Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 759 - Tatlong Great Kings

Chapter 759 - Tatlong Great Kings

Sa Cloud Country, lumulutang si Zhao Feng sa taas ng Sky Moon Mountain at tumingin siya sa baba, sa Broken Moon Clan.

Naramdamang payapa at kalmado ni Zhao Feng ito. Marami pa ring pamilyar na mukhang nakita si Zhao Feng kahit pa ilang taon na ang nakalipas. Dati, mayroong mga disciples sa pinakailalim ng clan, pero ngayon ay parte na sila ng middle-upper echelon.

Nakita ni Zhao Feng si Lin Fan, na siyang isang nangungunang outer disciple, na isa nang Vice Disciple Leader sa half-step True Spirit Realm.

Ang dating mahiyaing si Ran Xiaoyuan ay naging isa nang Elder.

Sina Yang Qingshan at Nan Gongfan, ang ibang disciples ni Lord Ganjun, ay naging Regulators na.

Ang buong lakas ng Broken Moon Clam ay maikukumpara na sa isang half-star power, at mayroon pang sobra pa sa 20 na True Spirit Realm Elders o Division Leaders.

Sa isang sulok ng Broken Moon Clan, may isang lalaking lasing, pero wala sa Thirteen Countries ang sumubok na maliitin siya. Isa siyang True Lord rank na eksperto na nagbabantay sa Broken Moon Clan – True Lord Tiexao. Ang iba pang True Lord Rank sa Broken Moon Clan ay si Lin Tong, na siyang may Heavenly Absent Eyes. Ang dalawang True Lord Ranks ay maaring inalipin na ni Zhao Feng o kinailangang nagtanda na ng isang blood contract.

Sa totoo langm dalawa silang naramdaman ang pagbabalik ni Zhao Feng sa Azure Flower Continent. Ang senses ni lin Tong ay nanggaling sa Dark Heart Seed, habang ang kay True Lord Tiexao ay galing naman sa blood contract.

"Junior Martial Brother Zhao," ang boses ng isang lalaki ay tumunog sa malapit. Ang bagong dating na ito ang Clan Master ng Broken Moon Clan, at sikat siya sa Thirteen Countries.

"Senior Martial Brother Yang," ngumiti nang kaunti si Zhao Feng. Siya at si Yang Gan ay parehas na disciples ng First Elder, at mayroon silang kaunting mas magandang kaugnayan kaysa sa ibang tao sa clan.

"Junior Martial Brother Zhao, parang nag-iba ka ngayong pagbalik mo," sabi ni Yang Gan sa isang kakaibang boses. Ang impresyon ni Zhao Feng sa isip niya ay ang Zhao Feng na iyon ay tuluyang nag-cu-cultivate, pero ang Zhao Feng na nandito ay sampung araw nang nandito at npayapang umaarte. Hindi pa nakakapag-cultivate si Zhao Feng noong nakarating na siya, at habang nakatingin siya sa may sakit niyang mukha, para ba siyang ay sakit na tao na umuuwi sa bahay niya.

Ngumiti lang si Zhao Feng at hindi nagpaliwanag. Siya at si Yang Gan ay naglakad-lakad lang sa Broken Moon Clan.

"Kamusta, Clan Master!"

Ilan sa miyembro o disciples ng clan ang yumuko papunta doon, at ilan sa mga bagong disciples na hindi kilala si Zhao Feng ay pinagmasidan siya nang may lito.

Ang mga mata ng mga "matandang" tao na kilala si Zhao Efng ay napuno ng respeto at paghanga na mas nalagpasan pa ang respeto kay Zang Gan.

Nakita ni Zhao Feng sina Old Zhang at Old Guan sa daan at nakipaglaro ng chess sa kanila habang pinaguusapan ang nakaraan. Ang dalawang ito ay nagsisisi pa rin na hindi dinaanan ni Zhao Feng ang paggawa ng mga pills at ng mga arrays.

Sa gabi, nakarating na rin si Zhao Feng at Yang Gan sa lugar ng First Elder.

Nawala ng First Elder ang kamay niya at napalitan ito ng isang pilak na berdeng bakal na kamay, ang Wheel of Light and Darkness, na dinala ni Zhao Feng noong nakaraan.Ngayong kalahating hakbang na lamang ang First Elder sa True Lord Rank, gamit ang Wheel of Light and Darkness, kaya na niyang labanan ang mga nasa True Lord Rank.

Hindi na inisip ni Zhao Feng ang pagtaas ng cultivation ng mga kaibigan at pamilya nila. Ang daan sa cultivation ay nakakapagod at delikado, at hindi lahat ay sakto para pumasok sa labas na mundo. Minsan, isang pagpala ang pagiging palaka sa pinaka-ilalim ng isang balon.

Syempre, nagdala siya ng regalo sa dalawa niyang masters at sa magulang niya – Immortal Spings Wine. Ang Immortal Springs Wine ay kayang mapataas ang lifespan ng isang libong taon, at sa tulong nito, malalagpasan ng First Elder at mga kasama niya ang haba ng buhay ng Origin Core Realm.

"Feng'er, hindi naman apektado ng Scarlet Moon Demonic Religion ang Cloud Country, pero sana ay kaya mong magawa mo ang parte mo para mapahinto siya," sabi ng First Elder. Base lamang sa kayang magbalik ni Zhao Feng ng bagay na tulad ng Immortal Springs Wine, kaya nasa imposibleng lebel na siya.

"Master, 'wag ka mag-alala. Pinadala ko na ang alipin ko sa Scarlet Moon Demonic Religion," uminom ng top-tier na alak mula sa panlabas na mundo.

Miao miao!

Niyakap ng munting pusang magnanakaw ang bote at para ba itong lasing.

Nagulat ang First Elder at si Yang Gan. Ang isang alipin lamang ni Zhao Feng ay kaya nang sakupin ang Scarlet Moon Demonic Religion? Kaya lamang ay alam nilang hindi mayabang si Zhao Feng. Siguro ay hindi karapat-dapat ang Scarlet Moon Demonic Religion para si Zhao Feng mismo ang umakto.

Sa pangalawang araw, umalis na si Zhao Feng sa Broken Moon Clan at nakipagkita kay Old Su mula sa Dragon Killing Alliance.

Kahit pa backwater area ang Thirteen Countries, ang buo-buo nilang lakas ay hindi dapat minamaliiit. Kasama sa kanila, ang Dragon Killing Alliance ay kino-kontrol ang mga teritoryo ng dalawang malakas na mga bansa sa nakaraan, pero ang pinaka-himpilan nila ay sa Cloud Country.

Naiintindihan ni Zhao Feng kung paano naapektuhan ng Scarlet Moon Demonic Religion ang pagkakaapekto sa Cloud Country mula sa Old Su. Dahil mahirap at malayo ang Cloud Country, ang Scarlet Moon Demonic Religion ay nawalan na ng pakialam dito, lalo na dahil sa pwersa ng Skeletal Division Leader.

Sa nakalipas na ilang araw, sinamahan ni Zhao Feng ang kaniyang mga magulag at si Lord Guanjun..

Naramdaman ng lahat ng kilala ni Zhao Feng na may kakaiba. Kailan pa naging huminahon ang magulong cultivation niya?

"Ang huling oras ko ay kasama ang mga master, magulang, Martial Brothers and Sisters, at mga kaibigan ko…." Tumingin si Zhao Feng sa kalangitan.

Pagkatapos ng lahat dito, pupunta na si Zhao Feng sa continent zone, at lahat ng nasa Azure Flower Continent ay lalayo na sa kaniya. Bago niya gawin iyon, gusto niya sanang makasama ang mga kinalakihan niya.sa buhay.

Sa isang kurap lang ay nagtagal na siya doon ng isa o dalawang buwan. Naglakbay si Zhao Feng sa Thirteen Countries, pero mas pinuntahan niya ang mga lugar na may mga importante siyang mga alala.

Sa loob ng oras na iyon, pumunta pa siya sa Sun Feather City at sa Green Leaf Village.

Ginamit niya rin ang kakaibang paraan para pumasok sa Floating Crest Palace.

Floating Crest Palace. Wala na sa mata ni Zhao Feng ang inheritance.

Ang munting pusang magnanakaw ay sinabi kay Zhao Feng na pumunta sa lugar kung saan niya nakita ang egg at cloak. May kaunti pa ring treasures doon na medyo mahirap hanapin para sa mga Sovereigns, at hinulaan ni Zhao Feng na ang nagmamay-ari nito ay baka isang kalahating-hakbang na King.

"Mukhang ang paglabas ng munting pusang magnanakaw sa itlog ay isa lamang pagkakataon," bulong ni Zhao Feng.

Ang nagmamay-ari ng Floating Crest Palace ay hilig mangolekta ng mga bagay-bagay, at lahat ng mga gawa sa espesyal na materyales o lahat ng hindi mahalaga ay nasa kaniyang koleksyon. Marami ring magagandang makokolekta rito, pero walang kinuha dito si Zhao Feng. Sa kabaliktaran, nagdagdag pa nga siya ngtreasures sa Floating Crest palace. Ilan sa mga nakolekta sa gera sa mga Sovereigns at Kings ng mga labas na mundo ay hindi magandang gamit para kay Zhao Feng, kaya iniwan na lamang niya ito sa Floating Crest Palace.

Sa araw na iyon, nakahiga lang si Zhao Feng sa isang burol sa Broken Moon Clan nang may naramdaman siya.

"Hmm?" may ilang naramdamang King auras na naramdaman si Zhao Feng na paparating sa Azure Flower Continent bago biglang nawala.

"Hehe, nandito na sila?" natawa si Zhao Feng at lumuwag ang ekspresyon niya.

Whoosh!

Umilaw ang anyo ni Zhao Feng at agad na nawala sa Broken Moon Clan.

Ilang sandali lang ang makalipas, nakita na ni Zhao Feng ang magandang babaeng nakapula, si Zhuang Wan'er.

"Zhao Feng, ang Grand Elder ng Moon Demon Palace ay nakarating na sa Azure Flower Continent at gustong makausap ka," may hawak na communication token si Zhuang Wan'er at sabi niya ng dahan-dahan.

"Oh, para kausapin lang? Magdadala ba ng tatlong Kings ang Moon Demon Palace para lang makipag-usap?" ngumiti si Zhao Feng, at agad na hindi nakapag-salita si Zhuang Wan'er.

Isa lamang ang Void God Realm King ng Moon Demon Palace. Kung gusto nilang makipag-usap nang mapayapa at matapat, at kaya hindi mag-iimbita ang Mooon Demon Palace ng Void God Realm Kings ng ibang pwersa.

Napatingin lamang si Zhuang Wan'er kay Zhao Feng nang hindi niya alam at nahanap niyang kaswal pa rin ang pag-arte niya.

"Ang Grand Elder ay nasa Sacred Alliance pa rin," dagdag pa ni Zhuang Wan'er.

"Sige," nagpaalam si Zhao Feng sa lahat ng nasa Cloud Country nang walang pagpigil at umalis kasama si Zhuang Wan'er.

Nang dumaan sila sa Canopy Great Country, nahanap ni Zhao Feng na ang sitwasyon sa Azure Flower Continent ay nagbago na. Ang Skeletal Division Leader ay sinako na ang malaking parte ng malaking parte ng elites mula sa Scarlet Moon Demonic Religion at pinatay lahat ng hindi makikinig sa kaniya.

Mula sa Dark Heart Seed, nalaman ni Zhao Feng na ang Skeletal Division Leader ay sinakop na ang pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion sa Western at Southern Continents at kasalukuyang umaatake ng Center Continent, na kumakalaban ng pwersa ng pinaka-himpilan ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Walang may kayang makatagal sa Ghost Corpse Cursed Array. Ang Skeletal Division Leader ay gumagamit lang ng kaunting dagdag pa sa dosenang cursed ghost-corpses at kaya pa rin nitong sakupin ang Azure Flower Continent.

Sa puntong ito, sa ilalim ng mga atake ng mga Sacred Alliance at ng Skeletal Division Leader, ay umaatras na ang Scarlet Moon Demonic Religion. Maliban sa lokasyon ng Patriarch ay hindi alam, ang Scarlet Moon Demonic Religion ay halos sira na.

Sa araw na iyon, dumating na si Zhao Efng sa Venter Continent sa Sacred Alliance.

Maraming naramdamang malakas na aura mula sa malayo si Zhao Feng. Ang pinakamalakas sa kanila ay ang king auras, at ang natirang mga auras ay mga nasa Origin Core Realm na eksperto mula sa Ten Great Clans.

Sa loob ng malaking salas:

"Nagrereporta sa Grand Elder, nakarating na po si Zhao Feng at si Zhuang Wan'er," sabi at yumuko ang Elder na may pulang buwan sa damtan.

Sa pinakagitna ng salas ay hindi ang Palace Lord ng Sacred Alliance o ang mga core members nila, kung hindi ang tatlong liwanag ng Magnificent Power. Ang pianaka-kaliwang liwanag ay isang gintong kalansay, at ang pinaka nasa kanan naman ay isang Demonic Dao na eksperto na pinapaligiran ng itim. At sa pinaka-gitna ay isang purong babae na para bang diyosa, at napipigilan ng aura niya ang dalawang Kings.

Ang tatlong magnificent existence nila ay gumawa ng buong Sacred Alliance ay biglang natahimik, at ang Heaven Earth Yuan Qi sa loob ng lugar na iyon ay para bang nagyeyelo.

Sa ilalim nila ay ang ilang mga nakatataas na miyembro ng Sacred Alliance, kasama na ang Deputy Palace Lord, Sovereign Yu Xingchen, at si Baiyun Dao. Kaya lamang ay wala sa mga Sovereigns ang may gustong huminga nang malakas, at lahat sila ay puno ng takot.

Ang tatlong Kings na ito ay mula sa Tianlu Islands, pero ngayon ay nandito sila dahil sa hindi alam na dahilan.

"Anong ginawa ni Zhao Feng para pumunta sila dito?" hindi mapakali ang isang nakatataas ng Sacred Alliance.

Sa likod ng Sovereign Yu Xingchen ay may isang lalaking nakatayo na may itim na buhok, at ang mga mata niya ay parang mga bitwin.

Walang saya at puno ng galit ang mukha ni Yu Tianhao habang ang Magnificent Power ng isang King ay nakabagsak sa kaniya, pero napahinto siya ng kaniyang ama, "Hao'er, huwag kang magmadali. Ang pag-isip lamang ng kahit isa sa mga Kings na ito ay kayang sirain ang Azure Flower Continent."