Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 766 - Five Elemental Wind Lightning Technique

Chapter 766 - Five Elemental Wind Lightning Technique

Pinanood ng tatlong lalaki at isang babae si Zhao Feng na umupo sa Yinming Bird at lumipad paalis. Hindi pa rin nawawala ang bakas ng gulat sa kanilang mga mukha, at tuluyan nang nawala sa kanilang paningin ang Yinming Bird.

"Napakahusay na bata at Beast Tamer. Sa kasamaang palad, hindi ako nabigyan ng pagkakataong makilala siya…." Pinanuod ng napakagandang babae ang Yinming Bird na lumipad papalayo ng may panghihinayang.

Kaunti lamang ang mga Beast Tamer na kayang makapagpaamo sa Yinming Bird, na sinanay sa elemento ng Kamatayan, nang napakadali. Isa pa, bata at makisig ang Beast Tamer.

"Huwag kang mag-alala, Prinsesa," bahagyang ngumiti ang namumunong Great Origin Core Realm Sovereign Lord. "Sa talentong mayroon ang batang iyon, sigurado akong magkakaroon ng pagkakataon na makita mo siyang muli sa hinaharap."

Nang marinig iyon, tumango ang iba pa bilang pagsang-ayon. Magliliwanag ang Ginto sa lalong madaling panahon, at siguradong sisikat ang batang iyon sa dakilang isla dahil sa taglay nitong abilidad.

Sa sandaling iyon, sa ilang dosenang milyang layo makikita ang dalawang misteryosong bantay. Tila ba mga anino, at ang cultivation ng mga ito ay nasa lebel ng half-step King.

"Kataka-taka. Ang bata sa True Spirit Realm, ngunit nagbigay siya ng malalim na diwa ng kaluluwa, at nakayanan niyang paamuhin ang Yinming Bird," saad ng isang bantay.

"Ang misyon natin ay lihim na protektahan ang prinsesa. Hindi dapat natin pinagtutuunan ng pansin kung gaano ka-kakaiba ang batang iyon," malamig na saad ng isa pang bantay. 

Sa mga ulap, nakasakay si Zhao Feng at ang munting kuting na magnanakaw sa Yinming Bird at dumaan sa himpapawid ng Wuyou Forest.

"Hindi na masama ang bilis ng Yinming Bird. Kung hindi dahil sa God Tribulation Lightning na nasa aking kaluluwa, hindi ko ito mapapaamo ng ganoon kabilis," hindi mapigilang humanga ni Zhao Feng.

Malalaman ng kahit sino na sinanay niya ang Wind Lightning Inheritance sa kaniyang nakaraang buhay, at ang Wind Lightning Inheritance ay kilala sa angkin nitong bilis. Hindi maikakaila ang taglay na bilis ng Yinming Bird dahil napahanga nito si Zhao Feng.

Bagama't mabilis ito, hindi maiiwasan ang mga kakulangan. Ang bigat na kaya nitong buhatin ay mas magaan kaysa sa ibang ibon dahil ang katawan nito'y panlupa, dahil dito kaya nitong lumaki at lumiit ayon sa gusto nito.

Para sa kasalukuyang Zhao Feng, ang ibong ito ay magandang sakayan gaya ng kabayo. Ang Yinming Bird ay nagsanay ng pambihirang elemento ng Kamatayan at mayroong namumukod tanging bilis. Kaya't hindi nakapagtatakang sinubukan itong paamuhin ni Zhao Feng.

Habang pinapaamo ito, naramdaman din ni Zhao Feng ang dalawang half-step King sa malapit, kaya't mabilis niyang tinago ang kanyang aura at mabilis na umalis.

"Kailangan kong matapos ang aking trabaho bago bumalik sa pangkat."

Naalala ni Zhao Feng na nagtipon sila upang tapusin ang isang gawain. Kailangan nilang likumin ang mga partikular na parte ng katawan ng halimaw sa itinakdang oras. Ang lakas ng mga halimaw na ito ay hindi biro, at mahihirapan ang isa o dalawang mayroong Two Human Ranks upang matapos ang gawaing ito.

Makalipas ang kalahating araw, madaling natapos ni Zhao Feng ang gawain at bumalik sa angkan ng Yinming Bird. Makikita na ang grupo ng mga bundok ay napapaligiran ng ginintuang ilaw. Tila ba sumusunod sa araw.

Whoosh! Whoosh!

Mayroong natatanging pigura na lumilipad sa kalangitan, at may iba't-ibang uri ng lumilipad na hayop. Makikita sa kalangitan ang Origin Core Realm Sovereigns.

"Hmm?"

Ang Yinming Bird ni Zhao Feng ay naagaw ang pansin ng ilan sa mga eksperto ng pangkat. Hindi pangkaraniwan ang Yinming Bird, at kahit ang mga Great Origin Core Realm Sovereign Lord at mga half-step King ay gugustuhing magkaroon. Ang pagpapalaki ng Yinming Bird ay mas mahirap sa iba, ngunit ito'y kalugod-lugod.

Nag-aalab ang tingin ng ilan sa mga Origin Core Realm Sovereign sa Yinming Bird ni Zhao Feng, ngunit ipinagsawalang-bahala lamang ito ni Zhao Feng. Alam niyang walang magtatangkang nakawin ang kanyang alaga. Ang pagiging tanyag ay nangangahulugang mas marami ang mapagkukunan niya ng resources at kapangyarihan sa Ten Thousand Sacred Clan.

Sa loob ng malaking bulwagan ng Ten Thousand Sacred Clan, ilan sa mga disipulo ay nakahanay at isa-isang ibinigay ang kanilang mga naatas na gawain.

"Junior Martial Brother Zhao?" Gulat na mga boses ang maririnig sa bulwagan. Nagmula ito kay Senior Martial Brother Guang, Senior Martial Sister Wan, at mga kasama.

Nang marinig ang mga boses, mabagal na naglakad si Zhao Feng papasok. Sama-samang tinanggap ng mga ito ang gawain, at ang lahat ay may partikular na halagang dapat ibigay.

Isang kakaibang ilaw ang tumama sa mata ni Senior Martial Brother Guang nang makitang nakabalik ng ligtas si Zhao Feng.

"Junior Martial Brother Zhao!" Mabilis na ikinubli ni Senior Martial Brother Guang ang kanyang emosyon at sinabi ito sa makatwirang tono, "Dahil umalis ka ng mag-isa, wala kang makukuhang kahit ano."

Sa karaniwan, kailangang sumunod si Zhao Feng sa grupo upang mabahagian, ngunit siya'y umalis, ang pinuno ay mayroong kakayahang huwag siyang bigyan ng kahit ano. Sa totoo lamang, ang dating Zhao Feng ay hindi gaano nakatulong sa gawain, nararapat lamang na wala siyang makuha.

Sasabihin ko rin ang tungkol rito sa Kumukontrol na pangkat, bahagyang ngumiti si Senior Martial Brother Guang.

Sa pagkakataong ito, ang pangkat naman ni Senior Martial Brother Guang ang magbibigay, at sinundan sila ni Zhao Feng.

Sa loob ng bulwagan, nagsimulang ibigay ng pangkat ni Senior Martial Brother Guang ang nalikom. Ang nagsusuri sa mga nalikom ay isang matanda na naabot ang huling yugto ng Small Origin Core Realm.

"Regulator Fan, ito ang mga materyales na nakalap namin, ngunit isa sa mga miyembro namin na si Zhao Feng ay iniwan ang grupo," tuwirang saad ni Senior Martial Brother Guang.

"Hmph, nakikita kong maraming disipulo na ang nagiging makasarili. Kinakailangan na natin silang bigyan ng matinding parusa," Striktong saad ng Regulator Fan. Si Senior Martial Brother Guang ay disipulo ng Hari, at ang Regulator Fan ay siguradong bibigyan siya ng parusa.

"Ikaw si Zhao Feng? Nasaan ang iyong partikular na halaga ng materyales?" Dumapo ang tingin ng Regulator Fan kay Zhao Feng. May kaunti siyang alam sa batang tinatawag na "Zhao Feng" dahil ito'y may angking talento, ngunit ang isang Earth Spirit Body ay karaniwan lamang sa Lord Dynasty. Sa kabilang banda, bukod sa talento, ang hinaharap ng isa ay nakabase rin sa pang-unawa nito, kagustuhan, pagsisikap, at marami pang iba, maliban na lamang kung ikaw ay maihahalintulad kay Nan Gongsheng at mayroong Heaven Spirit Body.

Sa kabuuan, kung magiging maganda ang kaniyang ipapakita sa susunod na dalawang taon, mayroon siyang pagkakataon na maging disipulo ng isang Hari.

Whoosh!

Walang emosyong iwinagayway ni Zhao Feng ang kayang kamay at kumpol ng materyales ang nahulog sa sahig.

Ano!? ang mata ng lahat ay natigil sa kumpol ng materyales. Ito ang kinakailangang gamit para sa gawain.

"...doble ang halaga kaysa sa kinakailangan ang mayroon dito. Ginawa mo ito nang mag-isa?" Bahagyang namangha ang Regulator Fan. Nangangahulugang nakalikom ng dobleng kinakailangan si Zhao Feng nang mag-isa, at lahat ng ito ay matataas ang kalidad. Madali nilang natapos ang kinakailangan; sinuri ni Regulator Fan ang mga materyales at perpekto ang mga ito.

"Paano niya ito ginawa nang mag-isa?" Napahinto ang lahat pati na rin si Senior Martial Brother Guang, at nanlaki ang mata ni Senior Martial Sister Wan, na hindi maitago ang pagkabigla. Muli niyang naalala ang imahe ng likod ni Zhao Feng habang naglalakad paalis.

"Regulator, natugunan ko ba ang mga pangangailangan?" Nakangiting tanong ni Zhao Feng.

"Dobleng halaga ng kinakailangan ang nakuha mo, at lahat ito ay matataas ang kalidad. Malinaw na natugunan mo ang kinakailangan," huminahon na rin sa wakas si Regulator Fan.

Walang partikular na paraan upang matapos ang gawain. Kung gusto nila, maaring gumamit ng Primal Crystal Stones at bumili na lamang ng kinakailangang materyales.

"Sigurado akong nag-utos ng ibang tao ang Zhao Feng na ito upang mangalap ng mga materyales. Pagkatapos ng lahat, may maayos na pamilya siya para tustusan ang kaniyang pangangailangan," nakipagpalitan ng tingin si Senior Martial Brother Guang sa ibang kasama.

Matapos makumpleto ang misyon, nakuha nila ang kanilang mga gantimpala. Ang gantimpala ay mga puntos ng kontribusyon, kung saan maaari nilang gamitin sa pagbili ng mga teknik o magkamit ng pribilehiyo sa pangkat.

Ibinigay ng middle-upper echelon ng pangkat ang lahat ng mahihirap na gawain sa mga ibabang disipulo. Kung mayroong mapanganib na bagay sa teritoryo, ang mga ibabang disipulo ang ipadadala. Karamihan sa mga disipulo sa mundo ng cultivation ay ginagamit sa paggawa sa paligid.

"Dalawang libong puntos at walong libong Primal Crystal Stones…." sinuri ni Zhao Feng ang natanggap na gantimpala.

Ang gantimpalang nakuha niya ay higit na mas malaki kung ikukumpara sa pinagsamang gantimpala na natanggap ni Senior Martial Brother Guang at ng ibang miyembro. Matapos ang lahat, walang limitasyon ang halaga na kayang ibigay ng isa dahil ito ay talagang kinakailangan.

Matapos lumabas sa bulwagan:

Zhao Feng, kaya mong bilhin ang mga kinakailangan na bagay ngayon, ngunit kung ang susunod na misyon ay pagpatay o pakikipaglaban, tignan natin kung paano mo ito pepekein, masama ang loob ni Senior Martial Brother Guang, ngunit nanatili siyang nakangiti at nagkunwaring maayos ang relasyon kay Zhao Feng.

"Senior Martial Brother Guang, paano mo nakilala ang mga tao mula sa pamilya ng Yin?" Walang pinanggagalingang tanong ni Zhao Feng.

"Ang Pamilya ng Yin.. Anong ibig mong sabihin? Ano ba?" makikitang ang pagkasindak sa mata ni Senior Martial Brother Guang na sinusubukan kumilos ng normal, ngunit nakaramdam siya ng pagkabalisa ng tignan siya ng matalim ni Zhao Feng.

Hindi nag-abalang sumagot si Zhao Feng at hinampas ang kaniyang kamay sa hangin, lumabas ang isang malaking nag-aapoy na ibon.

Whoosh!

Dinala ng Yinming Bird si Zhao Feng sa himpapawid at iniwang gulat ang mga disipulo.

"Diyos ko po! Isang pambihirang Yinming Bird!"

"Hindi ba't ang ibon na iyon ay napakahirap paamuhin?"

Nagsimulang mag-usap ang mga disipulo, habang si Senior Martial Brother Guang at ang mga kasama ay nakabukas ang bibig.

"Hindi kaya't ibinigay lamang din iyon ng pamilya ni Zhao Feng sa kaniya?"

Habang nakatingin sa Yinming Bird na lumilipad sa himpapawid, matagal silang natahimik.

Ilang sandali pa ay nakarating na sa kanyang tirahan si Zhao Feng. Bilang Central disciple, mayroon siyang maliit na bahay, ngunit maliit ito kung titignan sa gitna ng mga bundok ng Ten Thousand Sacred Clan.

Dalian niyang binuksan ang protective array ng kanyang bahay at inilagay ang simbolong nagsasabi na siya'y nag-iisa. Bilang ang Ten Thousand Sacred Clan ay minsa'y naging three-star superpower, mayroon itong napakagandang pangunahing gamit.

Umupo si Zhao Feng sa loob ng kwarto nang lumitaw sa kanyang isip ang Golden Kun Sacred Lightning Body at ang Five Elemental Wind Lightning Technique.

Ang dalawang kasanayang ito ay magkahawak-kamay. Upang macultivate ang Sacred Lightning Body, kailangan kong palakasin ang aking katawan sa tulong ng limang elemento ng lightning, napag isip-isip ni Zhao Feng.

Una niyang kailangang icultivate ang Five Elemental Wind Lightning Technique, na pinagsama at pinagbuti gamit ang Wind Lightning Inheritance at Five Elemental Ten Thousand Lightning Technique.

"Ang Five Elemental Wind Lightning Technique ay hinati sa labindalawang antas at kayang abutin ang Heavenly Divine Realm. Ang tatlong unang antas ay binase sa Wind Lightning. Mula sa ikaapat na antas pataas, magsisimulang icultivate ang elemento ng Metal, Tabla, Tubig, Apoy, at Lupa. Ang ikasampung antas ay kung ang limang elemento at ang Wind Lightning ay nagsimulang patuloy na umikot…."

Nilamon nito ang isip ni Zhao Feng.