"Munting Kaibigang Zhao Feng, napakabilis ng iyong paglago. Ilang taon pa lamang ang nakalipas, pero higit na ang iyong ikinaunlad!" Umupo si Sacred King Samsara na tila ba mananatili siya roon.
Subalit, mula sa pananaw ni Zhao Feng, nakaupo lang naman ng kaswal si Sacred King Samsara doon. Sa lakas na mayroon ang Sacred King Samsara, hindi na niya kailangan pang makipagtambalan kay Zhao Feng.
"Napuntahan ito ng Senior nang mag-isa. Ang ganyang klaseng lakas ay hahangaan ng kahit sino!" Nagsimula na si Zhao Feng na makipag-usap sa Sacred King Samsara. Ilang beses na siyang tinulungan nito, sa lohikal na usapan, dapat maging palakaibigan si Zhao Feng sa ganitong eksperto, pero nararamdaman ng panloob niyang puso na hindi niya gusto ang Sacred King Samsara.
Dahil kaya sa Emperor of Death? Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.
Kinausap pa ni Zhao Feng nang ilan pang saglit ang Sacred King Samsara bago ito nagsimulang magcultivate.