"Kung ayaw mong ibigay ang iyong kayamanan at draconic providence, pwede mo namang sabihin sa akin kung nasaan si Zhao Feng." Kumunot ang mga kilay ni Tie Lingyun; nawawalan na siya ng pasensya.
Ang Little World na ito ay naingatan nang maayos, at ginagamit ni Shi Yulei ang kanyang defensive Inheritance Sacred weapon para iugnay ang kanyang kapangyarihan at bumuo ng isang pader ng depensa. Kahit ang mga elders ng Tie Family ay walang kahit anong magawa sa loob ng maiksing oras. Ang pananatili rito ay pag-aaksaya lamang ng oras sa parehong grupo.
Subalit, ang grupo ng Ninth Prince ay wala talagang paki sapagkat ang tsansang maging Crown Prince ang Ninth Prince ay halos imposible. Naiiba naman ang Fourth Prince; siya ang paborito ng lahat para maging Crown Prince ngayon, at ang iba pang mga prinsesa ay maaaring magtulungan para labanan siya. Kung kaya, napakahalaga ng oras sa kanila.