Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 774 - Liham

Chapter 774 - Liham

Mayroon pang apat na buwan bago magbukas ang Divine Illusion Dimension noong umabot si Zhao Feng sa True Lord Rank.

"Marami pa akong oras na natitira ngunit sa ngayon, ang pinaka mahalagang gawain ay gumawa ng pundasyon sa ikaapat na lebel para sa Five Elemental Wind Lightning. Kailangan ko pa rin ng ilang Watwr-elemental resources."

Hindi nagmamadali si Zhao Feng. Sa sandaling ito, mukhang maayos at matatag ang kanyang re-cultivation, at mas mabilis pa ito sa kanyang inaasahan.

Ang ikaapat na lebel ng Five Elemental Wind Lightning ay mahalagang punto na magpapalakas sa kanya, kaya hindi na ito pinatagal pa si Zhao Feng.

Wala siyang maraming Water-elemental resources. Mula sa ikaapat na lebel, ang Water of Wind Lightning ay maaaring macultivate hanggang sa lebel ng half-step King. Napakaraming Water and Lightning reaources ang kinakailangan nito.

Sa loob ng silid, sinubukan niyang buuuin ang Water of Wind Lightning. Ang pamisan-minsang alon ng ng tubig ay lumilitaw sa kanyang paligid kasabay nang paghuni ng kidlat at hangin.

Natapos niya nang gawin ang unang tatlong lebel - ang simula ng Wind Lightning. Mula sa ikaapat na lebel, makakapaaok na talaga aiya sa Five Elemental Wind Lightning.

Ang unang hakbang ay isanib ang Laws of Water sa kanyang cultivation. Banayad ang progreso ni Zhao Feng. Mayroon ng kaunting Water bloodline sa katawan ni Zhao Feng, na nagmula sa God's Spiritual Eye.

Ang asul na ilog sa gitna ng purple Soul Sea ay gano'n pa rin. Mayroong misteryosong ipo-ipo na umabot sa Ancient Dream Ream. May planong pumasok dito si Zhao Feng matapos ang ilang sandali.

Makalipas ang ilang araw, matapos gamutin ang ilang Water elemental resources, kulay asul na Wind Lightning ay lumitaw sa True Spirit ni Zhao Feng. Ang kapangyarihan ng Wind Lightning ay hindi nagbago, ngunit ngayon ay may kakayahan na itong magbago, gayon din ang ibang katangian ng tubig.

Sa ngayon, tanging isa sa bawat limang Source of True Spirit ni Zhao Feng ang naging Water of Wind Lightning. Napagtanto ni Zhao Feng na ginamit niya ang Water of Wind Lightning upang palakasin ang kanyang katawan, mas napalakas nito ang kanyang laman-loob. Ibig-sabihin nito ay hindi lamang titigas ang knyangvkatawan mas magiging matibay ito.

"Ang Five Elemental Wind Lightning at ang Golde Kun Sacred Lightning ay perpekto sa isa't-isa," hindi maiwasan na purihin ito ni Zhao Feng.

Noong matapos siyang icuktivate ang limang elemento sa kanyang katawan, ang katawan niya lubhang magiging bihasa sa bawat elemento. Ang Origin Core Realm ay walang dudang magiging mas mahusay.

"Hehe, Demigod Kun Yun, hindi mo rin ito inaasahan, tama ba?" Tumawa si Zhao Feng.

Maging sa continent zone, ang mga Demigod ang may mataas na katayuan.

Noong nakaraang kalahating taon, sinubukang lokohin ni Demigod Kun Yun si Zhao Feng, ngunit sa huli ay tinulungan niya pa ito.

"Sa kasamaang palad, wala nang pag-asa na makapasok pa sa Heaven' Legacy City…" bulong ni Zhao Feng.

Matapos maranasan ang buhay at lumipat sa ibang katawan, naintindihan niya ang maraming bagay. Walang totoong eksperto sa mundong ito ang may banayad na paglalakbay. Ang paglalakbay sa buhay ay minsan ay nasa itaas at nasa ibaba.

Sa araw na ito, umalis na si Zhao Feng sa seklusyon. Nakaabot na siya sa unang yugto ng True Lord Rank.

"Tatapusin ko ang lahat ng misyin ngayong taon at kukuha ng ilang Water-elemental resources habang ginagawa iyon."

Tinanggal na ni Zhao Feng ang simbolo ng seklusyon at lumabas sa kanyang bahay.

Isang Outer disciple ang agad na nakipag usap sa iba sa sandaling lumabas si Zhao Feng.

"Bilis! Lumabas na siya!"

Ilang mga outer disciple ang pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw ni Zhao Feng. Mayroon ding silang message tokens na hawak.

Agad na dumating si Senior Martial Brother Guang matapos itong marinig.

"Paano ito nangyari…!? True Lord Rank Cultivation…!" Naramdaman ni Senior Martial Brother Guang ang pagbabago sa aura ni Zhao Feng kahit malayo pa lamang siya.

Ilang buwan na ba ang nakalilipas? Ang True Human Rank na lalaking iyan ay nakalagpas sa dalawang antas at umabot sa True Lord Rank.

Agad na kinuha ni Senior Martial Brother Guang ang kanyang message token at sasabihin niya ito kay Luo Zun. Binigay sa kanya ni Luo Zun ang message token na ito, bago umalis.

Gayunpaman, noong kinuha ito ni Senior Martial Brother Guang, agad itong naglaho.

"Ang message token ko!" sigaw ni Senior Martial Brother Guang.

Miao miao!

Isang silver-grey na pusa ng kumuha sa message token ni Senior Martial Brother Guang ang agad na naglaho.

"Mahusay, munting magnanakaw na kuting!"

Naupo si Zhao Feng sa Yinming at iniwan ang Senior Martial Brother Guang na nagsimulang magmura. Kinuha ni Zhao Feng ang message token mula kay Luo Zun; kapag wala ito, hindi makakausap ni Senior Martial Brother Guang si Luo Zun. Hindi niya rin mahahanap si Luo Zun dahil malaki ang Tianfeng Great Island Zone.

Hindi nagtagal at nakarating si Zhao Feng sa Hall of Mission sa pamamagitan nang pagsakay sa Yinming Bird.

Sa mga sumunod na araw, ginawa niya na ang mga misyon. Sa bawat sandaling kukuha siya ng misyon, sa iisang lugar lamang ito nangyayari. Hindi na rin mahalaga kung ito ay mataas na antas ng misyon.

Sa loob lamang ng sampung araw, natapos mag-isa ni Zhao Feng ang dose-dosenang misyon nang sobrang bilis. Sigawan ang maririnig sa bawat sandaling bumabalik siya at kumukuha ng gantimpala at contribution points.

"Isang True Lord Rank ang nagawang tapusin ang mga misyon na maging ang Origin Core Realm ay hindi kaya."

"May tinatago ang lalaking ito."

May ilang mga mission maniacs sa Hall of Mission na nakakukuha ng malalaking resources sa paggawa ng misyon mag-isa. Gayunpaman, wala sila kumpara sa bilis ni Zhao Feng. Ang bilang ng contribution points na nakuha ni Zhao Feng sa loob nang sampung araw ay sapat na upang pamulahin ang mga mata ng mga Origin Core Realm

Habang lumilipas ang oras, mas humihirap ang mga misyon ni Zhao Feng.

"Kasing dami na iyon ngbmisyon na magagawa sa isang taon." Tumango si Zhao Feng at gumawa ng bagay na mas ikinagulat ng clan.

Makalipas ang apat o limang araw, pumunta si Zhao Feng sa exchange castle ng clan. Sa ngayon, marami siyang hayop na napaamo na ng antas ay nasa True Apirit Realm hanggang Great Origin Core Realm. Ang spiritual pet bags niya ay puno.

Malaking gulat ang kanyang idinulot noong dumating aiya at nagbenta ng spiritual pets. Maraming mga hayop na mahurap paamuhin ang napaamo ni Zhao Feng, maraming eksperto mula sa Ten Thousand Sacred Clans ang dumating upang bumili matapos itong marinig. Ilang mga bihirang spiritual pets ang nakakuha rin sa atensyon ng ilang Void God Realm Kings.

Ang husay ni Zhao Feng sa pagpapaamo ng mga halimaw ay kumalat sa Ten Thousan Sacred Clan.

Malaking halaga ng Primal Crystal Stones ang kanyang kinita sa pagbebenta ng mga hayop. Ilang mga eksperto ang humingi sa kanya nang tulong upang paamuhin ang ilang mga halimaw; ang gantimpala nito ay mas malaki pa sa nakukuha niya sa paggawa ng mga misyon, at mas mabilis itong gawin.

Matapos makakuha ng malaking halaga ng kayamanan, nagsimulang icuktivate ni Zhao Feng ang Water of Wind Lightning.

"Ang mga Water- elemental resources na ito ay sapat na upang umabot ako sa half-step Origin Core Realm." Sabik si Zhao Feng.

Syempre pa, bumili rin siya ng ibang mga resources, kabilang na rito ang body-strenthening, Lightning at Soul Dao resources. Ang Soul Dao resources ang pinaka mahal, ngunit kailangan itong bilhin ni Zhao Feng upang mapagaling ang kanyang kaluluwabat mabuhay muli ang kanyang Emperor Intent.

Sa isang kisap-mata, isang buwan muli ang nakalipas, at ang kanyang Five Elemental Wind Lightning ay umabot na sa ikaapat na lebel. Sa sandaling ito, ang Wind Lightning sa kanyang Source of True Spirit Realm ay naging asul na.

Weng~

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang True Yuan at pinalibutan ang kanyang sarili ng kulay asul na alon ng Wind Lightning.

"Tignan natin kung magagamit ng Water of Wind Lightning upang magamit ang Water Spirit Divine Change." Naintriga si Zhao Feng.

Ang Water Spirit Divine Change ay may kakayahang gawing likido ang kalagayan ng laman at dugo sa isang ispesipikong oras. Ibig sabihin nito ay may pagkakataon na magkaroon ang isang tao ng immortal na katawan sa isang sandali.

Naisip ni Zhao Feng na maaaring ito ay posible. Kapag ito ay nagtagumpay, ang Water Spirit Divine Change ay maaaring maging Water Lightning Divine Change, na ang kakayahan nito sa pag opensa ay mas lalakas.

Matapos umabot sa ikaapat na lebel ng Five Elemental Wind Lightning, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Water of Wind Lightning upang sanayin ang Sacred Lightning Body. Gayunpaman, mula s ikaapat na lebel, isang mahalagang punto rin iyo para sa Sacred Lightning Body.

Ang unang tatlong lebel ay ang pundasyon, at ang bawat lebel ay nahahati sa simula, gitna, huli at peak stages. Ang hirap nito ay lubos na tataas.

Kapag sinanay ang Sacred Lightning Body sa huling yugto ng ikaapat na lebel, magkakaroon sila nang kakayahan na mamuno sa Origin Core Realm. Kung gayon, ang Sacred Lightning Body ni Zhao Feng ay mabagal at matatag na sumusulong patungo sa peak third level dahil mayroong bottleneck sa ikaapat na lebel.

Hu~~

Huminga nang malalim si Zhao Feng.

Upang makaabot sa bottleneck, gusto niyang makapasok sa Ancient Dream Realm, ngunit napakahirap tunawin ng mga Spiritual Fruits, kaya hindi pa sa ngayon ang tamang oras. Hindi pa rin kayang pumatay ni Zhao Feng ng mga halimaw mula sa Ancient Dream Realm sa kanyang kalagayan ngayon. Maging sa paglakad ay mahihirapan siya.

"Zhao Feng, may liham para sa iyo."

Ang tunog nang lumilipad ay kanyang narinig kasabay nang paglitaw ng isang mensahero mula sa labas.

Whoosh!

Tumagos ang liham mula sa protective array.

"Yunling Zhao Family?" Nagsalubobg ang kilay ni Zhao Feng noong binuksan niya ang liham. Ayon sa liham ay mas nagiging matindi ang laban mula sa Zhao at Ying Family, mayroing tulong mula sa misteryosong kapangyarihan ang Yin Family kay sila ang may lamang.

"Feng'er, Ayon sa pinuno ng Luo Family, kapag pumunta ka sa LuobFamiky at humingi ng tawad, tutulong sila na ayusin ang bagay na ito." Sa dulo ng liham ay pirma mula sa lolo ni Zhao Feng.

Matapos basahin ang liham ay nagdilim ang ekspresyon ni Zhao Feng.

"Luo Zun at Eight Prince… ito ang pakana niyo?"

Hindi tanga si Zhao Feng. Pantay ang Zhao Family at Yin Family, at matapos pumatay ni Zhao Feng ng ilang eksperto kila sa Yin Family, nagkaroon sila nang seryosong hidwaan. Gaano kalaking pinsala ang kayang ibigay ng Yin Family sa Zhao Family?

Shu~~~

Ginawang abo ni Zhao Feng ang liham.

"Mukhang kailangan kong bunalik sa Yunling Zhao Family."

Alam ni Zhao Feng na ang orihinal na Zhao Feng ay gustong panatilihin ang dangal ng kanyang pamilya, at malapit ito sa lolo niya, na tila mag-ama sila. Hindi maaaring hindi pansinin ni Zhao Feng ang pakiusap ng lolo nito.

Agad aiyang naupo sa Yinming Bird at tumungo sa Messenger Hall ng Ten Thousand Sacred Clan.

"Maaari ka bang magpadala ng liham sa continent zone?" Tanong ni Zhao Feng.

"Ilang mga pwersa kagaya ng two-star sects, malalaking pamilya o lord dynasty ang maaaring tumanggap nito," sagot ng Elder.

"Mabuti. Maaari ka bang magpadala ng liham sa Duanmu Family ng continent zone?" Tanong ni Zhao Feng kasabay nang pagsusulat niya ng liham at sinelyuhan ito gamit ang special technique.

"Duanmu Family? Ang isa ba sa EightBug Families ng Great Gan Lord Dynasty?" Gulat na tanong ng Elder.

"Tama ka," mayabang na saad ni Zhao Feng habang iniaabot niya ang liham sa elder at nagbigay din siya ng malaking halaga ng Primal Crystal Stones.

Matagal na rin siyang namamalagi sa Great Gan Lord Dynasty, at sumulat lamang si Zhao Feng ng liham upang kamustahin sina Duanmu Qing at Zhao Yufeu. Umaasa siyang makita niya na sila.