"Left Eyed Heavenly Emperor, dito na nagtatapos ang lahat."
Ang mala-aninong espada ng Supreme Emperor Dark Night ay napakabilis na naisaksak sa nakaupong si Zhao Feng.
Shu~~
Ang espada ay tila nakalagpas na sa hangganan ng mga pisikal na bagay dahil direkta itong sumaksak sa likod ni Zhao Feng.
"Argh!"
Si Zhao Feng, na abala sa pagcultivate, ay sumigaw nang nanigas ang kaniyang katawan. Hindi siya nakalaban man lamang.
Ang pangyayarign ito ay katulad sa kung paano natambang ng Supreme Emperor Dark Night si Duke Nanfeng. Ang Supreme Emperor Dark Night ay napakabilis, at walang nakadurog sa kaniya sa malapit na distansya. Dagdag pa rito, ang kaniyang pakay ay ang pagcultivate, kaya ang kaniyang mga pandamdam ay nanghina.
Shu~
Ang lugar kung saan nasaksak si Zhao Feng ay hindi dumugo. Sa halip, lumitaw ang mga itim na usok at nagsimulang mabulok ang kaniyang katawan. Kasabau nito, ang aura of life ay nagsimulang mawala.