"Zhao Feng , hindi ka ba napapahinto sa kahit anong paraan?" sonbrang naghihinala si Zhou Su'er, at matapos ang laban, mas naging sigurado pa siya. Naramdaman niya ang Soul Intent ni Zhao Feng dati sa Saint Herb Pavilion, at naramdaman niyang halos parehas pa rin ito ngayon.
"Napapahinto ako sa isang tiyak na yugto," sagot ni Zhao Feng.
Kahit ano pa ang mangyari, napakalakas pa rin ng Imperial Tombs dimension na siyang naiwan ng ancient times. Kahit pa naghalo na si Zhao Feng nang kaunti sa ancient aura, hindi pa rin naman siya tumira sa Ancient Dream Realm. Nagkaroon lamang siya ng resistensya doon.
Nagamit ni Zhao Feng ang kalahati ng kalahati ng kaniyang battle-power sa Imperial Tombs. Sa kabila pa noon, ang mga kakarating lang na mga tao ay kaya lamang gumamit ng 0.20% ng kanilang battle-power.