Ang lahat ng nangyari sa labas ng siyudad ng Seventh Prince ay halatang nakita ng mga eksperto sa ibang Heaven's Legacy Citites at ng tatlong prinsipe sa labas. Hindi sila ganoon kalayo at ang batas ng Death mula taong nakaitim na roba ay naging sanhi upang mayanig ang puso ng hindi mabilang na mga eksperto.
Dahil sa hitsura ng taong nakaitim na roba, ang lamang ng Ninth Prince ay agad na nasira at kinailangan nilang umatras. Kung hindi dahil sa katotohanang nailayo agad ni Zhao Feng ang kanyang mga hayop, ang mga normal na King-level na hayop ay agad na mapapaslang ng kapangyarihan ng Death.
"Ang taong nakaitim na roba ay talagang kahindik-hindik!"Ang puwersa ng tatlong prinsipe sa labas ay tahimik bago sumigaw ang isang Emperor.