Ang anyo ng ancient God Demon ay bumalot sa alapaap, at ang kulay lilang naglalagablab na anyo nito ay nagpakawala ng isang sinauna at maharlikang aura.
Pakiramdam ni Zhao Feng na tila ba naglalaglab ang kapangyarihan ng kaniyang eye-bloodline, at mayroong isang nakakalapnos na sakit na dulot ito. Sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit ngayon lamang ginamit ng Emperor of Death ang Shadow of Death God.
Shua!
Ang kaluluwa ng Cold Moon Emperor ay bumalik na sa kaniyang katawan, at nabalutan siya ng malamig na pawis. Kahit na mayroon siyang proteksyon ng Pirate Sacred Land, hindi ito nangangahulugan na siya ay tuluyang hindi na matatalo. Nang ginamit ng Emperor of Death ang Shadow of the Death Guard nang walang pag-aalala tungkol sa kabayaran nito, kahit ang mga nasa Mystic Light Realm ay kailangang mag-alala.
Wu~~~
Ang balangkas ng anyo ng God Demon ay naging malabo, at masasabi na ito ay ang phantom ng isang sinaunang God Demon mula sa aura na mayroon ito. Sa mismong oras na ito, ang anyo ng Mystic Ice Dragon na nagmula sa Mystic Ice Sealed Race bloodline ay nanginig at nagsimulang gumalaw sa palibot ng anyo ng God Demon.
Sa himpapawid, ang kapangyarihan ng Shadow of Death at ng sinaunang God Demon ay nagsagupaan, gumagawa ng hindi nakikitang shockwave na nagpatalsik sa Cold Moon Emperor.
Bam!
Ginamit ng Cold Moon Emperor ang kapangyarihang ito upang umatras ng ilang daang milyang layo, at ang kaniyang mukha ay namutla. Kung wala siyang proteksyon ng Pirate Sacred Land, malamang ay nawalan na siya ng isang patong ng kaniyang balat kahit na siya ay isang peak Emperor.
Ang batang Demigod at ang dalawang Peak-tier Kings ay napatalsik din kahit sila ay nasa malayo na.
Boom~~~~!
Dalawang malalaking anyo ang umalis sa katawan ng kanilang mga may-ari at nagsalpukan sa ere sa itaas ng limitless ocean. Isang malakas na pagsabog ang maririnig nang raumagasa ang isang alon ng apoy sa buong soul-dimension. Pakiramdam ng lahat na tila ba ang mismong daigdig ay yumayanig.
"Ang parehas na bloodline powers ay nagbabalik-tanaw sa kani-kanilang mga ninuno." Natulala ang batang Demigod.
Ang Shadow of Death God ay ginamit ng Emperor of Death sa pamamagitan ng kaniyang eye-bloodline, at ito ay nagpalabas ng katiting n kapangyarihan mula sa God Eye of Death. Ang God Demon na nasa likuran ni Zhao Feng na ang pinanggagalingan ng kapangyarihan mula sa kaniyang God's Spiritual Eye ay hindi pa nagigising.
Mula sa isang tiyak na antas, maaaring sbaihin na pinapalagablab nila ang pinakapinanggalingan ng kanilang eye-bloodline. Ang pagkakaiba ay ang kay Zhao Feng ay ang kauna-unahang ninuno mismo.
Boom! Boom! Boom!
Ang dalawang anyo ay nagsagupaan sa alapaap at dumidilim ito sa bawat oras. Kasabay nito, ang mga ekspresyon nina Zhao Feng at ng Emperor of Death ay humina nang humina.
Crack~~~~!
Ang Mystic Ice Dragon na nakapalibot sa ancient God Demon ay sa wakas nagawa nang basagin ang Shadow of Death God, at ang ancient God Demon – kahit na ito ay malapit nang maglaho – nagawa pa ring tirahin ang Emperor of Death.
Hindi maganda! Ang Emperor of Death ay napatalsik, subalit ang korona sa kaniyang ulo at ang Immortal Death Body ang humarang sa karamihan ng pinsala.
Crack!
Ang mga imahe ng ancient God Demon at ng Mystic Ice Dragon ay parehas na naglaho sa iisang oras. Lubhang humina ang ekspresyon ni Zhao Feng; pinaglalagablab ng bloodline ang kaniyang lifeforce at kaluluwa. Nararamdaman na niya ang paghina ng kapangyarihan ng kaniyang eye-bloodline.
"Death Instant Shadow!" Ang Emperor of Death ay naging isang maitim na guhit ng liwanag at naglaho. Kung bilis ang pag-uusapan, ang Death Instant Shadow ay hindi kasingbilis ng Lightning Wings Spatial Flash, subalit mas profound ito.
"Napakabilis!" Nanlamig ang paghinga ng Cold Moon Emperor at ng kaniyang mga kasamahan. Mahirap na puwersahin ang Emperor of Death sa ganitong antas.
"Sky Locking Bow!" Isang malamig na pagkislap ang nagliwanag sa mga mata ni Zhao Feng nang hawakan niya ang dark silver na pana, at isang misteryosong mga marka ang nagsimulang lumitaw dito.
Weng~~
Isang nakakaakit ng mata ng scarlet-golden na palaso ang nagsimulang mabuo, at nagpakawala ito ng isang kataliman na tila ba kayang tumagos sa space.
Sa sumunod na sandali, ang Emperor of Death, na siyang nakatakbo na hanggang ilang libong milya, ay nakaramdam ng apaglamig ng kaniyang katawan nang tumutok sa kaniya ang kataliman. Pakiramdam niya rin na ang daigdig mismo ay natututukan din nito, kaya't napigilan ang kaniyang Death Instant Shadow.
Gaya ng ibig pangalan nito, ang Sky Locking Bow ay kaya ring pumigil mismo sa alapaap. Ngayon na mas lumakas na ang Intent ni Zhao Feng, nagsimula na niyang buksan ang tunay nitong potensyal.
Shu~~
Tila ba mayroong lumitaw na scarlet-golden na palaso sa isang portal nang tumira ito sa puso ng Emperor of Death.
"Sky…Locking…Bow…" Nanginig ang katawan ng Emperor of Death nang tuhugin ng scarlet-golden na palaso ang kaniyang puso.
Kung ito ay isang normal na palaso lamang, hindi siya matatakot dahil mayroon siyang Immortal Death Body. Subalit, ang scarlet-golden na palaso ay naglalaman ng kapangyarihan ng Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning, na siyang may kasamang Intent mula sa God Tribulation Lightning. Ang pinsalang dulot nito ay kayang tumapat kahit sa kaniyang Immortal Death Body.
"Death Instant Shadow!" Halos masunog na ng Emperor of Death ang kaniyang True Yuan sa pagnanais niyang tumakas. Kung mananatili pa siya sa Pirate Sacred Land, malamang ay hindi na talaga siya makakatakas. Kung tutuusin, naroroon pa ang Cold Moon Emperor at ang hindi mabilang-bilang na mga Pirate Kings.
"Matapos kong tumakas, magbabalik ako sa hinaharap at pipinuhin ko ang aking mga kalaban upang maging mga spirits of hatred sila…!" Puno ng galit at kahihiyan na hindi niya pa nararanasan noon ang Emperor Death. Bilang isa sa mga pinakamatatandang Emperors sa Cang Ocean at bilang isang taong dalawang beses nang muling nbauhay, siya ay hindi mapapantayan sa ilalim ng Mystic Light Realm, at kaya niya pang makaharap sa maraming mga Sacred Lord nang pantay. Kailan pa siya nakaharap sa ganitong kahihiyan at pagkatalo?
Sa mismong pagkaktaong ito:
Shu~~~!
Ang ikalawang scarlet-golden na palaso ang kumislap sa ere at tumama sa kaniyang ulo.
Umungol ang Emperor of Death nang manginig ang kaniyang katawan, subalit sa oras na ito, siya ay handa. Isang tattoo of Death ang lumitaw sa buo niyang katawan, na nagpataas ng depensa ng kaniyang Immortal Death Body.
Tumira ng tatlong palaso si Zhao Feng hangga't makatakas na sa wakas ang Emperor of Death sa naaabot ng kaniyang atake.
"Cold Moon Emperor, Giant Shark King, Ghost Scaled King. Salamat sa tulong ninyong lahat. Babawi ako sainyong lahat sa hinaharap," taimtim na sinabi ni Zhao Feng at huminga siyang malalim upang padaluyin ang kaniyang dugo at bawiin ang kaniyang True Yuan.
Tumayo sa tabi niya ang batang Demigod at tuminga sa direksyon kung saan tumakas ang Emperor of Death.
"Zhao Feng, nais mong habulin ang Emperor of Death?" Nagulat na tanong ng Cold Moon Emperor. Pinagsama-sama nilang lahat ang kanilang mga lakas upang talunin na ang Emperor of Death sa wakas, subalit kung hahabulin ni Zhao Feng nang mag-isa ang Emperor of Death, magiging mapanganib ito.
"Hindi ko maaaring bigyan ng oras ang Emperor of Death upang magpagaling. Ibabalik ko ang lahat ng kahihiyang tiniis ko dahil sa kaniya nang ilang beses," desididong sinabi ni Zhao Feng.
Whoosh!
Isang pares ng scarlet-golden na pakpak ang nabuo sa likuran ni Zhao Feng nang ilagay niya ang batang Dmeigod sa loob ng sinaunang metal na singsing.
"Lightning Wings Spatial Flash!"
Isang mahabang arko ng kidlat ang kumislap sa limitless ocean. Ang bilis na ipinakita ni Zhao Feng ay labis na mas mabilis kaysa sa Emperor of Death.
"Sa lakas at bilis na mayroon si Zhao Feng, basta'y hindi niya mamaliitin ang Emperor of Death, hindi siya malalamangan nito…" huminga ang Cold Moon Emperor.
Si Zhao Feng ay mayroong battle-power ng isang peak Emperor, at ang kaniyang speed ay lubhang mabilis. Ang pinakamahalagang bagay ay hindi siya natatakot sa Eye of Death, na isang bagay na hindi makukuha ng iba pang Emperor. Dagdag pa rito, mayroon ding Sky Locking Bow si Zhao Feng, isang sandatang mabisa sa paghabol sa mga nilalang.
Sa limitless ocean, isang maitim na sinag ng liwanag at isang arko ng kidlat ang magkasunod na kumislap.
Ang Lightning Wings Spatial Flash ni Zhao Feng ang nakakalamang kung bilis ang pag-uusapan, at bawat oras na nakakalapit siya, nagpapakawala si Zhao Feng ng isang palaso.
Bam!
Umungol ang Emperor of Death. Ang tanging bagay na kaya niyang gawin ay palakasin ang kaniyang depensa upang mabawasan ang pinsala mula sa Sky Locking Bow. Ito ay dahil ang mga atake ng Sky Locking Bow ay hindi maaring maiwasan maliban na lamang kung napakalaki ng pagitan nila sa cultivation.
Kapag nagtulungan ang Sky Locking Bow at God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, talagang hindi makakaiwas ang kalaban kung sila ay natutukan nito, subalit ang pagtira ng palaso ay nangangahulugan na mananatili muna siya ng isang sandali at babagal. Gagamitin ng Emperor of Death ang pagkakataon ito upang palawakin ang distansya sa pagitan nilang dalawa matapos na tanggapin nang direkta ang tira.
"Immortal Death Body… Hindi ko pa rin mahanap ang katapat nito," nagsalubong ang mga kilay ni Zhao Feng. Mayroong Immortal Death Body ang Emperor of Death, at literal na siya ay hindi napapatay. Ang depensa nito ay labis na malakas, at ang recovery speed nito ay katulad ng isang halimaw.
Kung hindi para sa katotohanan na isinanib ni Zhao Feng ang God Tribulation Lightning sa kaniyang mga atake, wala talaga siyang pagkakataong mapatay ang Emperor of Death. Subalit, limitado lamang ang God Tribulation Lightning ni Zhao Feng at hindi ito maaaring gamitin panghabangbuhay.
Walang mahahalagang parte ang Immortal Death Body, at ang Emperor of Death ay isang nabubuhay na bangkay. Mayroon ding kapangyarihan ng Death ang Emperor of Death, nangangahulugan na kahit na siya ay nasa estado ng nabubuhay na bangkay, ang recovery rate ng kaniynag Yuan Qi ay mas mabilis kumpara sa ibang mga Emperors.
Makalipas ang ilang araw, hinabol ni Zhao Feng ang Emperor of Death hanggang sa panibagong island zone. Napakabilis ng kaniyang paghinga at napakahina nito. Ang Emperor of Death na nasa kaniyang harapan ay labis nang napinsala.
Whoosh!
Naging isang linya ng scarlet-golden na kidlat si Zhao Feng, lumapag siya sa isang islang puno ng Yuan Qi, at nagsimulang magpahinga.
"Ang Emperor of Death ay mas napinsala kaysa sa akin, subalit ang kaniyang cultivation at bilang ng True Yuan ay labis na mas mataas kaysa sa akin…" Nagningning ang mga matani Zhao Feng. Sunod ay kumain siya ng isang Ancient Dream Realm na prutas at ilang mga spiritual pills upang pabilisin ang kaniyang recovery speed.
"Master, maaari kang sumubok ng ibang paraan upang atakihin ang Emperor of Death gamit ang mga soul-based attacks," babala ng batang Demigod.
Ang kaluluwa? Nagsimulang mapaisip si Zhao Feng. Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay tiyak na Soul-based, subalit pati rin naman ang Emperor of Death ay ganito.
"Ang kaluluwa ang pinanggagalingan ng lahat ng buhay. Kahit na matalo mo ang kaniyang Immortal Death Body, hindi mo mapipigilan ang Emperor of Death sa muli niyang pagkabuhay o sa pagnakaw niya ng iba pang katawan," paliwanag ng batang Demigod.
"Tama' yan," tumango si Zhao Feng. Naisipan na niyang atakihin ang kaluluwa noon, subalit ang Emperor of Death at ang kaniyang Eye of Death ay magaling sa kaluluwa. Dagdag pa rito, ang koronong suot niya ay isang Soul Dao na kayamanan na kayang magpataas ng lakas ng kaniyang Soul Dao techniques kabilang na ang pagpapataas ng recovery speed ng kaniyang soul power.
"Subalit magiging mas mahirap ito, ito rin naman ang pinakamabisang paraan," nagdesisyon si Zhao Feng. Ang kaniyang eye-bloodline ay isang God Eye, at sinanib niya ito sa kapangyarihan ng God Tribulation Lightning, na isang bagay na wala ang Emperor of Death.
"Lightning Wings Spatial Flash!"
Matapos magpahinga ng kalahating araw, sunod ay pumasok si Zhao Feng muli sa limitless ocean at nagpatuloy sa paghabol.
Kahit hindi malapit ang kaniyang cultivation sa Emperor of Death, mayroon siyang Emperor Intent at isang Ten Thousand Ancient Races bloodline. Kung recovery speed ang pag-uusapan, mas maganda pa ito sa Emperor of Death. "Sapat na ang kalahating araw upang makatakbo nang kaunti ang Emperor of Death," nagningning ang mga mata ni Zhao Feng, subalit bahagyang malakas ang loob niya.
Binuksan niya ang kaniyang God's Spiritual Eye upang hanapin ang mga bakas ng aura na naiwan ng Emperor of Death at sundan siya. Kaya rin makita ng God's Spiritual Eye ang pinanggagalingan ng lahat ng bagay, dahilan kung bakit nakakakopya rin siya ng techniques ng ibang mga bagay. Kung tracking ang pag-uusapan, tiyak na siya ang pinakamagaling. Dagdag pa rito, mayroon siyang munting pusang magnanakaw, pati na rin ang katiting na Death Intent na naiwan sa kaniyang Soul Sea ng Emperor of Death.
Hindi kalaunan tiniyak ni Zhao Feng ang direksyon at ginamit ang kaniyang Lightning Wings Spatial Flash. Sigurado siya na ang napinsala at mahinang Emperor of Death ay mangangailangan ng mas maraming oras kaysa sa kaniya upang magpagaling.