Nakatayo si Zhao Feng at Demigod Ferocity sa isang berdeng metal board na ilang daang yarda ang haba. Sa pinakagitna ng metal board ay may isang metallic stand, at isang tatsulok na itim na piraso ng metal ang lumulutang rito.
"Bukas na ang competitive mode. Tanging ang mananalo lamang ang may karapatan na magkaroon ng tsansang kilalanin ng divine weapon bilang may-ari!"
Isang mekanikal na boses ang nagmula sa tatsulok na piraso ng metal.
"Divine weapon!?" Nayanig ang puso ni Demigod Ferocity habang nakatitig sa lumulutang na piraso ng metal sa metallic stand. Kahit si Zhao Feng ay nakalimot sa peligrong kinaroroonan niya. Kahit hindi niya masabi kung anong klase ng divine weapon ito, paniguradong kakaiba ang mga katangian nito. Kahit mukha itong "walang kwenta", hindi ito isang bagay na maikukumpara sa mga Heaven-grade weapons.