Tanda: Tinatawag na Emperor ang Supreme Emperor Dark Night dahil titulo ito, hindi cultivation rank.
"Huling yugto… ng Mystic Light Realm…!" muntik nang mabilaukan si Duke Nanfeng sa mga salita niya.
Hindi niya inasahang maabutan ng Sacred Lord Demonic Abyss sa huling yugto ng Mystic Light Realm matapos lumabas sa seclusion. Ang ibig sabihin nito, kahit pa nakipagkampihan siya sa dalawang Sacred Lords mula sa Ocean Smoke Pavilion, hindi pa rin siya magiging kapantay ng Sacred Lord Demonic Abyss.
Nakaramdam ng malakas na alon ng lakas sina Old Monster Xu at Supreme Emperor Dark Night habang kaharap ang Sacred Lord Abyss, at naramdaman nilang magpa-ikot-ikot ang katawan nila. Nakaramdam sila ng hirap sa pagihinga dahil sa persyon. Hindi mapapantayang deity ang Sacred Lord Demonic Abyss.