"Master, may Demigod nang nakaabot ng nine thousand miles underground!" Mensahe ni Bi Qingyue kay Zhao Feng isang araw.
"Ganoon kabilis?" Tumalon ang puso ni Zhao Feng.
Kailangang malaman na ang God Corpse ay nasa 10,000 milya sa ilalim ng lupa, at may nakaabot na rin agad na Demigod ng 9,000 milya. Sa itsurang iyon, sumobrang humina na ng divine power.
"Baka kulangin ang lakas ko para ituloy pa ito sa oras na ito!" Taimtim na sabi ni Zhao Feng.
Matagal na siyang nag-cu-cultivate gamit ang substandard God Crystals at isang hakbang na lamang siya mula sa pagiging maagang yugto ng Mystic Light Realm, pero ang bilis ng pagkawala ng Divine Light ay lalo lang tumataas. Kung masyadong mabagal si Zhao Feng, mauubusan lang siya ng mga oportuindad.
"Hindi, kailangan kong pumunta doon!" Desisyon ni Zhao Feng. Kinausap niya na rin si Bi Qingyue at nakuha niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa battlefield.