Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 776 - Pagkakakilanlan

Chapter 776 - Pagkakakilanlan

"Ikaw… hindi ikaw si Feng'er!" Tumitig si Grandfather Zhao kay Zhao Feng, na mas nagiging kakaiba, at nagsalita na may tiwala sa kaniyang tono.

Tumayo si Zhao Feng gamit ang kaniyang mga kamay sa likod ng kaniyang likuran at nanatiling walang emosiyon. 

"Tama ka. Hindi ako si Zhao Feng. Ang totoong Zhao Feng ay namatay na noong nakaraang mga buwan na nakalilipas." Sumulyap si Zhao Feng sa senaryo habang naglalakad.

"Ikaw… pinatay mo siya at ninakaw mo ang katawan niya!" Halos lumabas na ang mga mata ng lolo ni Zhao Feng habang ang killing intent at galit ay lumitaw sa kaniya. Gayon pa man, nasa taong kaharap niya ang katawan ng kaniyang apo, kaya sinubukan niyang kontrolin ang kaniyang sarili. Samakatuwid, ang estrangherong ito ay kalmado lamang at hindi man lang natatakot, na nagdulot upang kumalma si Grandfather Zhao.

"Kahit na kinuha ko ang kaniyang katawan, ibang tao ang pumatay sa kaniya."

Walang emosiyong hinampas ni Zhao Feng ang kaniyang mga kamay.

Weng~~

Isang iskrin na gawa sa tubig ang lumitaw sa harap nila at nagpakita ng proseso kung paano namatay ang orihinal na Zhao Feng bago humalo sa katawan niya ang isang makinang na lilang kidlat.

"Pamilya Yin…." Napatulala si Grandfather Zhao. Nakilala niya ang mga tao; sila'y mula sa pamilya Yin. Ang iskrin ni Zhao Feng ay may tunog pa nga.

"Ang pamilya Yin ay mga kumpol ng mga bastardong naiinggit sa mga nakamit ni Feng'er! Paano nila nagawa ang ganitong kawalang-hiyang pagkilos…!" Napasigaw si Grandfather Zhao.

"Hinihiram ko lang ang katawan niya at nabubuhay bilang iyong apo." Pagbubuod ni Zhao Feng.

Nang marinig niya ito, nagulat si Grandfather Zhao, at nagsimula siyang umiyak nang tumingin siya kay Zhao Feng ng may magulong mga emosiyon. Alam ni Zhao Feng na gumugol ng pag-asa at enerhiya si Grandfather Zhao sa nakaraang Zhao Feng.

Makalipas ang ilang oras, ang mga emosiyon ni Grandfather Zhao ay kumalma ay bahagya nang kumalma. Siya ay tumitig kay Zhao Feng at saka nagsalita, "Kahit sino ka man, mabuhay ka ng mabuti gamit ang kaniyang katawan…."

"Siyempre," Bahagyang ngumiti si Zhao Feng. "Mabubuhay ako ng mas makulay kaysa sa kaniya at kokompletuhin ko ang kaniyang mga kahilingan sa abot ng aking makakaya, kasama na ang pagresolba sa kapahamakang dulot ng pamilya Zhao ngayon.

Ang mga salita ni Zhao Feng ay nagdulot upang magliwanag muli ang madili na mga mata ni Grandfather Zhao. Sa sandaling iyon, tila nailipat sa kasalukuyang Zhao Feng ang pag-asa niya mula sa orihinal na Zhao Feng.

Hindi mahirap para kay Grandfather Zhao na makita na ang lakas ni Zhao Feng mula noon makuha ang kaniyang katawan ay napaka-taas. Siya ay nakaabot na sa True Lord Rank mula sa True Human Rank sa loob lamang ng ilang mga buwan, at nakapag-paamo na ng isang Yinming Bird, at siya'y nagkaroon na ng isang misteryosong pusa na nasa kaniyang tabi na kayang makapatay ng mga Sovereign Lord. Maaari bang magawa ito ng isang normal na tao?

"Grandfather Zhao, isa ito sa mga pagbabalik ng utang na loob ko." Inilabas ni Zhao Feng ang isang maliit na bote na naglalaman ng malinaw na likido.

"Pagbabalik ng utang na loob!?" Napasigaw si Grandfather Zhao. "Hindi ko kailangan ng pagbabalik ng utang na loob. Ang kailangan mo lang gawin ay mabuhay ng maayos sa loob ng katawang ito."

"Tanging sa pag-inom nito ay magkakaroon ka ng buhay upang makita ito," Ngumiti si Zhao Feng at sinabi ito.

Ininom ni Grandfather Zhao ang likido ng may pagtataka. Sa mga sumunod na sandali, ang kaniyang ekspresiyon ay nagbago ng malaki; "Imm… Immortal Springs Wine…!?"

Naramdaman ni Grandfather Zhao na ang kaniyang lifespan nadagdagang muli. Noon, isang aksidente ang bumaldado sa kaniya kaya bumaba ng malaki ang kaniyang lifespan. Siya'y mayroon na lamang sampung taong natitira para siya ay mabuhay, ngunit matapos niyang inumin ang Immortal Springs Wine, tila siya ay nagbalik sa dati. Ang kaniyang lifespan ay tumaas na sa libo-libong mga taon.

"Ang pahabain ang iyong lifespan ay hindi lamang kahilingan ni Zhao Feng, gusto mo rin itong mangyari, hindi ba?" Mabagal na tanong ni Zhao Feng.

"Ikaw…." Ang mukha ni Grandfather Zhao ay bahagyang naging pula. Totoo nga, pinalaki niya ang orihinal na Zhao Feng ng may pag-asa mula sa kailaliman ng kaniyang puso. Matapos makaranas ng habangbuhay, paanong hindi ito nakikita ni Zhao Feng?

Kinuha ni Zhao Feng ang mga katangi-tanging mga medisina upang gamutin ang binti ni Grandfather Zhao. Ang mga medisinang ito ay ginagamit para mga sugat ng mga King at Emperor, kaya ito'y sapat na upang pagalingin ang isang Origin Core Realm.

Sa loob lamang ng isang oras, ang lifespan ni Grandfather Zhao ay tumaas na sa libo-libong mga taon, ang kaniyang baldadong binti ay gumaling na, at ang pagbawi sa kaniyang cultivation ay maaaring dumating sa loob ng ilang mga araw. Ang lahat ay parang panaginip lamang.

"Ang aking lifespan ay tumaas na sa libo-libong mga taon. Hindi na ako nagtangkang mag-isip tungkol sa Great Origin Core Realm sa nakaraan, ngunit ngayon ay masusubukan ko ng muli na makaabot sa Void God Realm sa hinaharap." Nakaramdam ng kasiyahan si Grandfather Zhao, ngunit ang nakonsensiya din sa oras na iyon. Ang bagong Zhao Feng na ito ay nagbago ang tadhana niya sa loob lamang ng ilang mga aksiyon, at ang paghihiganti para sa kaniyang apo at ang pag-angat ng pamilya Zhao ay nakadepende na sa kaniya.

"Umaasa akong walang makakaalam ng sikretong ito," Sabi ni Grandfather Zhao. Kapag kumalat ang balita tungkol dito, hindi ito magiging maganda para sa pamilya Zhao.

"Sige." Ganoon din naman ang nais ni Zhao Feng.

Matapos ang ilang sandali noong araw na iyon, ang upper echelon ng pamilya Zhao ay nagdaos ng sikretong pagtitipon at inimbita si Zhao Feng.

"Feng'er, ikaw ang pinakamalaking pag-asa ng pamilya Yunling Zhao. Ang pamilya Yin ay sinubukan ka ng patayin ng maraming beses noon, at paniguradong hindi sila susuko hangga't hindi sila nagtatagumpay," Sabi ng Head of the Family. Alam ng upper echelon ng pamilya Zhao na sinubukan ng pamilya Yin na patayin ng maraming beses si Zhao Feng noon.

"Hangga't nasa kanila si Zhao Feng, ay mayroon silang tiyansa na umangat muli. Si Zhao Feng ay isang once-in-a-thousand-years na henyo na nakapasok sa Ten Thousand Sacred Clan, at siya'y mas naging malakas noong mga nakaraang mga buwan. Maaaring isipin, na kapag nagpatuloy si Zhao Feng sa kaniyang ginagawa, maaari siyang maging disciple of a King at makapasok sa Divine Illusion Dimension, na magiging malaking daan para sa pamilya Zhao.

"Maaarin mo akong gamitin bilang pain," Ngumiti si Zhao Feng nang sabihin niya ito. Ang pangunahing dahilan ng kaniyang pagbabalik ngayon ay upang mawala sa landas ang pamilya Yin.

Kinaumagahan ng pangalawang araw, iniwan ni Zhao Feng ang Zhao Family Castle at lumipad patungo sa tuktok ng bundok na nasa daan-daang milyang layo. Ang bundok ay napapalibutan ng mga ulap, at saka umupo si Zhao Feng at nagsimulang mag-cultivate.

Sa oras na iyon, pinaikot ni Zhao Feng ang kaniyang Ten Thousand Divine Thoughts Technique upang i-cultivate ang Five Elemental Wind Lightning Technique at ang Sacred Lightning Body ng sabay.

Hindi na niya kailangang ire-cultivate ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique. Hangga't malakas ang kaniyang soul-strength, ang kaniyang Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay babalik sa sarili nitong peak. Ito'y kaparehas na kaniyang Emperor Intent dahil ang kaluluwa at kamalayan ni Zhao Feng ay napunta sa kaniyang God Spiritual Eye.

Kahit na humalo ang God's Spiritual Eye sa kaniyang orihinal na katawan, hindi nito nabago ang kaniyang pag-iisip. Naalala ni Zhao Feng na halos mawala na ang lifeforce ng God's Spiritual Eye nang maghalo ito sa kaniyang katawan, at dito nagsimulang magising at magbago ang kaniyang katawan matapos gumaling.

Makalipas ang ilang mga araw, ang cultivation ni Zhao Feng ay nagpatuloy. Siya ay nakaabot sa late-stage ng True Lord Rank.

Ang Five Elemental Wind Lightning Technique ay nasa fourth level na, kung nasaan lumakas ang kaniyang Water of Wind Lightning at gumaling ang kaniyang Sacred Lightning Body, ngunit mas mahirap na makalampas sa fourth level ng Sacred Lightning Body.

"Sa oras na umabot sa fourth level ang Sacred Lightning Body, ang aking body-strength ay makakaya nang matalo ang mga nasa Origin Core Realm."

Hinihintay ni Zhao Feng ang bagay na ito. Ang fourth level ng Sacred Lightning Body ay tunay ngang malaking daan, kaparehas ng fourth level ng Five Elemental Wind Lightning Technique.

Kinagabihan:

Whoosh! Whoosh!

Dose-dosenang itim na mga anyo ang lumitaw sa mga ulap.

"Nagawa ng batang iyon na mag-cultivate dito?"

"Hmph, paniguradong pakana ito ng pamilya Zhao upang mapalabas nila tayo, ngunit ang lakas natin ay madaling nakalampas na sa kanila. Tatapusin natin silang lahat ng isahan lamang."

Ang pinakamahina sa kanila ay nakaabot na sa late-stage Small Origin Core Realm, aat ang dalawang pinuno, ay isang lalaki at isang babae, na parehong mga half-step King.

"Mu Yue, pangunahan mo ang grupo upang patayin ang upper echelon ng pmilya Zhao. Papatayin kong mag-isa ang batang iyon," Sabi ng matipunong bata.

"Gu Hong, isang True Lord Rank ang nag-uutos sa iyo na bantayan siya ng peraonal?" Tanong ng isang Great Origin Core Realm.

Ang matipunong bata na nagngangalang Gu Hong ang sumagot, "Ayon sa impormasiyon, ang batang ito ay sobrang kakaiba, at paniguradong nagtatago ng sikreto."

Isang malamig na ilaw ang kumislap sa mga mata ni Gu Hong, kagaya ng kislap ng kasakiman. Walang maniniwala kung ang isang True Human Rank ay maaaring makaabot sa True Lord Rank ng walang espesyal na sikreto sa loob lamang ng ilang buwan.

"Umalis ka na!" Iniutos ni Gu Hong, at mas dose-dosena pang mga anyo ang sumugod patungo sa bundok kung nasaan si Zhao Feng.

Ang ibang pinuno ay tinatawag na Mu Yue. Siya ay payat na babae na nakaabot ma sa half-step King level. Ang kaniyang grupo ay binubuo ng tatlong Great Origin Core Realms at siyam na peat stage Small Origin Core Realms.

"Natambangan tayo!"

Ang grupo ng itim na mga anyo ay natagpuan noong sila'y nasa tatlong daang milayang layo pa lamang mula kay Zhao Feng. Ang upper echelon ng pamilya Zhao na nasa malapit ay lumapit at saka umatake.

"Patayin sila~~~~!"

Sina Mu Yue at Gu Hong, ang dalawang mga half-step King, na mayroong makapangyarihan mga aura. Sa kabilang banda, ang pamilya Zhao ay mayroon na lamang isang Grand Elder na nasa half-step King level, at ang lakas ng natitirang mga elder ay hindi kasing lakas ng sa mga kalaban.

"Mag-ingat ka! Ang kalaban ay dalwang mga half-step King!" Ang boses ng Grand Elder ay bumada sa kalangitan.

Ang dalawang half-step King ng pamilya Yin ay parehong mga tagalabas. Tanging isa sa tatlo mula sa grupo ang nagmula talaga sa pamilya Yin.

"Matandang lalaki, bumalik kaa rito!" Naglabas si half-step King Mu Yue ng isang espada ay hinati ang mga bundok sa paligid.

"Arghh!"

Ang miyembro ng upper echelon ng pamilya Zhao na nasa malapit ay nahati sa dalawa.

Ang Grand Elder ng pamilya Zhao ay pumunta upang tumulong, ngunit ang mas malakas na si Gu Hong ay mag-isang sumugod patungo kay Zhao Feng.

"Feng'er!" Si Grandfather Zhao ay lumitaw sa likod ni Zhao Feng. Ang kaniyang matandang mukha ay napuno ng pag-aalala, at saka nagsalita ng may kaunting pagnginig sa kaniyang tono nang makita niya ang papalapit na half-step King.

Miao!

Ang munting magnanakaw na pusa ay tumalon patungo sa balikat ni Zhao Feng.

"Hayaan mo ako…." Inabot ito ni Zhao Feng at saka pinigilan ang munting magananakaw na pusa. Ang kaniyang itim na buhok ay naging lila habang nililipad ng hanging panggabi.

"Illusion Maze City!"

Isang mahamog na lilang usok ang umikot sa kaliwang mata ni Zhao Feng.

Whoosh!

Ang senaryo ay biglang nagbago.

"Anong nangyayari!?"

Ang mga eksperto ng pamilya Yin ay pumasok sa maulap na maze at saka naglakad ng paikot. Tila sila ay nakulong sa isang 'di nakikitang maze, at kahit na anong gawin nilang pag-atake, ang kanilang mga atake ay limitado lamang sa loob ng daang mga yarda.

"Ang Illusion Maze City na ito ay isang Domain-level skill."

Umupo si Zhao Feng. Kahit na isa sa sampu lamang ng kaniyang kaluluwa ang nabawi niya mula sa peak nito, ang mga teknik ng kaniyang God's Spiritual Eya ay maaaring makapinsala ng mga King.

"Arghh!"

Mga sigaw ang bumanda sa buong illusion city. Gayon pa man, wala sa mga eksperto mula sa pamilya Zhao ang naaapektuhan ng ilusiyong ito.

Sa kalagitnaan ng oras na parang nagtitimpla ng tsaa, ang lahat mula sa pamilya Yin ay patay na. Si Zjao Feng ay hindi gumalaw simula nang gamitin niya ang skill na ito.

Nagulat si Grandfather Zhao. Ang nakikita lamang niya ay ang pagtitig ni Zhoa Feng sa kanila, at saka ang mga eksperto mula sa pamilya Yin ay tumigil sa paggalaw at walang ginawa habang pinapatay sila ng kalaban.