Nang lumabas ang silakbo ng mala-halimaw na aura sa labas ng siyudad ng Seventh Prince, hindi lamang ang grupo ng Seventh Prince ang napahinto; ang mga miyembro ng nasa tatlong iba pang Heaven's Legacy City, ang tatlong prinsipe sa labas ng sa dakong timog na Heaven's Legacy City, at ang lahat ng nanunuod sa Great Gan Lord Dynasty ay nagulat din.
"Paano nagkaroon ng napakaraming halimaw?" Ang Fifth Prince ay napatingin sa malayo ng mayroong naguguluhang tingin. Lubos siyang nagsisisi sa hindi pagpayag na imbitahin ng Second Prince ang Ninth Prince. Sa kawan ng mga halimaw na katulad noon, napakadali lamang na magtagumpay sa pagkuha ng siyudad ng Eighth Prince.
Bilang karagdagan, ang iba pang miyembro ng grupo ng Ninth Prince ay hindi rin mahihina. Walang napatay sa kanila ang taong nababalot sa itim ba roba o Sacred Lord Dark Soul.