Ang Magnificent Power ng tatlong Kings ay napatahimik ang buong salas. Ang mga nakatataas ng Sacred Alliance ay Sovereigns lahat ng Azure Flower Continent, at marami sa kanila ay galing sa Ten Great Clans, pero wala sa kanila ang may gustong huminga nang malakas.
Tatlong Void God Realm Kings ay bumaba sa Azure Flower Continent, at sa likod nila ay may malalakas na two-star sects. Lahat nang ito ay dahil sa may kinidnap na peerless prodigy na galing sa Moon Demon Palace na siyang tagapagmana ng Grand Elder.
Naka-upo lamang sa harap ng salas ang tatlong Kings. Walang nakakakita kung ano ang itsura nila; tahimik silang naghihintay at hindi sila naglalabas ng aura, pero taimtim ang kapaligiran.
Matapos ang kalahati ng oras para makagawa ng tsaa ang makalipas, ang may tumunog na paglipad, at may isang lalaki at babae ang lumapag sa salas ilang hinga ang makalipas. Sila ay isang may sakit na lalaking may lilang buhok at isang magandang babae.
"Zhao Feng!" sigaw ng isang nakatataas ng Sacred Alliance.
Dahan-dahang lumakad ang dalawa sa salas. Malakas ang loob na naglalakad si Zhao Feng, samantalang si Zhuang Wan'er naman ay hindi mapakali, pero naglabas siya ng hininga nang makita niya ang tatlong Kings. Kaya lamang ay wala pa rin siyang sinubukan. Alam na alam ni Zhuang Wan'er na naramdaman na ni Zhao Feng ang tatlong ito dati pa, pero pumunta pa rin siya. Hindi siya makapaniwala na walang maasahan si Zhao Feng.
"Zhao Feng, nagkita na rin tayo…." Isang magandang boses ang tumunog mula sa nasa gitnang King. Isa itong babae na puro at mbanal. Parang pang-diyosa ang bawat galaw niya.
"Saint Moon Aunt Goddess," tumingin ang babae kay Zhao Feng nang walang ekspresyon.
Nagpaalala sa kaniya ang babaeng kaniyang tinitignan kay Ye Yanyu mula sa Purple Saint Ruins. Si Ye Yanyu ay ang disciple ng Saint Moon Aunt Goddess at nakita niya ang imahe ni Ye Yanyu nang ginamit nito ang Void God Protection.
Sa loob ng salas, ang pakikipag-usap ni Zhao Feng sa Saint Moon Aunt Goddess ay nagsimula ng gulo. Ang tingin ng dalawa ay naging matalim.
Matalim rin ang tingin ni Zhao Feng at para banmay abilidad siya na makita ang kaluluwa ng isang tao, samantalang kalmado naman ang Saint Moon Aunt Goddess.
'Di inaasahang hindi inatake agad ng mga Kings si Zhao Feng nang makita nila ang bata. Ang pagpapalitan sa dalawang panig ay mas makalma pa kaysa sa inaasahan, na para bang magkakaibigan lang sila na matagal nang hindi nagkita. Nakatayo lamang si Zhuang Wan'er sa likod ni Zhao Feng.
Kakaiba angkapaligiran noon. Ang mga nakataataas ng Sacred Alliance ay nagtinginan sa isa't isa at may sari-sarili silang mga hula. Hindi mahirap makita na nag-iingat ang tatlong kings kay Zhao Feng.
Maaari nga bang totoo ang mga usap-usapan? Naging King na rin ba si Zhao Feng? Pero kahit pa King pa siya, may kaharap pa rin siyang tatlong Kings na may two-star sects sa likokd nila. Si Zhao Feng pa rin ang nalalamangan.
"Zhao Feng!" nakakatakot ang ekspresyon ng Demonic Dao King, "Narinig ko na kinidnap mo ang isa kong Core disciple at sinabi mo pang sisirain mo ang Moon Demon Palace!"
Umipit ang paligid nila. May suot na lumang itim na baluti na suot ang King of the Demonic Dao, at mayroon din siyang mapulang itim na kurba ng buwan na simbolo sa noo niya. Binalot ng Magnificent Power ng Demonic Dao ang bulwagan, tumalon ang mga puso ng mga nakatataas ng Sacred Alliance.
"Tama, sinabi ko 'yon. Sana bigyan mo ako ng magandang paliwanag kung bakit sinisira ng sect mo ang Azure Flower Continent," mabagal na naglakad-lakad si Zhao Feng sa paligid habang nasa likod ang kaniyang mga kamay.
"Junior, 'wag mong isipin 'yan, hindi dahil naging King ka lang ay matatakot na ang Moon Demon Palace!" ungol ng Demonic Dao King.
"Zhe zhe, anong kayabangan…." Natawa nang kakaiba ang gintong kalansay ng Black Cliff Palace.
Tanging ang Saint Moon Aunt Goddess sa gitna lang ang kalmado, at hininto niya ang dalawang Kings mula sa pagkagalit.
Kalmado lamang si Zhao Feng, pero may kalamigan sa mata niya.
"Zhao Feng," sabi ng Saint Moon Aunt Goddess, "Alam namin na ikaw ang disciple ni Emperor Duanmu, pero umalis na siya sa Cang Ocean."
Matapos marinig 'yon, nagkagulo nanaman ang mg tao at nagulat rin sila. Hindi nila inasahang disciple ni Emperor Duanmu si Zhao Feng.
"Kahit pa ang bagong King na tulad mo ay hindi takot sa tatlong two-star sects, inosente ang Azure Flower Continent," may kaunting ngiti ang Saint Aunt Moon Goddess, pero may lakas na nilalaman ang tono niya na gumalaw sa puso ni Zhao Feng.
Sa tatlong Kings na mga nandoon, siya ang pinakamatrabaho. Siya ay isa nang Peak-tier king, at bilang isang dalawa't kalahating star sect, at siguradong hindi lamang isa ang King ng Pure Moon Spiritual Sect.
"Tinatakot mo ba ako? Mukhang ang aralin ng Master mo ay hindi sapat," nanlamig ang ekspresyon ni Zhao Feng, at nagbago naman ang mga ekspresyon ng mga Kings. Hindi nila inasahang magiging ganoon ka-mapwersa si Zhao Feng, pero mayroon ngang tinuro sa kaniya si Emperor Duanmu.
"Zhao Feng, 'wag kang iinom ng wine of punishment imbis na wine of respect. Ibalik mo sa amin si Zhuang Wan'er at wala kaming sasaktan," sabi ng Demonic Dao na eksperto sa mababang bosesm nagtinginan naman ang tatlong Kings kay Zhao Feng.
Lahat ng nakatataas na miyembro ng Sacred Alliance ay nagulat at natuwa. Nakikipagkasunduan ang tatlong Kings kay Zhao Feng. Kung maipapalit nila si Zhuang Wan'er para sa kaligtasan nila ay okay lang iyon.
"Ako ba'y… tinatakot niyo pa rin?" nalaglag ang mukha ni Zhao Feng at nagsimulang kumupas ang buhok niya. May malamig na Intent ang kumalat sa bulwagan.
Kahit ang mga Kings ay hindi mapakali. Nagtinginan sila sa isa't isa nang may taimtim na ekspresyon.
Una ay naaalala nila kung gaano kalakas si Emperor Duanmu.
Pangalawa ay hindi nila matagusamn ng tingin ang kasalukuyang Zhao Feng.
Nakita na rin nila ang eye-bloodline ni Zhao Efng dati. Nakita na nila siyang pumatay ng mga eksperto sa Origin Core Realm nang nasa True Lord Rank pa lang siya.
Miski ang Pursuit of Death ay hindi kinuha ang buhay niya, pero hindi pa kumakalat ang balitang napatay ni Zhao Feng ang Emperor of Death. Iilan lamang sa True Martial Spiritual Zone ang nakakaalam. Kung hindi dahil doon ay baka sobrang matakot ang mga Kings para makipagsundo.
"Zhao Feng, nangangako kaming hindi namin didikitan ang Azure Flower Continent kapag binalik mo nna sa amin si Zhuang Wan'er," umatras nang isang hakbang ang Saint Moon Aunt Goddes, at pinilit namang hindi magalit ng dalawang Kings.
"Pumayag ka na sa tatlong Kings, Zhao Feng," sabi ng ilang Sovereigns ng Sacred Alliance.
Para naman sa Sacred Alliance, malaki na ang pakikipagkasundo ng tatlong Kings, pero mula simula pa lang ay namwemwersa na si Zhao Feng. Para sa isang prodigy na gawin ito ay tama na para mailagay sa kasaysayan ng Azure Flower Continent.
"Sige, pumapayag na ako," nag-isip nang sandali si Zhao Feng bago niya iyon sinabi, pinapunta niya naman si Zhuang Wan'er sa tatlong Kings gamit ang kaniyang Magnificent Power.
Medyo nagulat ang tatlong Kings sa biglaang pagpayag ni Zhao Feng. Tumango sila at pinayagang umalis ang mga nakatataas ng Sacred Alliance sa bulwagan, pero naiwan lamang doon si Zhao Feng, at nang tumingin siya sa King of Demonic Dao at tumaas ang buhok niya.
"Zhao Feng, hindi mo ba tutuparin ang pangako mo?" malakas na sabi ng King of Demonic Dao.
"Hehe, hiindi tutuparin? Kumpleto na ang kasunduan natin. Binalik ko na si Zhuang Wan'er sa inyo," may mapaglarong ngiti si Zhao Feng sa mukha niya.
"Ikaw…!" napahinto ang tatlong Kings at nanlamig ang mga puso ng mga nakakataas na kakalabas lang ng bulwagan. May iba pa bang gagawin si Zhao Feng.
"Tumakas na kayong lahat!"
Agad na lumipad ang nakatataas ng Sacred Alliance. Takot silang baka madawit sila sa labanan ng mga Kings. Isa lamang ang naiwan, at tumalikod ang taong iyon at tumabi kay Zhao Feng.
"Hao'er!" nagbago ang ekspresyon ni Yu Xingchen, pero wala na siyang nagawa para pigilan siya.
Dalawang prodigies at tatlong Kings lamang ang naiwan sa bulwagan:
Boom~~~~!
Nadurog ng biglang paglabas ng Magnificent Power ang palasyo, at ang shockwaves nito ay napatakas agad ang mga nakatataas, pero hindi nila mapigilang tumingin sa likod.
Tatlong liwanag ng Magnificent Power ang lumutang sa gitna ng himpapawid, at lahat sila ay galit.
:Yu Tianhao?" nawalan na ng paki si Zhao Feng sa tatlong Kings at tumingin siya agad kay Yu tianhao.
"'Wag mo isiping pabigat lang ako, Zhao Feng. Kaya ko ang isang King nang wala masyadong iniinda," walang emosyong sabi ni Yu Tianhao at naglabas siya ng half-step King Intent habang bumukas naman ang kaniyang Unparalleled Heaven Battling Bloodlibne, na siyang nagpataas sa battle-intent niyang umabot sa Void God Realm King.
"Ano bang gusto mo, Zhao Feng?" hindi natutuwang sabi ng Saint Aunt Moon Goddess.
"Sinabi ko na na kailangang bigyan ako ng magandang eksplenasyon ng Moon Demon Palace kung hindi ay tataggalin ko ito sa Cang Ocean," lalong nanlamig ang tono ni Zhao Feng.
"'Wag ka masyadong magmayabang, Zhao Feng…!" ubngol ng King of Demonic Dao habang lumipad patungo kay Zhao Feng ang kaniyang Magnificent Power. Para bang naging maitim na pula ang kalangitan dahil sa apoy, at mayroon ding chaotic spatial dimension ang lumitaw.
"Hmph!" ngumisi si Zhao Feng habang umabot na sa Heaven and Earth ang Intent niya.
Boom!!!!
Ang Magnificent Power na binuo ng Demonic Dao King ay para bang natamaan ng Tribulation Lightning at agad itong nasira. May isang 'di-mapantayang Intent ang para bang lumamon sa kalangitan at tumama sa King of Demonic Dao.
Wah!
Agad na dumura ng dugo ang King of Demonic Dao at bigla siyang namutla.
"Emperor Intent!" sabay na sigaw ng Saint Aunt Moon Goddess at ng gintong kalansay.
Humakbang paharap si Zhao Feng at tinaas ang kaniyang kamay.
Bam! Boom! Boom!
Para bang yumanig ang kalangitan noon nang may katakot-takot na alon ng kidlat ang nakita sa himpapawid. And aura of immortal and undying God Tribulation Lightning ay nagpanginig ng kaluluwa ng tatlong Kings.
Plop!
Nalaglag ang Demonic Dao King ng Moon Demon Palace mula sa langit at lumuhod sa lapag.
"Patawarin niyo kami, Emperor Zhao Feng!" sa isang sandali ay para bang nalaglag ang tatlong Kings sa abyss at agad silang nagmakaawa.