Sa loob ng bulwagan kung saan naroon ang teleportation array, ang Ninth Prince at si Old Ying ay pinaliligiran ng limang tao na naka-itim na damit. Pinalibutan ng draconic na kalooban ang Ninth Prince at nadagdagan ang kanyang battle-power sa lebel ng isang Sacred Lord. Hawak niya ang isang antigong berdeng espada ng kidlat at inilaslas ito paharap, na naglabas ng bulos ng kidlat sa kalangitan.
"Walang kwentang mga pakulo!"
Isang lalaki na nakasuot ng itim na maskara at may hawak na isang berdeng punyal ang marahang humiwa sa hangin, at isang masamang silakbo ng Sacred Power ang tumama sa kidlat.
"Hindi ito maganda." Nakatayo si Old Yin sa likod ng Ninth Prince. Tumulo ang dugo sa kanyang dibdib, at sa paligid nila pareho ay mahigit sa isang dosenang katawan ng mga bantay.
Bagama't umabot na ang battle-power ng Ninth Prince sa lebel ng isang Sacred Lord dahil sa kanyang draconic na kalooban, hindi pa rin niya matapatan ang lalaking nakamaskara.