Naalala ni Zhao Feng ang lahat ng miyembrong nasa labanan para sa mga posisyon. Ang dalawang may edad na taong may lilang buhok ay mga henyo ng Ji Family mula sa nakaraang henerasyon, habang ang machong lalaking may itim na damit ay isang Sacred Lord mula sa Cao Family. Wala sa tatlong ito ang dumepensa sa mga posisyon nila.
"Hintayin niyo ako rito. Kung may panganib na mangyari, gamitin niyo lang ang Dragon Jade," utos ni Zhao Feng habang nakatingin siya sa tatlo habang mabagal na tumutungo sa Imperial Sky Inheritance.
"Pupunta ka talaga?" pag-aaalala ni Zhou Su'er. Nagsisimula pa lang siyang mag-isip kung anong mangyayari kung may nang-away kay Zhao Feng, pero nagsisimula na siyang magsisi.
Parehas na miyembro ng Eight Big Families ang Cao Family at ang Ji Family, at sinuportahan nila ang 4th-ranked Eight Prince.