Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon. Deisidong tumanggi si Zhao Feng. Ang Fourth Prince ang pinakamalamang na mapapanalunan ang Crown Prince, pero natanggihan na agad siya ni Zhao Feng para tulungan ang Ninth Prince na siyang nasa rank 6 lamang. Anong iniisip niya?
Kahit ang Fourth Prince ay nagulat. Inakala niyang sana man lang ay mag-alinlangan si Zhao Feng. Dagdag pa na napakasimple lang ng rason ni Zhao Feng, at dahil doon ay hinangaan siya lalo ng iba. Kinaaayawan ng lahat ang mapagtaksilan. Gagawin ba nilang traydor si Zhao Feng?
Medyo nagsisi si Zhuge Yun. Gusto niya pa naman sanang makipagtrabaho kasama si Zhao Feng. Kung ginusto sanang sumali ni Zhao Feng sa tabi ng Fourth Prince, baka lalo pang mas lumakas ang pwersa ng Fourth Prince. Dagdag pa na nagbigay sa kaniya ng hindi maintindihang pakiramdam si Zhao Feng.Hiindi niya mapigilang maalala ang pinagsamang lakas ng Purple-Haired Demonic Duo sa Divine Illusion Dimension.