"Ang hilagang bahagi ng Tianfeng Great Island Zone…. Ang Zhao Family ng Yunling area… Zhao Feng?"
Isang memorya ng dayuhan ang biglang sumilay sa isip ni Zhao Feng. Sa pagkakataong iyon, ang kanyang lilang Soul Sea ay humihigop ng isang sirang kaluluwa at memorya. Sa parehong pagkakataon, ang pagkakabigkas ng pangalan ng kabataang ito ay katulad ng kay Zhao Feng.
Dahil sa kontrol na mayroon si Zhao Feng sa God's Spiritual Eye, nagawa niyang makontrol ang katawan na ito nang madalian.
"Hindi ito maganda. Ang mga laman-laman ko ay lubhang napinsala, at nawalan ako ng maraming dugo…." Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago nang bahagya.
Kahit "ninakaw" niya lamang ang katawan na ito, patay naman na talaga sana ang batang ito. Ayos na iyon para hindi naman makonsensya si Zhao Feng; kung hindi siya dumating, ang kabataang Zhao Feng na ito ay matagal na sanang namatay.
Nagsimula siyang padaluyin ang kanyang natitirang sangsampu ng kanyang Intent, kung saan pinagyelo niya muna ang mga pinsala at muling pinagniningas ang lifeforce sa loob ng kanyang katawan. Kahit namatay na si "Zhao Feng", hindi pa rin naman sira ang katawan nito, kung kaya ang proseso ay mabilis lamang. Hindi na kailangan pang maghanap ni Zhao Feng ng ibang katawan sapagkat tumutugma naman ito sa kanya.
Kailangan niya munang magkumpira ng isang bagay.
"Huu. Sa kabutihang palad, ang Cursed Words of Death ay naglaho na."
Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng. Ang Escaping the Shell ay nangangahulugang kaya niya lamang protektahan ang kanyang God's Spiritual Eye. Ang mga natitirang bahagi, gaya ng kanyang kaluluwa at katawan, ay matagal nang napabulok ng Cursed Words of Death.
Mayroong tatlong uri ng muling pagkabuhay.
Ang una ay magnakaw ng isang katawan. Simple lang naman ito, pero napakadelikado.
Ang ikalawa naman ay ang muling mabuhay gamit dugo mo, gaya na lamang ng ginawa sa batang Demigod. Nangangailangan nga lang ito ng malakas na kaluluwa at Intent.
Ang ikatlo naman ay muling pagkabuhay gamit ang Samsara. Kaya lamang mahirap itong makontrol; hindi nating masasabi kung magkakaroon pa ba siya ng alaala ng kanyang nakaraang buhay o hindi. Kung maswerte sila, muli silang maipapanganak na may Ten Thousand Ancient Races Bloodline o kaya naman ay isang disipulo ng makapangyarihang tao. Kung hindi sila maswerte, mabubuhay silang muli bilang isang aso o baboy. Subalit, kapag ginamit ang ikatlong paraan at makokontrol ito nang maayos, magiging perpekto ito.
Kumpara sa dalawa, ang paraang ginamit ni Zhao Feng ay hindi nangangailangan ng gaanong hirap, at ito lang naman ang kaya niyang gawin sa ngayon.
Hindi naman marunong si Zhao Feng gamit ang kanyang dugo; kahit ang Emperor of Death ay hindi ito magawa. Kaya lang naman ito nangyari sa batang Demigod sapagkat mataas na ang kanyang kabihasaan sa Golden Kun Sacred Body sa kanyang sukdulan, at kaya nakapagcultivate na siya kung saan pwede siyang mamuhay muli gamit ang kanyang dugo. Dagdag pa roon, ang muling pagkabuhay gamit ang dugo ay hindi pwede kay Zhao Feng sapagkat hindi niya mapipigilan ang Cursed Words of Death na kinakain ang kanyang pisikal na katawan. Kung gagawin niya iyon, muling magpapakita lamang ang sumpang iyon.
Para naman sa muling pagkabuhay gamit ang Samsara, kahit alam niya pa gawin kung papaano, hindi niya naman ito kontrolado.
Ang hindi gaanong mahirap na paraan gaya ng pagnanakaw ng isang katawan ang talagang nababagay kay Zhao Feng.
"Ang katawan na ito ay napakabata pa at kakaabot lamang nito sa True Spirit Realm. Nababagay nga talaga ito para sa akin," pagsusuri ni Zhao Feng sa kanyang katawan nang natutuwa.
Kung malakas talaga ang inaasinta, hindi ito pwede kay Zhao Feng. Hindi naman dahil sa ayaw niya sa isang malakas na tao, pero isinuko na kasi niya ang 90% ng kanyang soul power para pigilan ang Cursed Words of Death at pinakawalan niya na ang kanyang pisikal na katawan. Sa natitira niyang hindi hihigit sa sa 10% na kaluluwa, hindi niya kayang magnakaw ng isang katawan na nasa Void God Realm. Kahit ang isang taong nasa Origin Core Realm ay manlalaban, pero agad niya namang mapapalitan ang isang nasa True Spirit Realm. Bukod pa roon, patay na ang may-ari ng katawan na ito at nailigtas niya pa si Zhao Feng sa mga abala.
Sa pagkakataong iyon, nagpakawala si Zhao Feng ng mahabang hininga. Ang Cursed Words of Death ay nawala na, at ang katawan na ito ay mas talentado pa kaysa sa dati niya. Pwede itong magcultivate ng Golden Kun Sacred Lightning Body at ng Five Elemental Wind Lightning Technique.
Ang tanging nakakakonsensyang bagay lamang ay dahil wala na ang kanyang Mystic Ice Scaled Race Bloodline, pero ganoon pa man naniniwala siyang walang perpekto sa mundo.
Nagsimula nang kunin ni Zhao Feng ang mga alaala ng katawang ito.
Ang orihinal na may-ari ng katawan na ito, si Zhao Feng, ay nagmula sa isang middle-tier na pamilya sa Yunling Area. Ang Zhao Family at ang Yin Family ng Yunling Mountains ay mataas ang kompitensya sa isa't isa, at may alitan pa.
Si Zhao Feng ay isa sa mga henyong ipinapanganak lamang kada libong taon sa Zhao Family, at nagawa niyang maipasa ang pagsubok at makapasok sa Ten Thousand Sacred Clan kalahating taon ang nakalilipas. Ang Ten Thousand Sacred Clan ay minsang naging three-star superpower, at kahit nasa two-stars na lang ito ngayon, mayroon itong matatag na pundasyon at higit itong mas malakas kaysa sa mga two-star sects sa True Martial Sacred Land.
Higit itong ikinabahala ng Yin Family at hindi sila mapakali, pero sa kabutihang palad, nagtungo si Zhao Feng sa isang misyon kasama ang mga disipulo, at dahil sa mas gusto niyang mapag-isa at hindi masyadong mabuti ang relasyon niya sa iba, humiwalay siya kung kaya nagkaroon ang Yin Family ng tsansa.
"Nakakatuwa; ang katawang ito ay may talentong nasa High-Tier Earth Spirit Body, at mayroon siyang kakaibang bloodline, pero parehong patay na ang kanyang mga magulang at namumuhay na lamang siya kasama ang kanyang lolo."
Lalo pang sinuri ni Zhao Feng kung ano ang mga mahahalagang impormasyon sa kanya, kasama na ang katotohanang may kasintahan ito mula sa isang malakas na pamilya.
Masasabing ang kabataang ito ang may dala ng pag-asa ng Zhao Family.
"Dahil minana ko ang katawang ito, gagawin ko ang mga kahilingan mo noong buhay ko pa, syempre gagawin ko ang lahat maliban lamang sa pagpapakasal…." Isang mahinang ngiti ang makikita sa mukha ni Zhao Feng.
Ang itsura ng kabataang ito ay gwapo; at higit pa ito sa dati niyang katawan. Ang tanging problema lamang ay malamig ang ugali nito.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Ang tunog ng lumilipad ay maririnig sa pagkakataong iyon.
"Junior Martial Brother Zhao Feng!""Junior Martial Brother Zhao, mukhang sugatan ka. Junior Martial Sister Wan, tulungan mo siya agad….!"
Anim na disipulo na binubuo ng mga lalaki at babae ang dumating. Ang pinakamahina sa kanila ay umabot ng True Spirit Realm. Ang pinuno nila ay isang kabataang may kakaibang ekspresyon. Siya ang lider ng grupo ngayon, at nakaabot na siya ng True Lord Rank.
Nakahiga lamang si Zhao Feng sa lupa habang isang tahimik at mabuting babae na naka-asul ang gumagamit ng Water Skill para pagalingin siya.
Ang impormasyon tungkol sa mga disipulong ito ay nagpakita sa kanyang isip. Ang lider ay tinatawag na Senior Martial Brother Guang. Ang kanyang buong pangalan ay Guang Tian, at medyo kasikatan siya. Ang tahimik na babaeng naka-asul ay si Wan Rong, at ang kanyang cultivation ay nasa True Mystic Rank na.
Mula sa grupo, si Zhao Feng ang may pinakamababang cultivation. Ito ay dahil siya ang pinakabata at ang kakasali lamang sa clan.
Ang sampung Great Core Disciples sa kanyang alaala ay nakaabot na lahat ng Origin Core Realm, at ang dalawa o tatlo ay nasa Great Origin Core Realm na.
Ang Ten Thousand Sacred Clan Disciples ay nakaranggo nang ganito: Outer Disciples, Central Disciples, at Core Disciples. Ang mga kasalukuyang kasama niya ay mga Core Disciples.
"Kakaiba talaga. Lubhang napinsalaan si Junior Martial Brother Zhao, pero nakaligtas pa rin siya," nagulat ang babaeng naka-asul. Ang puso ni Zhao Feng ay lubhang nasaktan, pero nagyelo ito at hindi nawalan ng dugo.
Binigyan ni Senior Martial Sister Wan ng isang maliit na mahalagang spiritual pill si Zhao Feng. Agad na pinadaloy niya ang kanyang Intent at ikinalat ang enerhiya mula sa medisina patungo sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.
Ilang sandali, ang mga sugat ni Zhao Feng ay halos naghilom na.
"Tapos na."
Inialis ni Zhao Feng ang alikabok sa kanyang katawan saka tumayo at tumingin-tingin sa kanyang kapaligiran.
Ang mabait na Senior Martial Sister Wan ay hindi mapigilang maglabas ng kakaibang ekspresyon. Ang Zhao Feng sa harap niya ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam, at ang mga kilay ni Senior Martial Brother Guang ay nakatuon sa kanya nang may kalamigan sa mga mata.
"Junior Martial Brother Zhao, kung aalis ka nang mag-isa, isang araw, hindi ka na magiging ganito kaswerte."
Hindi na tinanong pa ni Senior Martial Brother Guang kung bakit sugatan si Zhao Feng. Mayroong isang True Spirit Realm na halimaw sa tabi ni Zhao Feng, kung kaya sa lohikal na pag-iisip, inisip nila na lubhang nasaktan ito dahil sa pakikipaglaban sa halimaw. Tanging si Senior Martial Sister Wan, na siyang responsible sa paghilom, ang may nakitang kakaiba.
Habang nagsasalita sila, sinisisi ni Senior Martial Brother Guang nang higit si Zhao Feng. Walang sinabi na kahit ano si Zhao Feng pero may bahagyang kalamigan at pagkamuhi sa kanyang mga mata. Gamit ang kanyang analisis at kakayahan, hindi naman mahirap makita na may kinalaman ang kanilang lider sa pagsugod na naganap mula sa Yin Family.
Habang nasa misyon sila, nagkaroon ng alitan si Senior Martial Brother Guang at Si Zhao Feng, at ang malungkuting bata ay nakapagdesisyon na mag-isa na lamang siyang maglalakbay. Subalit, ayon sa nalalaman ni Zhao Feng, maayos naman sa pakikipagkaibigan si Senior Martial Brother Guang, kung kaya paniguradong may kinalaman siya sa biglaang pagsugod sapagkat agaran itong nangyari nang humiwalay siya?
Kung hindi dahil sa katotohanang ayaw ni Senior Martial Sister Wan na maglakbay si Zhao Feng nang mag-isa, hindi nila siguro mahahanap ang kanyang katawan.
"Senior Martial Sister Wan, may utang na loob po ako sa inyo," hindi niya na pinansin si Senior Martial Brother Guang. Ngumiti lamang siya at tumango kay Senior Martial Sister Wan.
"Hindi… mo alam kung anong nakakabuti sa iyo!" Pag-atungal ni Senior Martial Brother Guang.
Miao miao!
Sa pagkakataong iyon, isang munting pilak-abong pusa ang tumalon mula sa isang puno.
"Napakaganda naman ng pusang ito!" Makikita ang paghanga sa mga mata ni Senior Martial Sister Wan.
Ang munting pusa ay may arogante at mapagmalaking ugali, at ang mata nito ay tila mga itim na perlas. Tila ba napakatalino nito.
Miao miao!
Tumungtong ang munting pusang magnanakaw sa balita ni Zhao Feng at siniko ito.
"Munting pusang magnanakaw," hinawakan ito ni Zhao Feng at marahang hinawakan ang balahibo nito nang may tuwa.
Ang mga tao ay maaaring umiral sa iba't ibang anyo, at ang mga may katawan ng isang tao ay maaaring hindi talaga isang tao, ang kaluluwa ang true core; ang pisikal na katawan ay isang pabalat lamang. Lalo na kay Zhao Feng at sa Emperor of Death, na may espesyalisasyon sa kaluluwa, ang kaluluwa ang kanilang true source.
Kahit nagnakaw ng isang katawan, si Zhao Feng ay si Zhao Feng pa rin. At ang munting pusang magnanakaw ay sasamahan pa rin siya.
"Ang pusang ito…?"
Sina Senior Martial Brother Guang, Senior Martial Sister Wan, at ang mga kasama nito ay nagulantang. Sa pagkakataong iyon, may hindi maipaliwanag na aura si Zhao Feng.
"Nakalimutan kong sabihin na kinuha ko ang alagang pusa na ito mula sa Wuyou Forest kani-kanina lamang," dagdag ni Zhao Feng.
Wala silang kahit anong masabi. Ang pusang ganito kaliit ay mukhang wala namang battle-power. Tanging si "Zhao Feng" na malamig at malungkot o kaya isang babae ang pipili ng ganito kahinang mga alaga.
Pagkatapos sabihin iyon, ang tao at ang pusa ay nagsimula nang maglakas sa kailaliman ng Wuyou Forest.
"Zhao Feng, anong ginagawa mo!? Pag-atungal ni Senior Martial Brother Guang.
"Mas gusto kong mag-isa," mahinang sabi ni Zhao Feng nang hindi lumilingon.
"Junior Martial Brother Zhao, ang kailaliman ng Wuyou Forest ay may mga Sovereigns. Ang paglalakbay mag-isa ay delikado," hindi mapigilang sabi ni Senior Martial Sister Wan. Nakatingin naman nang may pagkamuhi sina Senior Martial Brother Guang at ang mga kasama nito na tila nakatingin sila sa isang sinto-sinto.
"Halos mamatay na ang lalaking ito sa paglalakabay nang mag-isa at hindi pa rin siya magbabago?" Isang disipulong naka-asul ang ngumisi nang malamig.
"Junior Martial Brother Zhao, kung gusto mo talagang maglakbay nang mag-isa, hindi ko na iyon kasalanan. Kung hindi mo matapos ang misyon ng clan at mamatay rito, wala akong pakialam," tumawa nang malamig si Senior Martial Brother Guang pagkasabi nito.
Kahit na makaligtas si Zhao Feng, hindi niya makukumpleto ang gawain nang mag-isa at mapaparusahan pa ito pagbalik niya.
Subalit, ang tao at ang pusa ay tila ba walang narinig at patuloy na naglakad sa kalaliman ng Wuyou Forest.
Ang tahimik at mabuting Senior Martial Sister Wan ay tinignan na lamang ang paalis na anyo at tila natatawa. Nararamdaman niya na misteryoso ang lalaking ito pero nakakatuwa.