"Ito ba ay bagyo ng ancient era!?" sigaw ni Zhao Feng matapos ang matagal na oras.
Ang mga kaulapan sa kalangitan ay para bang mga madidilim na dragon, at para bang mga kaliskis ang mga kidlat. May napakaraming guhit at arko ng kidlat doon, at bawat kidlat na tumama sa lapag ay parang malaking ngipin na pumigil sa lahat ng nabubuhay.
Hindi inasahan ni Zhao Feng na maaaring maging ganito kalakas ang kalakas ang kalikasan, at nakaramadam siya ng respeto tungo doon. Naramdaman niya kung gaano siya kahina at kaliit kumpara doon.
Gumagamit siya ng kidlat para malinang ang kaniyang Golden Kung Sacred Lightning Body, pero hindi niya sinubukang gumamit ng ancient lightning mula sa Ancient Dream Realm. Mula sa nakita niya ngayon lang, miski mga Sacred Lords ay agad na mapapatay ng kidlat na iyon.