Sa loob ng Great Gan Imperial Palace, nagkaroon ng usap-usapan sa mga bulwagan at sa langit. Ang tingin ng lahat ay napunta lamang sa mga iskrin ng Second Prince at Ninth Prince.
"Ito…. Anong klaseng kayamanan ang nakatago sa loob ng Black Wind Canyon Forbidden Ground?"
"Ang liwanag na nakikita natin ay malamang isang bahagi lang."
"Sa kasamaang palad, ang lahat ng grupo ay nagkalat sa Imperial Tombs. Marami na rin ang nakapasok sa sentro. Kung magtutulungan sila, hindi naman imposible na makuha nila ang kayamanan."
Sa pagkakataong iyon, nagbigay pa lalo ng atensyon ang lahat sa kayamanan kaysa sa Crown Prince Trial. Basta ba may makakuha ng kayamanang iyo, ano naman ngayon kung ang laban para maging Crown Prince ay maging sawi?
Ang Eight Big Families at ang iba pang pwersa sa loob ng great hall – kasama na ang Elder ng Sky Suspension Palace – ay napatingin sa mga iskrin sa langit nang may gulat.