Si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw ay tumungong muli sa pandayan matapos umalis sa Divine Herb Tower.
Nakita ni Zhao Feng si Zhou Su'er na pumasok sa Divine Herb Tower nang siya ay umalis at nasa tindahan ng mga libro si Old Ying. Sa sandaling ito, ang lahat ay naghahanap ng kani-kanilang mga swerte.
"Anong magagawa ko para sa iyo?" Ang maitim na lalaki ay tumingin kay Zhao Feng
"Maaari mo bang tingnan ang aking armas?"
Isang madilim at pilak na pana na may misteryosong mga marka gaya ng munting palaka ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng.
"Ang armas na ito ay talagang maayos at top-tier ang lahat ng aspeto nito. Napakaraming abilidad na maaaring idagdag dito ngunit dahil mayroon kang kasanayan sa kaluluwa, hindi lahat ng kasanayan o epekto ay magiging kapaki-pakinabang para sa iyo." Marahang sinuri ng maitim na lalaki ang Sky Locking Bow.