Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 761 - Skeletal Division Leader Laban sa Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch

Chapter 761 - Skeletal Division Leader Laban sa Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch

"Patawarin niyo kami, Emperor Zhao!" malaki ang binago ng ekspresyon ng Saint Moon Aunt Goddess, at muntik nang lumipad paalis ang kaluluwa ng gintong kalansay sa takot.

"Emperor Intent? Paano…!?' namutla lalo ang Demonic Dao King. May bakas ng sunig sa buong katawan niya at para bang nawala niya ang kaniyang kaluluwa.

SI Zhuang Wan'er na hindi ganoon kalayo ay sobrang laki nang iginulat. Sa isa o dalawang hinga lang ay ang kombinasyon ng tatlong Kings ay agad nadurog at sumuko. Nalagpasan ng lahat nang into ang kaya niyang intindihin. Matapos makita ang walang kaluluwang ekspresyon ng Grand Elder at ng nagulat at marespetong ekspresyon ng dalawa pang King ay para banghindi na pinagkatiwalaan ni Zhuang Wan'er ang kaniyang mga mata. Ang tatlo bang ito ay mga hindi maabot na Void God Realm Kings pa rin?

"Emperor Intent…!" nanginig ang puso ni Yu Tianhao. Hindi niya pa halos ma-comprehend ang half-step king dati, pero si Zhao Feng na nasa tabi niya ay mayroon nang Emperor Intent.

Sa oras na lumabas ang Emperor Intent ay agad na sumuko na ang tatlong Kings.

"Emperor Zhao, kung may iba ka pang gusto ay sabihin mo lang," sinubukang ibalik ng Saint Moon Aunt Goddess ang itsura niya at punong-puno siya ng respeto, pero nakatingin pa rin si Zhao Feng sa King of the Demonic Dao mula sa Moon Demon Palace.

Alam ng tatlong Kings na ito kung gaano kalakas si Zhao Feng. Sa Intent niya pa lamang ay nasaktan na niya ang kaluluwa ng isang Domain-level King, at sa isang taas lang ng kamay niya ay kaya na niyang saktan ang katawan ng Demonic Dao King. Hindi na mahalaga kung may cultivation siya ng isang Emperor o wala, pero sa mga paraan niya pa lamang ay hindi na siiya mapapantayan ng tatlong Kings.

Gaano kalakas ang isang Emperor? Lahat ng pirata sa buong Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay napahinto ng isang Emperor Mu Yun, at ang battle-power ng tatlong Kings na ito ay hindi malapit sa Peak-tier at sa Domain-level Kings ng Pirate Sacred Land.

"Emperor Zhao, babayaran ng Moon Demon Palace ang lahat ng nasira nito sa Azure Flower Continent, at ako na ang nanghihingi ng tawad para sa Moon Demon palace," huminga nang malalim ang King of the Demonic Dao at lumuhod sa lapag.

Sa isang isip lang ay maaari siyang mamatay. Hindi ganoon kahirap para kay Zhao Feng na sirain ang buong Moon Demon Palace, at ang Pure Moon Spiritual Sect at ang Black Cliff Palace ay hindi susubukang tumulong.

"Maganda 'yan," tango ni Zhao Feng. Kinailangan niya lamang ng eksplenasyon nang hindi sinisira ang kasunduang ginawa nila.

Nagkalabas ng hininga ang tatlong Kings matapos marinig iyon.

Kasabay noon ay nagkaroon ng mga makukulay na ekspresyon ang mga Sovereigns ng Sacred Alliance. Ang Three Kings na nasa himpapawid lang kanina ay nakaluhod na sa harap ni Zhao Feng at sila'y puno ng takot.

"Sino ang may blood contract?" biglang sabi ni Zhao Feng, at kumalat ang boses niya sa paligid.

"Ako," sabi ni Sovereign Baiyun Dao mula as Sacred Alliance at na nag-abot ng blood contract.

Gawa ng Heaven's Legacy Race ang mga blood contracts at sobrang hirap hanapin ng mga ito. Sa ilalim lamang ng mga ispesyal na kaganapan maaaring gumamit nito.

"Blood contract?" nagbago ang mga ekspresyon ng tatlong Kings.

Nagsimulang magsulat ng mga pangangailangan si Zhao Feng sa blood contract.

Makalipas ang ilang sandali ay pumirma na ang apat sa blood contract.

Ang nilalaman nito ay ito: ang tatalong Kings at ang tatlong pwersa sa likod nila ay hindi dapat aatakihin ang Azure Flower Continent, at sa kabaliktaran nito, ay kung kaialanganin man ng Azure Flower Continent ng tulong ay pupunta sila para tumulong sa lahat ng makakaya nila. Kasabay pa nito na walang sasaktang inosente si Zhao Feng sa tatlong sects, at kailangan niyang tulungan ang tatlong sects sa lahat ng makakaya niya kung mapunta man sila sa panganib.

Kinailangang gawin ng dalawang panig ang nakalaan sa papel.

Sa totoo lang ay natuwa pa ang tatlong Kings sa paglagda sa blood contract, pero hindi nila alam na pupunta si Zhao Feng sa continent zone pagkatapos niya sa Azure Flower Continent. Ang sabi lamang sa blood contract ay "sa lahat ng makakaya niya," kaya kung nasa continent zone si Zhao Feng ay wala na siyang magagawa kung may mangyari man dito.

Matapos maglagda sa blood contract ay agad na tumakas ang tatlong Kings, at minarkahan ilang forbidden zone ang Azure Flower Continent sa pagbalik nila sa Tianlu Islands.

Kalahating taon ang lulmipas ay nakatanggap ng nakagugulat na balita ang tatlong Kings – isang ekspertong nagngangalang Left-Eyed Heavenly Emperor ay siyang humabol sa Emperor of Death at pinatay niya ito sa isang katakot-takot na laban. Nanginig ang mga anit ng tatlong Kings matapos marinig ang balitang ito. Kahit gaano pa sila kabobo ay sigurado silang si Zhao Feng ang Left-Eyed Heavenly Emperor na ito.

Hindi na nag-isip pa ng kahit ano ang tatlong Kings.

Sa oras din ng oras na ito, sa loob ng kalahating buwan ay ang laban sa Scarlet Moon Demonic religion ayunti-unti nang natatapos. Kalahati sa religion ang nasakop ng Skeletal Division Leader, at kalahati rinn noon ang napatay niya.

Pero walang senyales ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch ang lumitaw kahit pa matapos masira ang Scarlet Moon Demonic Religion. Inaalam pa rin ng Skeletal Division Leader at ng Scared Alliance kung nasaan ang Scarlet Moon Patriarch.

Hindi nasayang ang pinahgtrabahuhan nila. Sa araw na iyon, sa Northern Continent, nakita ng isang Sovereign ang bakas ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch.

Dumating na ang Skeletal Division Leader agad, at malapit nang mapaliit ng Sacred Alliance ang lugar ng pinaghahanapan.

Malapit sa isang malaking tipak ng yelo:

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang ,ga eksperto sa paligid ng Azure Flower Continent ay pinalibutan ang lahat ng nasa loob ng isang daang milyam at ang pinakamahina sa kanila ay isang True Lord Rank.

:Lumabas at mamatay ka na, Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch!"

Alam naming nasa ilalim ka ng tipak g yelo, Scarlet Moon Demonic Patriarch!"

May 20 na Sovereigns ang nakapaligid sa tipak ng yelo. Halos kalahati ng Sovereigns ng Azure Flwoer Continent ay naroroon. Isa na ang Skeletal Division leader sa kanila at may kumplikadong ekspresyon ito.

Lahat ng bakas ay kinumpirmang dito nagtatago ang Scarlet Moon Demonic Religion.

"Mga langgam…! Nanliloigaw sa kamatayan!" isang malamig at magaspang na boses ang tumunog sa ilang milya, at may pulang ilaw ang bumalot sa kalangitan.

Boom!

Nabasag ang buong tipak ng yelo at bumagyo bigla ng yelo at maraming ekspertong True Lord Rank ang nasaktan sa pagsabog. Ang mga Sovereigns lamang ang may kayang protektahan ang sarili nila.

Sunod ay may isang pulang anyo na may pakpak ang lumipad sa kalangitan. Mayroon siyang pulang buwan sa noo niya at tumingin siya pababa nang malamig. Mula sa malayo ay nagmukha siyang scarlet-winged devil.

"Mag-ingat kayo!"

"Nasa Void God Realm na halos ang cultivation ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch."

May maingat na ekspresyon ang mga malapit na mga eksperto. Kaharap nila ang sikat na kriminal ng Azure Flower Continent sa nakalipas na daang taon.

Mukha pa lamang 50-60 na taong gulang pa lamang ang Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch, pero sobrang tangkad niya pa rin, at halos 20 na yarda ang haba ng kaniyang mga pakpak. Umiilaw ang mga mata niya na para ba silang pulang bitwin.

Nanginig ang mga puso ng mga tumingin sa kaniya.

"Division Leader Yougo, anong karapatan mo para pagtaksilan ako!?" may malamig na kumipas sa mata ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch nang lumapag ang tingin nito sa Skeletal Division Leader.

Puno ng kasuklaman ang malamig na boses niya at nanlamig ang puso ng Skeletal Division Leader. Hindi pa nawala ang kasikatan ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch, at base sa aura niya ay kung hindi niya pa naaabot ang Void God Realm ay baka maikukumpara na sa isang Void God Realm King ang kaniyang battle-power.

Sa isahang laban ay mababa ang tiyansa ng Skeletal Division Leader para manalo.

"patriarch, nagmakakaawa ako na sumuko ka na. kung posible ay sasabihin ko sa Master ko na hayaan kang mabuhay," buntong-hininga ng Skeletal Division Leader. Kahit ano pa ang mangyari ay hinangaan niya pa rin ang Patriarch noon, pero ngayon ay nasa magkabilang panig na sila.

Alam ng Skeletal Division Leader na nanonood si Zhao Feng sa lugar na ito. Pero kung lumaban ang Patriarch at sinubukang tumakas ay wala pa rin siyang tiyansa para mabuhay.

"Master? Kahit mamatay pa ako ay hinding-hindi ako magiging alipin ng kahit sino," malamig na ngumi ang Patriarch at nagsimulang pumagaspas ang kaniyang mga pakpak, at agad siyang naging bagyo na siyang kumislap sa himpapawid.

Mas pinili niyang hindi sumama sa panig ng Skeletal Division Leader. Ang cultivation at lakas niya lamang ay malapit na sa kaniya. Habang kaya ng Patriarch na patayin o saktan ang Skeletal Division Leader ay tataas lang lalo ang tiyansa niya makatakas.

"Umaras kayong lahat!" ngumisi ang Skeletal Division Leader at lumitaw sa kamay niya ang array flag.

Agad na naiwan ang Skeletal Division Leader at Scarlet Moon Demonic Religion sa himpapawid.

Shua!

May lumitaw na makapal na usok sa himpapawid na siyang naglabas ng katakot-takot na lakas ng kasuklaman at sumpa. May ilang daang pares ng puloang mga mata ang umiikot-ikot sa loob ng usok.

"Hundred Corpse Curse! Kinuha mo talaga ang Hundred Grave Forbidden Ground…!" hindi mapigilan ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch na mapasigaw.

Ilang libong beses ang lakas ng curse sa loob ng usok kaysa nang nasa Hundred Graves Forbidden Ground pa ito. Ang aura ng bawat isang cursed ghost-corpse ay malapit sa Great Origin Core Realm, at sa isang daang pares lamang ng mara ay nabasag na nito ang kaluluwa ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch.

Napatigil ang ang Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch. Imposibleng makuha ito ng Skeletal Division Leader. Kaya lamang ay hindi niya minamaliit ang lakas ng Hundreed Corpse Cursed Array; nilalamon nito ang mga essence ng Kings at ilang daang Origin Core Realm cultivators.

Shua!

May isang maputing kamay na naglalabas ng kaura ng kasuklaman mula sa usok at patungo sa Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch.

"Arghh!" sumigaw ang Patriarch nang abutin siya ng malaking kamay.

Isang katakot-takot na tanawin ang naganap. Nagsimulang mabulok ang katawan ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch. Sa ilang hinga lamang ay naging lusak na siya ng dugo at hinigop ng Hundred Corpse Cursed Array ang tira-tira ng katawan niya.

Sii!

Ang mga elites sa buong kontinente ay huminga ng malamig na hangin at sinakop ng takot ang mata ng nakataas ng Sacred Alliance.

Ang elites ng Scarlet Moon Demonic Religion na kinontrol ng Skeletal Division Leader ay napuno ng takot at respeto.

Mahirap makita na walang tiyansang makalaban ang Patriarch. Agad siyang nilamon ng array ng Skeletal Division Leader.

Kumalat ang pangalan ng Skeletaol Division Leader sa buong kontinente matapos ang labang ito. Matapos sakupin ang Religion ay naging isa siyang forbidden people sa Azure Flower Continent.

Ilang tao lamang ang nakaalam na alipin siya ni Zhao Feng.

Sa Canopy Great Country, sa Iron Blood Religion, unti-unting naging lusak ng dugo at tubig ang imahe ng Scarlet Moon Demonic Religion Patriarch ang lumitaw sa isang asul na tabing.

Natahimik sina Patriarch Hong at Tiemo at hindi sila makakalma.

"Ginawa ko na ang halos lahat sa Azure Flower Continent," kumaway si Zhao Feng at nawala ang tabing.

Related Books

Popular novel hashtag