Sa araw na ito, isang arko ng kidlat ang pumasok sa walang hanggang karagatan.
Whoosh!
Isang kabataang may lilang buhok ang lumutang sa ere, at isang maliit na pilak-abong pusa ang nasa balikat niya. Nagbigay siya ng huling malalim na tingin sa Azure Flower Continent bago namuo ang iskarlet na pakpak sa kanyang likod habang paalis siya.
Ang tao at ang pusa ay halata namang si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw.
Nang ang kanyang cultivation ay bumababa sa Half-Step King Realm, napag-alaman ni Zhao Feng na lahat ng kanyang aspeto dati ay lalo pang humihina. Ang mga Void God Realm Kings ay may mas malakas na panlalaban kaysa sa Cursed Words of Death. Sa ibang salita, kung ang isang Ascended Realm Cultivator ang tinamaan ng Cursed Words of Death, agad silang magiging kumpol ng mga puting buto.
Nakaramdam tuloy ng pagmamadali si Zhao Feng.
"Kailangan kong pumunta sa continent zone habang may lakas pa ako," bulong ni Zhao Feng.
Sinabi sa kanya ng Sage ang tatlong paraan para maresolba ang Cursed Words of Death, at ang ikatlo ay nangangailangan ng malaking kapalit.
Ang una naman ay hindi makatotohanan, pero posible lamang sila sa continent zone. Bukod pa roon, gusto niya ring pumunta roon para hanapin si Duanmu Qing at Zhao Yufei.
Dahil sa mga rasong iyong kung kaya nais ni Zhao Feng na magtungo sa continent zone.
Ilang araw ang makalipas, naabot na ni Zhao Feng ang Void Ocean Spiritual Palace ng Azure Green Islands Zone. Ang Azure Flower Continent ay nasa loob ng Azure Green Islands Zone, at katabi nito ang Tianlu Islands.
Ang mga normal na tao ay walang karapatan na gamitin ang teleportation array, pero si Zhao Feng ay isang disipulo ng three-star Mystic True Sacred Clan, at mayroon rin naman siyang karapatan na ilabas ang kanyang Emperor intent – talaga ngang pinamumunuan ng malalakas ang mundo.
Syempre, ang paggamit ng teleportation array ay nangangailangan ng malaking halaga ng Primal Crystal Stones, at limitado lang rin ang distansya. Kaya niya lamang mateleport sa mga malalapit na Void Ocean Spiritual Palaces. Tanging pagkatapos lamang ng ilang teleportations saka naabot ni Zhao Feng ang True Martial Sacred Land.
Pagkatapos marating ang True Martial Sacred Land, ang tingin ni Zhao Feng ay hindi mapigilang mapunta sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak. Ang Spiritual Zone Teleportation Array at ang mga inheritance ay parehong malalaki at maliliit sa Ten Thousand Ancient Sacred Peak.
Nagsususpetsa si Zhao Feng kung ang batang Demigod ba ay may daan para makapasok sa Demigod Forgotten Garden. Pagkatapos ng lahat, ang batang Demigod ay may Demigod Intent. Syempre, kahit makumpirma pa ni Zhao Feng na ang batang Demigod ay nagtatago sa Demigod Forgotten Garden, wala namang magagawa si Zhao Feng tungkol rito.
Hindi nanatili si Zhao Feng sa True Martial Sacred Land nang matagal. Agad niyang ginamit ang Spiritual Zone Teleportation Array para makarating sa Floating Dream Sacred Land.
"Mayroong tatlong spiritual zones sa Cang Ocean, at ang hangganan ng Floating Dream Sacred Land ay pinakamalapit sa Nanlin Sea."
Isang mapa ang sumilay sa isip ni Zhao Feng. Ang Nanlin Sea ay malapit sa katimugang bahagi ng continent zone kung saan malayo ang Cang Ocean sa sakop ng Lord Dynasty. Nangangahulugan ito na basta makapasok si Zhao Feng sa Nanlin Sea, nasa hangganan na siya ng continent zone, kung saan ang mga pwersa ng Lord Dynasty ay mas malakakas.
Ginamit ni Zhao Feng ang Spiritual Zone Teleportation Array at naabot niya ang dulo ng Floating Dream Spiritual Zone.
Kakaunti na lamang ang Primal Crystal Stones ni Zhao Feng, kung kaya nanghingi siya kay Emperor Zi Mu nang iilan.
Nang magkita sila ni Emperor Zi Mu, itinago ni Zhao Feng ang kanyang aura pero hindi ang kanyang Emperor Intent. Hindi naman pinag-isipan ito ni Emperor Zi Mu, at dahil gusto niyang bumuo ng magandang relasyon kay Zhao Feng, syempre ay binigyan niya ito ng maraming Primal Crystal Stones.
"Emperor Zhao, ang pangalan ng Left-Eyed Heavenly Emperor sa Cang Ocean ay kayang paatrasin ang mga Gods at Ghosts nang ganoon lang. Kahit ang mga Mystic Light Realm Sacred Lords ay nababahala sa iyo," punong-puno ng paggalang si Emperor Zi Mu, pero hindi niya alam na ang cultivation ni Zhao Feng ay muli nang bumalik sa Great Origin Core Realm.
Hindi na nagtagal si Zhao Feng kasama si Emperor Zi Mu. Sinabi niyang may mga bagay siya na kailangang puntahan, kung kaya agad silang umalis.
Isang araw, nagpakita si Zhao Feng sa Void Ocean Spiritual Palace ng Floating Dream Spiritual Zone.
Ang mga Void Ocean Spiritual Zones ay kadalasang ginagamit sa walang hanggang karagatan. Sa kasalukuyan, ito ay isang utos galing sa Lord Dynasty mismo matapos nilang masakop ang kontinente at ang mga nakapalibot ritong dagat. Subalit, nawalan ng kontrol ang Lord Dynasty sa Cang Ocean at kakaunti lamang ang kapangyarihan nito sa Nanlin Sea.
Ang mga resources sa Nanlin ay higit pa sa Cang Ocean, at mayroon itong apat na Spiritual Zone Sacred Lands.
Ang paglalakbay mula sa Nanlin Sea hanggang sa continent zone ay matagal, kung kaya napabuntong hininga si Zhao Feng.
Matapos bumaba ng kanyang cultivation sa Origin Core Realm, ang kanyang soul power ay nagsimula na ring humina nang mabilis. Ang kanyang kaluluwa ay nasa panggitnang yugto pa rin ng Void God Realm, pero mas mahina ito kaysa sa kanyang peak.
"Kung ang kaluluwa ko ay bababa sa Origin Core Realm, mukhang ang Emperor Intent ko ay mahihimbing ang tulog," nawawalan na ng pasensya si Zhao Feng.
Ang Emperor Intent ay nakaayon sa kaluluwa. Kung ang soul power ay hindi ganoon kalakas, makakatulog lamang ang Emperor Intent at magsisimulang magising kapag malakas na ang kaluluwa. Pagkatapos ng lahat, ang Intent ay nakabase sa pang-unawa, pero nangangailangan pa rin ito ng "pangningas". Ang Cursed Words of Death ay hindi kayang maapektuhan ang pang-unawa ng isang tao, kung kaya hindi nawawala ang Emperor Intent, pero hindi ito gagana kung walang sapat na soul power.
Patuloy lamang na gumamit si Zhao Feng ng mga Void Ocean Spiritual Palaces pagkatapos marating ang Nanlin Sea. Basta ba may Emperor Intent siya, walang kahit sinong Palace Lord ang ipinapahiya siya.
Karamihan sa mga Palace Lords ay mga Kings – ang progreso ng cultivation rito ay bahagyang mas malakas kaysa sa Cang Ocean.
Kalahating buwan ang nakalipas, nakalagpas na si Zhao Feng sa isang Spirirual Zone Sacred Land sa Nanlin Sea, at parte ng kanyang Intent ay selyado na, kung kaya King Intent na lamang ang mayroon siya. Ang kanyang soul power ay bumagsak na.
Subalit, ang mga Kings ay malakas pa rin naman sa Nanlin Sea. Pinapayagan pa rin naman siya ng Palace Lords lalo na kapag nakikitang napakabata niya pa para sa isang King.
"Ang paghina ng aking cultivation at ng kaluluwa ko ay pabilis nang pabilis," naging taimtim si Zhao Feng at nahulaan niyang ang kanyang cultivation ay babagsak sa True Spirit Realm bago pa man siya makarating ng continent zone.
Kapag naabot niya na ang True Spirit Realm, ang bilis ng panghihina ay lalo pang tutulin nang ilang beses. Nangangahulugan ito na kailangan na niyang maghanda.
Sa loob ng lilang Soul Sea, ang soul power ni Zhao Feng ay mas mahina na kaysa dati, at ang Soul Sea ay lumiit nang ilang daang yarda. Subalit, ang daan patungo sa Ancient Dream Realm ay hindi naapektuhan ng Cursed Words of Death. Bukod pa roon, mayroong 800 na misteryosong lightning symbols ang nagbubuga ng hindi mamamatay-matay at imortal na aura.
"Ang God's Spiritual Eye at ang God Tribulation Lightning ay mga bahaging hindi naaapektuhan," nagpakawala ng hininga si Zhao Feng.
Gamit ang kanyang God's Spiritual Eye, kaya niyang makita ang mga kapiranggot ng black blood sa ibang parte ng kanyang katawan. Ang dark power na ito ay parehong naaapektuhan ang kanyang pisikal at mental energy dimensions, at ang mga soul attacks ay walang laban dito.
Habang mayroon pa siyang King Intent, patuloy na naglakbay si Zhao Feng.
Dalawang buwan ang makalipas, isang madilim na arko ng kidlat ang lumapag sa lupa. Ang mga nalalapit na Origin Core Realm Sovereigns ay bahagyang nagkaroon nang interes nang makitang may tumagos sa barrier.
"Isang mahinang True Spirit Realm ang nakalagpas sa barrier?" Isang elder na nasa Small Origin Core Realm ang nagulantang.
Ang lugar na ito ay hindi ang continent zone, isa itong malaking "great island zone". Tinatawag itong Tianfeng Great Island Zone, at mayroon itong higit sa dosenang island zones na kagaya ng Azure Islands Zone.
Sa kasalukuyan, ang Great Island Zone na ito ay pinamumunuan ng isang Marquess.
Whoosh!
Isang elder na kasingpayat ng patpat at napapalibutan ng Wind Lightning ang nakapasok sa great island zone ng Nanlin Sea. Ang itsura ng matandang ito ay katulad ni Zhao Feng.
Miao miao!
Isang maliit na pilak-abong pusa ang nakatayo sa balikat nito at ikinumpas ang pangalmot nang may ligalig.
"Munting pusang magnanakaw, ganito na lang ako oh. Paano ka naman naging maligalig nang ganyan?" Wika ni Zhao Feng sa namimighating tono.
Halos 95% ng kanyang lifespan at lifeforce ang nawala. Ang kanyang cultivation ay nasa True Spirit Realm na lang, at 90% ng kanyang Emperor Intent ay nasa mahimbing na pagkakatulog.
"Mukhang hindi muna ako makakaabot sa continent zone ngayon. Kailangan kong ipwersa ang lahat ko," napabuntong hininga si Zhao Feng.
Sa kabutihang palad, nilagay niya ang kanyang ancient metal ring at iilang mga kayamanan sa dimensyon ng kanyang kaliwang mata.
"Sige na!" Ang kaluluwa at katawan ni Zhao Feng ay nasunog hanggang sa maging patong ng mga abo sa gitna ng bugso ng Wind Lightning.
Weng!
Ang pagkakasunog ng kanyang buhay at kaluluwa ay nakagawa ng malakas na sirit ng enerhiya.
"God Eye leaving the body!" Isang perpektong lilang mata na umiiral sa pagitan ng pisikal at mental worlds ang siyang pumasok sa inland sa bilis na mas matulin pa sa mga Emperors.
Boom!
Ang lifeforce ni Zhao Feng at ang True Yuan niya ay tuluyan nang nasira. Nawala ang Cursed Words o Death kasama nito.
Shuu!
Isang lusak ng itim na dugo ang napunta sa kawalan at naglaho.
Ang God's Spiritual Eye at God Tribulation Lightning ay hindi naaapektuhan ng Cursed Words of Death, dahil kung oo, kahit isuko niya pa ang kanyang pisikal na katawan, hindi siya makakatakas sa Cursed Words of Death.
"Gamit ang ikatlong paraan na escaping my shell…. Sa wakas ay natakasan ko rin ang Cursed Words of Death….."
Ang kanyang panramdam ay lalong lumakas nang umalis ang God's Eye sa kanyang katawan, at agad niyang sinuri ang ilang dosenang libong milya.
Sa parehong oras, sa isang tahimik na kagubatan:
"Ikaw…. Ikaw ay nagmula sa Yin Family….!" Isang maputlang kabataan ang may hawak na sirang ispada at hindi na halos makayanang tumayo. Sa tabi niya ay may isang katawan na parang tigre na nasa True Spirit Realm ang lakas noong buhay pa ito.
"Zhao Feng*, bibihira lamang ang mga henyong gaya mo sa loob ng isang libong taon sa Zhao Family, ikaw na nakasali sa Ten Thousand Sacred Clan, nakaabot ng True Spirit Realm sa edad na 14. Isa kang malaking banta sa Yin Family."
"Hehe, kung hindi ka sana napadpad sa Wuyou Forest, hindi kami magkakaroon ng ganitong tsansa."
Maraming mga anyo na may maskara ang nagsabi nito sa isang malamig at mapangkutyang tono. Ang isa pa nga sa kanila ay nasa True Lord Rank na.
"Arghh!" Ang kabataang si Zhao Feng ay napahiyaw at napalipad sa isang palm attack ng nakamaskarang lalaki.
"Boss, ang sutil na ito ay patay na."
"Hindi ito maganda, ang mga disipulo ng Ten Thousand Sacred Clan ay paparating na."
Isang elder ang nagbigay ng senyas para tumakas.
Whoosh!
Sa pagkakataong iyon, isang lilang guhit ng liwanag ang tumagos sa ere sa taas ng Wuyou Forest.
Isang nakakamanghang eksena ang naganap. Ang mata ng kabataang si Zhao Feng na kamamatay lamang ay naging lila at nagbuga ito ng malakas na intent bago agad naglaho.