"May gumagalaw sa loob!" Gulat na sigaw ni Zhao Feng.
Kayang pumatay nang madalian ng mga Demigods ang forbidden power sa battlefield. Kahit pa ang mga eksperto sa god-level ay hindi kakayaning makalapit sa pinanggagalingan ng lakas na 'to, at ngayon, may nakitang paggalaw si Zhao Feng sa loob ng God corpse.
"Imposible!" Umiling si Zhao Feng.
Hindi kayang umiral ng mga God-level na mga eksperto sa dimensyon ng continent zone. Ang ibig sabihin nito ay siguradong patay na ang God corpse na ito. Pero kung ganoon nga, ano nga ba ang malabong paggalaw na nakita ni Zhao Feng? Isang walang kapantay na divine weapon? Isang klaseng kayamanan?
Sabik na sabik at na-osyoso sa God corse sa ilalim ng lupa si Zhao Feng.
"Humihina na ang Divine Power!"
Personal nang nakita ni Zhao Feng ang paglitaw ng lakas na ito. Sa oras na ito, masasabi niyang mas humina na ang lakas sa battlefield kaysa dati.