Sa labas ng Xie Yang Palace, isang nakakakilabot ang itim na katawan na may kaliskis ng Black Destruction Serpent Dragon na umiikot sa himpapawid. Tuloy-tuloy na winawasak nito ang Forbidden Array na nagdulot upang tumira ito ng daan-daan at libo-libong kulay lila at dugong mga sinag ng ilaw.
"Zezeze, nag-uumpisa pa lang ang laro, at ang mga piraso ng aking chess ay naririto na para maglaro…" Nagkaroon ng mapaglarong ekspresiyon ang Black Destruction Serpent Dragon.
Nararamdaman at nakokontrol nito ang sitwasiyon at ang mga galaw ng bawat isa sa loob ng Xie Yang Palace ng dahil sa Mark of Destruction. Para itong tagalabas na nanonood ng laban sa isang kulungan.
Sa parehong sandaling iyon, sa isang tiyak na sulok ng Xie Yang Palace, dalawang anyo na lilang buhok ang nagtatago sa malaking puno sa may bakuran.
"Ang susunod na pakay ay ang tambangan ang Sky Sword Pavilion."