Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 756 - Eksperto mula sa Labas

Chapter 756 - Eksperto mula sa Labas

"Sino 'yon!"

May malamig na pawis ang agad na lumitaw kina Patriarch Hong at Tiemo. Sino sa Azure Flower Continent ang maaaring lumitaw sa gitna nilang dalawa nang hindi nila alam?

Sa ilalim ng liwanag ng kanidla, may lumitaw na batang may lilang buhok sa gitna nila. Ang batang ito ay nagmukhang parang may sakit.

"Zhao… Zhao Feng!" Umarte ang dalawa na para bang nakakita sila ng multo.

Pitong taon ang nakalipas, ang isang maka-alamat na Napakahusay na Prodigy ay lumitaw lamang sa harap ng dalawa, na para bang pinepeke niya ang kamatayan niya.

"Patriarch Hong, Deputy Patriarch, sana ay naging maganda ang kalagayan ninyo," kumurap si Zhao Feng at ngumiti. Inamin niyang ginusto niya ring gulatin ang dalawa.

"Sakto ang pagdating mo, Zhao Feng. Nagkukulang kami ng mga top-tier na eksperto."

Sobrang tuwa nila Patriarch Hong at Tiemo. Hindi sila nagdadalawang-isip sa lakas ni Zhao Feng; sa paglitaw pa lamang ni Zhao Feng sa tabi nila nang hindi nila nalalaman ay nangangahulugang nasa Origin Core Realm na si Zhao Feng.

"Tama nga, mukhang nakakita ka na ng maraming gulo. Pinaplano ko sanang pumunta sa Six Warlock Tower, pero nakita ko kayo at ang pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion sa daan," sabi ni Zhao Feng.

Kahit binigay niya ang pagsakop sa Scarlet Moon Demonic Religion sa Skeletal Division Leader ay siya pa rin ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion at wala siyang hindi gagawin kung alam niya niya ito.

"Mukhang nakita mo ring iba ang kutang ito?" Gulat na tanong ni Tiemo.

"Para bang may dalawa o tatlong auras sa Origin Core Realm doon," medyo hindi sigurado si Zhao Feng sa sinabi niya. Nang lumipad siya dito ay hindi siya masyadong nagmasid doon, pero pangkalahatan lamang ang naramdaman niya.

"Origin Core Realms…. Tatlo sa kanila?" nagtinginan ang dalawa sa isa't isa at hindi mapigilang huminga nang malalim.

Pinamumunuan ng Origin Core Realms ang Azure Flower Continent. Si Patriarch Hong lamang ang tanging Origin Core Realm ng buong Canopy Great Country.

Nasa half-step Origin Core Realm pa lamang si Deputy Patriarch Tiemo, pero malapit na sa Origin Core Realm ang kaniyang battle-power.

Matapos malaman ito ay naging taimtim ang ekspresyon ng dalawa.

Sumuko at manghingi ng tulong, isip nilang dalawa. May tatlong Sovereigns ang mga kalaban nila; nalagpasan na ang pwersang ito sa kaya nilang panghawakan.

"Kailangan nating manghingi ng tulong sa Sacred Alliance o sa Ten Great Clans agad," sabi ni Patriarch Hong, pero tumingin lamang si Tiemo kay Zhao Feng. Napag-isipan niyang parang wala lamang kay Zhao Feng na sinabi niyang may tatlong Sovereigns ang kalaban. Nakita na ni Tiemo na umangat si Zhao Feng, kaya may nagsabi sa kaniyang isip na hindi na lamang simple ang lakas ni Zhao Feng at mahirap na itong sukatin.

"hindi na natin kailangan ng tulong. Nandito na rin naman ako, kaya magdadala na rin ako ng kapayapaan sa great country," iling ni Zhao Feng pagkasabi niya.

"Ayos ka lang ba?" hindi mapigilan ng dalawa na tumingin kay Zhao Feng at isiping, Ang laki ng pagkakasabi niya. Napaka-kaswal pa nang tono niya.

"Zhao Feng, hindi sa nagdadalwang-isip ako sa lakas mo, pero parang may sakit ka. Kaya mo ba talagang labanan ang ilang Sovereigns?" Taimtim na tanong ni Patriarch Hong. Hindi biro ang tatlong Sovereigns; kung naging masama ang mga pangyayari ay baka matanggal na nang tuluyan ang Iron Blood Religion.

"Ang ibig sabihin ba nito, Zhao Feng, na nasa Sovereign Lord na ang battle-power mo?" Umilaw ang mata ni Tiemo. Naintindihan niya si Zhao Feng at naramdaman niyang hindi ito nagyayabang.

"May sakit? May sakit nga talaga ako. Para naman sa mga nasa Sovereign Lord rank ay marami na akong napatay na ganoon sa panlabas na mundo. Hindi na sila masyadong magiging problema," kibit niya ng balikat.

Nakapatay na ng Sovereign Lords dati? Nanlaki ang mata ng dalawa. Kung iba ito ay baka naisip nilang nagsisinungaling lang siya.

"Sige, Zhao Feng, naniniwala kami sa'yo," napagdesisyunan ng dalawa at saka nagsimula na silang magplano ng pag-atake, at kung ano ang gagamitin na mga taktika, at iba pang mga bagay.

"Kaunti lamang ang oras na mayroon ako dahil kailangan ko pang pumunta sa Six Warlock Tower. Ngayon na tayo umatake," sabi ni Zhao Feng.

"Ngayon na?" kumibot ang mga mukha ng dalawa.

Nakatirik na ang araw ngayon. Ayon sa una nilang plano ay sa gabi sila aatake para mahuli ang mga gwardya nang hindi nila inaakala.

"Ngayon na," desidido na ang boses ni Zhao Feng noon bago siya biglang huminto, "Pwede namang pumunta ako mag-isa kung ayaw niyo sumama."

Nagtinginan sina Patriarch Hong at Tiemo sa isa't isa at walang masabi. Para bang nagmamadali si Zhao Feng.

"Sige," walang magawa ang dalawa kaya't agad nilang tinipon ang kanilang mga eksperto para mag-usap-usap. Kaya lamang, ngayon, ay may bago nang malaking anyo dito.

"Zhao… Zhao Feng!"

"Isa sa mga malalaking figureheads ng Iron Blood Religion – si Deputy Patriarch Zhao!"

"Siya ang Napakahusay na Prodigy na sikat sa buong Azure Floewr Continent."

Nagkagulo bigla sa discussion hall.

"Deputy Patriarch Zhao."

Ilan sa kanila ay para bang masaya, tulad nila Jiang Sanfeng at ng mga kasama niya, pero may maliit na bilang ng tao ang mayroong panget na ekspresyon, tulad nila Empress Qin at ng Head of the Liu family.

"Feng'er!" nanginig ang katawan ng Flooding Lake City Lord. Nakuha niya ang balitang hindi sumama si Zhao Feng sa isang two-star sect at pumasok rin siya sa walang hanggang karagatan para hanapin si Liu Qinxin. Sa isang kislaap lang ay pitong taon na agad ang lumipas. Sa oras na iyon ay wala talagang balita sa kaniya. Ang isang True Lord Rank na henyo ay maraming haharaping panganib sa walang hanggang karagatan.

"City Lord Liu," lumapit si Zhao Feng sa Flooding Lake City Lord para kausapin siya nang harap-harapan.

Matapos makitang parang may gustong sabihin ang Flooding Lake City Lord sa kaniya, ay agad na nalaman ni Zhao Feng ang gusto niyang itanong.

"May nakita akong ilang tungkol sa kung baka nasaan si Qinnxin. Pagkatapos natin sa stronghol, sasamahan ko si City Lord Liu sa Six Warlock Tower," sabi ni Zhao Feng.

"Sige!" sobrang nagulat ang Flooding Lake City. Hindi niya inasahang malalaman ni Zhao Feng kung nasaan si Liu Qinxin.

Ang pinakamalaking punto ng diskusyon ay ang pag-atake sa Scarlet Moon stronghold, pagkatapos malaman na aatake na agad sila ay biglang nagkagulo.

Hindi mahirap isiping dahil ito sa pagdating ni Zhao Feng. Ang bawat galaw at sinasabi ni Zhao Feng ay nakakuha ng atensyon. Wala sa mga eksperto na galing sa great country ay may kayang makatagos ng tingin sa kaniya. Kita namang nasa Origin Core Realm na ang cultivation ni Zhao Feng, o kahit man lang hanggang Sovereign, kung hindi ay hindi magiging ganoon kalakas ang loob ng Iron Blood Religion sa kaniya sa pag-atake sa sgtronghold.

Dahil walang nakakaalam na may tatlong Origin Core Realms sa Scarlet Moon stronghold ay agad silang sumang-ayon.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Lumipad na ang ilang eksperto sa himpapawid habang ang iba naman ay nakaupo sa lumilipad nilang spiritual pets. Matapos ang apat na oras ay nakarating na sa kumplikadong lugar na may tubig ang grupo mula sa great country.

Sa isang malapit na talon:

"Hmph, isang maliit na Sovereign ay may ganang atakihin ang ating stronghold!?" isang payat na matanda na may madugong kulay na buhok at nakasuot ng damitan ay nakatayo habang nasa likod niya ang kaniyang mga kamay habang nakatitig sa kalangitan.

"Zhe zhe, hindi nila inasahang si Elder Zue Li at dalawa pang Origin Core Realm na mga eksperto mula sa panglabas na mundo ay nandito para tulungan tayo. Ang ibig sabihin nito ay kailangan natin silang palapitin," marespetong sabi ng isang matabang naka-gintong damtan na nasa half-step Origin Core Realm.

Sa iasng sandali lang ay may ilan nang bloodthirsty aura mula sa Scarlet Moon Demonic Religion ang lumitaw sa talon. Maliban pa doon, may ilan pang misteryosong matanda na may mga madugong-kulay na mga buwan sa kaniyang damtan, at isa pang babaeng magandang naka-pulang damit.

Matalim ang ganda ng babaeng iyon, at ang binti at balikat niyang kasing puti ng niyebe ay nakikita. Ang ngiti niya ay para bang naglalaman ng mahika. Mayroon ding maitim na simbolo ng buwan sa kaniyang noo, at sabay na hinihipan ng hangin ang kaniyang buhok na para bang isa siyang duwende.

Hindi mapigilang mapalunok ng ilang lalaki mula sa Scarlet Moon Demonic Religion nang makita nila ang babae, pero mas may respeto pa sa kanilang mga mata kaysa pagnanasa. Kahit ang tonoo ni Elder Xue Li ay marespeto patungo sa dalawang ito.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang tumunog ang paglipad sa mga oras na iyon. Lumapag malapit sa talon ang ilang mga eksperto galing sa Canopy Great Country na pinamumunuan ng Iron Blood Religion.

"Palibutan niyo sila!"

"Patayin niyo ang lahat ng nasa Demonic Rreligion!"

Lahat ng elites mula sa Canopy Great Country ay may lamang sa bilang ng tauhan at agad nilang pinalibutan ang lugar.

Lumitaw ang pangungutya sa mukha ni Elder Xue Li, at may mapaglarong ekspresyon ang lumitaw sa mukha ng misteryosong matanda at sa magandang babae. Sino ang tunay na mangangaso at inaaso dito?

"Hahahahaha… Patriarch Hong, minadali mo ang pagpapatibong sa sarili mo. Kailangan nang matanggal ang Iron Blood Religion sa kontinenteng ito!" natawa si Elder Xue Li habang hinihipan ng hangin ang kaniyang buhok, at ang aura ng isang late-stage Small Origin Core Realm na siyang nagpapula ng kalangitan.

"Si Elder Xue Li! Sobrang uhaw niya sa dugo," ang nakatataas ng mga nasa Canopy Great Country ay nagbago nang sobra. Ang mga elders ay siguradong nasa mga nakatataas ng Scarlet Moon Demonic Religion.

"Hehe, pagtapos nating sirain ang mga elites ng Canopy Great Country, ang Scarlet Moon Demonic Religion ay kakayanin nang gawing matibay ang pag-apak sa Northern Continent," lumitaw ang isang matandang may mga pulang buwan sa kaniyang damtan sa mga kaulapan at dahan-dahang itinaas ang kaniyang kamay. Nagbuo ito ng malaking pulang buwan na naglabas ng alon ng ilaw ng buwan na nagbalot ng lahat ng nasa loob ng 20-milya. Para bang nagpalit ang Heaven and Earth; lahat ng mga magkakasama at magkakalaban ay nasa ilailm ng bagong kalangitaan.

"Ang lakas na ito…. Maari bang isa siyang Sovereign Lord!?" nanginig sina Patriarch Hong at Tiemo. Sila at ang True Spirit Realm elites ay naramdamang napigilan ang kanilang mga True Yuan.

"Anong nangyayari? Lumakas ang True Yuan ko lalo!"

Sa kabila naman noon, ang lahat ng nasa Scarlet Moon Demonic Religion ay mas lumakas.

"Hehe, nagsisimula pa lang ang laro," sabi ng misteryosong elder nang may mayabang na ekspresyon.

Sa oras na iyon, si Elder Xue Li, na biglang napakalakas ng liwanag ng buwan, ay umungol at lumipad patungo kay Patriarch Hong.

Boom!

Sa unang sapak pa lamang ay natulak na agad si Patriarch Hong.

Eksperto si Elder Xue Li sa pag-cultivate ng Demonic Dao, at ang battle-power niya ay lalong naging malakas dahil sa liwanag ng buwan.

Nanlamig ang mga puso ng mga nasa Canopy Great Country, at lahat ng naroroon ay nag-ingat lamang para sa sarili nila. Sina Empress Qin at ang mga kasama niya ay agad na tumalikod para tumakas.

"Walang mkakatakas sa into," hinarangan ng misteryosong babae ang daan nila.

"Origin Core Realm!"

"Napakabatang Origin Core Realm!"

Nakaramdam ng presyon mula sa Sovereign sina Empress Qin at mga kasama niya nanlamig din sila.

Ang grupo mula sa Great Canopy Country ay napuno ng takot; hindi nila inasahang may tatlong Sovereigns doon, isa sa kanila ay baka Sovereign Lord na.

"Zhao Feng!" sigaw ni Tiemo habang nagsisimulang maging mas mapanganib ang sitwasyon.

Kaya lamang, ang tingin ng batang may lilang buhok ay napunta sa babaeng napakaganda at sinabi sa mahinang boses, "Zhuang Wan'er."