Subalit, hindi naglakas-loob na labanan pa ng Dark Moon Lord Dynasty ang Great Gan Lord Dynasty. Ang kapangyarihan ng mga God Eye descendants ay ikinasisindak nila.