"Skeletal Division Leader, naramdaman kong nagising ulit ang pwersa ng Scarlet Moon Demonic Religion nang pagkarating ko sa Azure Flower Continent," umilaw ang mga mata ni Zhao Feng. Nararamdaman niya pa rin ang pagbabago sa aura ng Azure Flower Continent kahit hindi niya pa gamitin ang kaniyang Divine Sense dahil sa Void God Realm cultivation niya.
Whoosh!
May lumitaw na malabong iskarlet na token sa kamay ng Skeletal Division Leader, at lumawak pa ang pakiramdam niya dito.
"Master, nararamdaman ko ang napakaraming eksperto ng nakatataas ng Scarlet Moon Demonic Religion sa Western Continent lang."
Nagulat ang Skeletal Division Leader. Natuwa dito si Zhao Feng sa pinakailalim ng puso niya. Kung papapiliin ito kung si Zhao Feng o ang Scarlet Moon Demonic Religion ay siguradong si Zhao Feng ang pipiliin ng Skeletal Division Leader.
Natahimik nang sandali si Zhao Feng bago siya nagsimulang magsalita muli, "Iiwan ko na ang gawaing 'pangongolekta' ng Scarlet Demonic Religion sa 'yo."
"Naiintindihan ko po, Master."
Punong-puno ng saya at gulat ang Skeletal Division Leader habang ito'y yumuko. Kitang-kita nas gusto ni Zhao Feng na wasakin at pamunuan ng Skeletal Division Leader ang Scarlet Moon Demonic Religion. Imbis na patayin ang lahat ay angkinin na lamang nila sila bilang sarili nilang pwersa.
Sa totoo lang, kung bakit bumalik si Zhao Feng ay dahil gusto niyang hanapin ang Sage para sagutin ang kaniyang mga tanong. Para naman sa Scarlet Moon Demonic Religion, ay "papunta" pa lamang ito, kung kaya't binigay niya sa Skeletal Division Leader ang trabaho para asikasuhin ito. Bagamat pa doon ay ayaw ni Zhao Feng na umatake pa masyado dahil lalo lamang siyang mabubulok.
Sa nakalipas na ilang araw, may natutunan rin si Zhao Feng sa ilan sa mga katangian ng Cursed Words of Death. Hindi lamang ang cultivation niya ang nanghihina rito, kasama na rin ang kaniyang katawan, kaluluwa, at pati na rin ang kaniyang lifespan.
Syempre, may mga bagay pa ring hindi kayang pabulukin ng Cursed Words of Death.
Ang una ay ang God's Spiritual Eye. Kahit humihina pa ang lakas ng eye-bloodline niya ay nahaharangan lang ng sumpa, tulad din ng puyo ng tubig sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata na nakakonekta sa Ancient Dream Realm.
Ang pangalawa naman ay ang God Tribulation Lightning. Hindi kayang pabulukin ng sumpa ang lugar kung saan nakalagay ang God Tribulation Lightning.
Masasabing ang dalawang ito ay mga forbidden zones sa katawan ni Zhao Feng. Maliban lang doon, ang Mystic Ice Scaled Race bloodline ni Zhao Feng ay hindi nakatakas sa pagkabulok. Sa pinakamahusay na estado, mataas lamang ang resistance nito.
Kung hindi dahil dito, baka nakahanap na ako ng tahimik na lugar para muling mag-cultivate ng Five Elemental Lightning Technique at ng Golden Kun Sacred Lightning Body, napa-buntong-hininga si Zhao Feng sa loob-loob niya.
Shua! Shua!
Lumitaw sa isip niya ang bihasang bersyon ng Golden Kun Sacred Lightning Body at ng Five Elemental Wind Lightning Technique.
Malapit nang makumpleto ni Zhao Feng ang pagcultivate sa Wind Lightning Inheritance. Ang limit ng orihinal na Wind Lightning Inheritance ay umaabot lamang sa lebel ng Emperor. May kaunti pang tsansa ito para makaabot sa Mystic Light Realm, pero bukod pa roon ay siguradong matatapos na agad ito. Sa kabila nito, ang Golden Kun Sacred Lightning Body at ang Five Elemental Wind Lightning Technique ay parehas na nagawa para maghalo ng ilang skills na maaaring ma-cultivate hanggang Heavenly Divine Realm.
Lahat ng skills na maaaring ma-cultivate sa Heavenly Divine Realm ay sobrang bihira, at ang dalawang ito ay isang pares na tugma sa isa't isa – ginagamit ang Five Elemental Wind Lightning Technique para sanayin ang Sacred Lightning Body.
Kaya lamang, ang problema ay na-cultivate na ni Zhao Feng ang Wind Lightning Inheritance, na sobrang iba sa Five Elemental Wind Lightning Technique, kailangan lamang ni Zhao Feng na mag-cultivate mula sa simula.
Base sa orihinal niyang plano, matapos maasikaso ang Pursuit of Death ay agad na hahanap si Zhao Feng ng tahimik na lugar para umulit ng cultivation. Matapos ang lahat ay naabot na ng Wind Lightning Inheritance ang limit nito, at ang dalawa pang skills ay may mas malaking potensyal.
Baka ang pinakakinakailangan lamang na haba ng panahon para muling maibalik ang lakas niya ay sampung taon, pero hindi niya inasahang gagamitin ng Emperor of Death ang Cursed Words of Death. Sa oras na magamit ito ay agad na mamatay ang siyang gumamit, kaya lamang ay hindi ito maiiwasan ng inaasinta kaya't mamamatay rin sila.
Sa ngayon, nag-aalala si Zhao Feng na sasama pa rin sa kaniya ang Cursed Words of Death habang muli siyang nagcucultivate.
"Master, nararamdaman kong may ginagawang malaki ang nakatataas ng Scarlet Moon Demonic Religion sa bandang hilagang-silangan," pagsira ng Skeletal Division Leader sa iniisip ni Zhao Feng.
"Tara na," hindi na nag-alinlangan pa si Zhao Feng. Pupunta na rin naman siya sa Northern Continent.
Nanguna ang Skeletal Division Leader sa paglipad nila sa direksyon ng hilagang-silangan.
Maya-maya lang ay nakarating na rin ang dalawa sa destinasyon nila. Sa ilalim naman ay may malaking digmaan ang nagaganap.
"Zhe zhe, mga tusong kuneho at mga tumutulong sa Sacred Alliance, nakarating na rin kayo sa patibong ng magaling na Scarlet Moon Demonic Religion."
Lumulutang sa himpapawid ang tatlong nakatataas na miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion. May tusong ngisi ang nasa gitna ng dalawa pang nakatataas. Mayroon siyang pares ng pakpak ng paniki sa likod niya. Magkabila sa kaniya ay may isang Sovereign na nakasuot ng itim na damtan, at isang babae na may maputing mukha. Nakatingin sila sa baba at naglalabas ng sunod-sunod na atake habang pinapaligiran ng ilang daang elites ng Scarlet Moon Demonic Religion ang isang daang milyang paikot.
"Isa siya sa apat na Protectors ng religion – ang Bat King," pagbubunyag ng Skeletal Division Leader nang may kakaibang ekspresyon sa mukha. Alam din nito na ang lalaking nakaitim ay isa pang Division Leader. Ang problema lamang ay hindi niya kilala ang babae. Maaaring bago lamang ito.
Sa kabilang panig naman, may isang higanteng lalaking maedad na, na nasa half-step Origin Core Realm, at may isang Sovereign na may gamit na ispada ang mukhang matindi ang pinagdaraanang laban. May malalakas na atake ang Sovereign na may ispada at ang battle-power niya ay malapit na sa Peak Small Origin Core Realm, pero siya lamang ang tanging Sovereign sa pwersa nila.
Mystic Sword Sovereign, agad na nakilala ni Zhao Feng ang pagkakakilanlan ng Sovereign na ito.
May malakas siyang impresyon sa Mystic Sword Sovereign. Siya mismo ang taong kumuha ng Seven Sword Incomplete Manual, at isa rin siya sa siyam na Sovereigns sa Sacred True Dragon Gathering.
"Mystic Sword Sovereign, kasalanan ko, si Shi Yuntian, ito. Gagawa ako ng daan sa'yo para makatakas ka kahit pa mamatay ako."
May namuong bato-bato sa paligid ng balat ng lalaking maedad na. Kahit pa nasa Half-Step Origin Core Realm pa siya ay malakas pa rin ang bloodline at pisikal na katawan nito, kaya't kaya niyang humarang ng mga simpleng atake.
Naramdaman ni Zhao Feng na parang pamilyar ang lalaking ito.
"Ama, kung mamamatay ka ay sasama ako sa'yo!" napa-ubo ng isang malaking kabataan ang mga elites ng Demonic Religion ng dugo.
"Talaga ngang nararapat siya bilang maging isa sa mga Napakahusay na Prodigy ng Sacred True Dragon Gathering."
"Mag-ingat kayo sa gravity field!"
Inatake ng ilang True Lord Ranks ng Demonic Religion ang malaking kabataan.
Shi Chengtian! Napunta ang tingin ni Zhao Feng sa kabataan.
Shi Yuntian! Shi Chengtian? Agad na naintindihan ni Zhao Feng; ama ni Shi Chengtian ang lalaking maedad na.
Nasa Peak True Lord Rank na ang cultivation ni Shi Chengtian, at maikukumpara na sa half-step Origin Core Realm na ang battle-power niya.
"Wala nang magagawa. May tatlo silang Sovereigns, at isa sa kanila ay isa sa magagaling na Protectors ng Demonic Religion – ang Bat King," mapait na ngiti ng Mystic Sword Sovereign.
Hindi lamang sa nasa Peak Small Origin Core Realm na ang Bat King, kung hindi ay sobrang kakaiba rin ng bloodline nito, at sikat rin siya sa kaniyang bilis. Walang naroroon ang may kayang takasan ang Bat King.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaatake ang Bat King, at lumulutang lamang siya sa himpapawid. Dalawa lamang sa Sovereigns at isang grupo ng elites mula sa Demonic Religion ang nakakalagpas sa Mystic Sword Sovereign, at sila-sila rin ay nanggaling sa Shi family.
"Hmm? Alin sa mga nakakataas ang miyembro ng Sacred Religion dito?" may naramdaman ang Bat King sa paligid at agad siyang tumingala sa kaulapan.
Whoosh! Whoosh!
May dalawang anyo ang lumutang pababa mula sa mga ulap. Isa itong maputing pilak na kalansay at isang kabataang may lilang buhok at walang ekspresyon.
"Division Leader Yougu!"
"Hmm? Division Leader Yougu, hindi ba ilang taon ka nang nawawala?"
Agad na nakilala ng Bat King at ng Sovereign na nakaitim ang Skeletal Division Leader kahit medyo nag-iba pa ang itsura nito.
"Isa pang Sovereign ng Scarlet Moon Demonic Religion ang nakarating," nanginig ang mga puso ng Mystic Sword Sovereign at Shi family.
"Zhao… Zhao Feng!" muntik nang madapa si Shi Chengtian nang makita niya sa gilid ng mata niya si Zhao Feng. Nakatayo lamang si Zhao Feng sa tabi ng nakatataas ng Demonic Religion at para bang sobrang pamilyar ito dito.
"Zhao Feng… sumali ka na sa Scarlet Moon Demonic Religion!?" sigaw ni Shi Chengtian.
"Zhao Feng…!" laking gulat ng Mystic Sword Sovereign. Syempre ay naalala pa rin niya ang bright star ng Sacred Alliance. Sa isip niya ay Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion pa rin si Zhao Feng. Bakit sasali ang isang prodigy na tulad ni Zhao Feng sa Scarlet Moon Demonic Religion?
"Zhao Feng? Ang napakahusay na prodigy mula sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering?"
"Zhe zhe, Division Leader Yougu, nagawa mong pasalihin ang isang henyong may walang hanggang potensyal sa atin?"
May kakaibang mga ekspresyon ang mga nasa Scarlet Moon Demonic Religion.
Sa oras na iyon ay huminto ang digmaan. Ang pagdating ng isa pang Sovereign mula sa Scarlet Moon Demonic Religion ay agad na magbabaling ng balanse, at dahil doon ay nakaramdam ng lubos na kalungkutan ang Mystic Sword Sovereign at ang Shi family. Dagdag pa na ginulat pa sila na may sumaling Napakahusay na Prodigy sa Scarlet Moon Demonic Religion.
"Bat King," malamig ang boses ng Skeletal Division Leader, "nandito ako sa ilalim ng utos ng aking Master para kontrolin ang Scarlet Moon Demonic Religion." Matapos sabihin ito ay yumuko agad ito at itinaas ang kamay patungo sa kabataang may lilang buhok sa tabi nito.
"Anong 'Master'!?"
"Kontrolin ang Scarlet Moon Demonic Religion? Mali bang gamot ang nainom mo, Division Leader Yougo?"
Napahinto ang Bat King at ang mga kasama nito, bago sila umungol sa galit.
Nagulat at litong-lito ang Mystic Sword Sovereign, si Shi Chengtian, at ang mga kasama nila sa mga nangyayari. Anong… nangyayari? May problema ba sa loob ng Scarlet Moon Demonic Religion? Magsisimula ba silang labanan ang isa't-isa? Syempre masaya silang makita ito, at nagkaroon din sila ng oras para makahinga.
"Hmph," malamig na ngumisi ang Skeletal Division Leader nang biglang maglabas ito ng nakagugulantang na lakas.
Zhiii~~~~
May naramdamang napakalakas na presyon ang Bat King at ang dalawang nakatataas sa buto't dugo nila, na para bang maaari silang mabasag nito.
Wah!
Dumura ng dugo ang Bat King na nasa harap.
Plop! Plop!
Nasira ang mga buto ng dalawang Sovereigns at nalaglag sila sa lapag.
"Division Leader Ysougu, ikaw…!" sobrang pula na ng mukha ng Bat King, at nahihirapan siyang huminga habang gulat na gulat siyang nakatingin sa Skeletal Division Leader.
Nanahimik ang mga magkakasama at magkakaaway. Maaaring marinig na mahulog ang karayom dito. Ang malaking pagbabagong ito ay ikinalito ng lahat, at hindi na nila alam ang gagawin nila.
May hindi maipaliwanag na pwersa ang nagsimulang lumabas sa Skeletal Division Leader, at lahat nang naroroon ay nakaramdam ng malakas na presyon. Nahihirapang makahinga ang lahat ng nasa ilallim ng Origin Core Realm.
"Sovereign… Sovereign Lord!!" nakahinto lamang ang Bat King nang mapwersa siya sa lapag dahil sa malakas na presyon.
"Hindi lalagpas sa lima ang dami ng Sovereign Lords sa Azure Flower Continent," huminga ng malamig na hangin ang Mystic Sword Sovereign, at may nagsabi sa kaniya na hindi lamang simpleng Sovereign ang Skeletal Division Leader. Nakakita na ng Sovereign Lords ang Mystic Sowrd Sovereign dati, pero ang presyong naramdaman niya mula sa kanila ay hindi kasinglakas ng nararamdaman niya ngayon sa Skeletal Division Leader.
"Master, ano nang gagawin ko sa mga taong ito?" matapos gamitin ang hindi maikumparang lakas para mapahinto ang lahat, marespetong tinanong ng Skeletal Division Leader si Zhao Feng.