"Sa halip na payagan si Nan Gongsheng na personal na mag bago, paano kaya kung... ako na ang bahala sa kaniyang kaluluwa?"
Ang mabagsik na boses at napagpasyahan ni Zhao Feng ay ikinagulat ng puso ni Mo Dongyao. Siya'y napahinto at hindi makapaniwala kay Zhao Feng na gumamit ng isang matinting pamamaraan sa pagtanggal ng kaluluwa ni Nan Gongsheng sa kaniyang katawan.
Gayon pa man, ang pamamaraan na ito ay epektibo; agad nitong magugulo ang Evil God Mental Thought Body. Bilang isang Mental Thought Body, hindi ito kayang makontrol o maintindihan kung wala itong kaluluwa.
"Gaze… ng… God's… Eye!"
Karamihan sa kulay lila at pilak na Yuan Soul ni Nan Gongsheng ay hinatak papalabas sa kaniyang katawan.
"Zhao Feng…!"
Ang kaluluwa ni Nan Gongsheng sa himpapawid ay nahirapan at natakot. Ang sinuman na may kaluluwa na kontrolado ng ibang tao ay magsisimulang matakot.