Tatlong tao ang naupo sa palibot ng lamesa sa bulwagan ng Ninth Prince.
"Old Ying, gaano karami ang nalalaman mo tungkol sa Eye of Samsara?" tanong ni Zhao Feng.
Sa karanasan ni Old Ying, tiyak na mas marami siyang nalalaman kaysa sa iba.
"Ang Eye of Samsara ay may abilidad na bigkisin ang kaluluwa ng patay at gumawa ng Imortal na Samsara Bodies. Iyon lamang ang abilidad ng Samsara of Death. Ang Eye of Samsara ay maroon pang isa pang Samsara - ang Samsara of Life."
Mabagal na nagisip si Old Ying at nagsalita sa mataimtim na tono.
Ang Eyes of Samsara ay lubhang hindi pangkaraniwan kahit pa sa mga ninuno ng Eight Great God Eyes, at mayroon silang lubhang kakaibang abilidad. Ang tagapagmana ng Eyes of Samsara ay bihirang lumabas sa kasaysayan ng kontinente, na ang ibig sabihin na ang intel tungkol sa abilidad ng Eyes of Samsara ay limatado. Si Old Ying ay hindi sigurado sa mga abilidad ng Samsara of life.