Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 747 - Pursuit of Death (10)

Chapter 747 - Pursuit of Death (10)

Ang kabuuang battle-power ni Zhao feng ay tiyak na hindi mas mahina kaysa sa mga Emperor.

Matapos magsama ang God Tribulation Lightning at Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning, nalampasan nito ang hangganan ng Wind Lightning Inherittance at ang kanyang pakpak ay binigyan ng bilis na walang papantay.

Ang Mystic Ice Scaled Races ay isa sa mga pinakamatataas na Ten Thousand Ancient Races; ito ay may napakalakas na depensa at may kasama itong spatial domain.

Ang potensyal ng God's Spiritual Eye ay naging dahilan upang mag-ingat ang Emperor of Death.

Ang kulang na lamang kay Zhao Feng ay ang kalinangan.

Matapos ang lahat, nabubuhay na ang Emperor of Death nang napakatagal na panahon habang si Zhao Feng ay nasa kanyang dalawampung taon pa lamang.

Sa hangin sa ibabaw ng walang hanggang karagatan, pumasok ang Emperor of Death si Zhao Feng sa isang nagniningas na labanan.

Syempre, naging isang malaking parte ang batang Demigod sa laban na ito.

Dahil sa kanya, ang Emperor of Death ay hindi makagagamit ng maraming mga pamamaraan o maiilabas ang kanyang buong lakas.

Galit na galit ang Emperor of Death.

Ang kanyang Eye of Death na kanyang pinaka-inaasahan ay nilabanan ng Ninth God's Eye sa isang antas.

Sa laban sa pagitan ng Gaze of Death at ng Gaze of the God Eye, ang kanyang bloodline ay nanginig sa pagkabahala at hindi siya naglakas-loob na gamitin ang Eye of Death kung sakaling magising nito ang Ninth God's Eye.

Boom~~~!

Tunog ng pagsabog ang narinig sa soul-dimension na hindi ganoon kalayo.

Ang natitirang Emperor-level spirit of hatred ay napatay ng Cold Moon Emperor at ng mga kasamahan nito.

"Umatake nang sama-sama!" Ang Cold Moon Emperor, ang Giant Shark King at ang Ghost Scale King - ang tatlong pinakamalalakas na pirata - ang pumalit.

Wala sa kanila ang madali.

Ang Giant Shark King at ang Ghost Scaled King ay may kakaibang mga bloodlines at ang kanilang battle-power ay napakalapit sa isang Emperor.

Ang dalawa ay nagsanay ng pagdepensa at upang makaligtas.

Sa puntong ito, gaya ng hula ng white-eyed na babae, ang Emperor of Death ay inaatake ng grupo.

"Bakit…?"

Naramdaman ng Emperor of Death ang hindi mapipigilang kapalaran.

Sinubukan niyang labanan ang kapalaran ngunit walang nagbago.

Sa pagdagdag ng Cold Moon Emperor at ng mga kasamahan nito, nagkaroon ng kawalan ang Emperor of Death sa kauna-unahang pagkakataon.

"Unrivalled Sword at Blade!" Ang espada at patalim ng Cold Moon ay nagsama na nakabuo ng storm of moonlight.

Weng~ Shu~~~~!

Ang bagyo ay umikot nang mabilis at isang matalim na ilaw ang pumuno sa hangin.

Lahat ng matatamaan nito ay mapipira-piraso.

Ang Death Forcefield ng Emperor of Death ay nagkaroon pa lalo ng puwang nang ang Unrivalled Sword at Blade ay tumama rito.

Ang Cold Moon Emperor ay matapang at siya ay lalong lumapit sa Death Forcefield.

Ang lahat ay nasindak at kahihiyan ang nakita sa mukha ng Emperor of Death.

Ang paglapit sa Death Forcefield ay paglapit na rin sa kamatayan; ang Death Forcefield ay may malakas at nakababalot na kapangyarihan at kaya nitong magbalik ng mga atake.

Gayunpaman, ikinagulat ng lahat ang susunod na pangyayari; isang misteryosong kapangyarihan ang lumabas mula sa korona ng Cold Moon Emperor at ito ay konektado sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land sa mga hindi malamang dahilan.

Ang Cold Moon Emperor ay agad nabalot ng nakahahalinang liwanag.

Ang kapangyarihan ng proteksyon nito ay naging dahilan upang tumaas ang kanyang depensa nang higit sa sampung beses.

Boom!

Hinayaan ng Cold Moon Emperor na tumungo sa Death Forcefield ang bagyo ng kanyang espada at patalim.

Kung sinuman ang manalo o matalo sa palitang ito, hindi pa rin matatalo ang Cold Moon Emperor.

"Ang proteksyon ng Pirate Sacred Land…" Ngayon lamang naalala ng Emperor of Death na ang Cold Moon Emperor ay ang bagong Pirate Emperor at protektado ng Pirate Sacred Land.

Kailangang malaman na ang Cold Moon Emperor ay nagsanay sa opensa at sa proteksyong ito, siya ay hindi matatalo, ibig-sabihin siya ay talagang mahirap kalabanin.

Crack~~ Boom!

Sa pinagsama-samang atake ng lima mula loob at labas, nabasag na nang tuluyan ang Death Forcefield.

Bam!

Nang agad na mabasag ang Death Forcefield, ang Emperor of Death ay naitulak nila nang ilang beses at siya ay bahagyang sugatan kahit na siya ay may Immortal Death Body.

Bago pa mapatatag ang sarili:

"Wind Lightning Wings Slash!"

Malalaking pares ng pula at gintong pakpak ang gumalaw na kasing-bilis ng liwanag at nawala sa tabi ng Emperor of Death, paghiwa nito sa kanya ng nakapapasong talim.

Shua~~~

Ang pula at gintong pakpak ay naglabas ng Destructive aura nang ito ay sumabog sa Emperor of Death.

Isang sugat na umaabot sa buto ang agad na naiwan sa likod ng Emperor of Death.

Kung hindi sa katotohanang mayroon siya Immortal Death Body, maaari siyang malumpo o agad na mamatay.

Dumaing ang Emperor of Death dahil sa pinsalang natamo niya.

Kahindik-hindik, ang pinsalang nagawa ng kapangyarihan ng God Tribulation Lightning sa kombinasyon ng aura of Destruction ay halos walang hanggan at hindi kayang mapagaling.

"Restricting Yuan Palm!"

"Rainbow of Swords and Blades!"

Ang batang Demigod at ang Cold Moon Emperor ay tumungo sa ibang direksyon.

Ipinatawag ng Emperor of Death ang kanyang Little World upang maharangan ang kanilang mga atake ngunit ang kaya lang nitong gawin ay mapahinto ang mga ito.

Ang Little World ay hindi kayang tumagal laban sa limang eksperto.

Sa ilang mga paghinga, maraming butas at puwang ang nagsimulang lumabas sa Little World, ang ilan ay galing sa mga naunang pag-atake at ang ilan ay ngayon lamang.

"Wag ninyo siyang hahayaang makatakas!" Nagkatinginan si Zhao Feng at ang Cold Moon Emperor nang sila ay tumungo sa Little World.

Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, ang pagpasok sa Little World ng kalaban ay hindi magandang ideya ngunit ang Little World of Death ay napinsala nang husto kaya hindi sila natakot.

Ang Cold Moon Emperor ay may proteksyon mula sa Pirate Sacred land at hindi matatalo kaya hindi niya kailangang mag-alala pa.

"Ice Imperial Spear!"

Isang ice-blue na likido ang dumaloy sa bloodline ni Zhao Feng at bumuo ng patong ng kausotang pandigma sa kanyang katawan.

"Sealing Heaven and Earth in Ice!"Paghugong ni Zhao Feng nang pakawalan niya ang kapangyarihan ng Ten Thousand Ancient Races bloodline at malakas na chill froze space.

Agad na lumitaw ang yelo sa Little World at ang kapangyarihan nito ay patuloy na humina.

"Unrivalled Sword and Blade!"Ginamit ng Cold Moon Emperor ang kanyang espada at patalim na gumawa ng storm of moonlight na pumuno sa hangin.

Ang mundo ay nagsimulang masira kung saan man sila magpunta.

Boom! Boom! Boom!

Ang Little World ay nagsimulang mayanig at malapit nang masira nang tuluyan.

Dumating na rin sa harapan ng Emperor of Death sina Zhao Feng at ang Cold Moon Emperor.

Sa dimensyong ito, ang Emperor of Death ay pinoprotektahan ng Little World ngunit sa kasamaang palad, ang mundo ay malapit nang masira at hindi na siya kayang palakasin nito.

"Ikaw ang pumilit sa akin sa yugtong ito…! Gaya ng inaasahan sa may-ari ng Ninth God's Eye," napabuntong-hininga ang Emperor of Death nang ang kanyang itim na mga mata ay nagsimulang umikot at isang malakas na force of Death ang lumabas dito.

"Hindi ko ito kayang gawin nang mag-isa," hindi naging mayabang si Zhao Feng.

Kahit na may malaking disbentahe ang Emperor of Death at napinsala na, mayroon pa rin siya 95% ng kanyang buong battle-power na natitira.

Crack! Crack!

Ang Little World ay nagsimulang masira mula sa mga panloob at panlabas na atake at malapit nang sumabog ngunit ang tatlong nasa loob ay hindi pa napipinsala dahil ang kanilang depensa ay umabot na sa napakataas na lebel.

Kahit na mas mahina ang fundamental defense ng Cold Moon Emperor, nasa kanya ang proteksyon ng Pirate Sacred Island.

"Shadow… of… the… Death… God!"

Ang kapangyarihan ng eye-bloodline ng Emperor of Death ay nagsimulang masunog at nakagawa ito ng malalamig na apoy.

Sinusunog ang kanyang eye power!? Nagulat si Zhao Feng nang ang Emperor of Death ay nabalot sa madidilim na apoy.

Whoosh! Whoosh!

Ang mga apoy na bumabalot sa Emperor of Death ay nagsimulang lumaki at maging figure ng Death

"Ito ay…!!?"

Naramdaman ni Zhao Feng at Cold Moon Emperor ang paglamig ng kanilang kaluluwa nang maramdaman nila ang aura of Death.

Ang langit ay nagdilim

Wu~~

Ang figure of Death ay may hawak na scythe sa isang kamay at tila ba kakayahan ng kadiliman.

Sa puntong ito, ang mga kaluluwa ng naroon ay nagsimulang mayanig.

Tila ba ang anino ng Death God ay binalot ito.

Biglaang ang mga mata ng figure of Death ay nagsimulang bumukas at naglabas ito ng dalawang beams of Death habang ito ay nanlalamig na nakatingin.

"Shadow of Death God…? Maaaring ito ay kapangyarihan ng maalamant na God Eye of Death - ang Supreme Ruler of Death?"

Ang kaluluwa ni Zhao Feng at ng mga kasamahan ay nanalamig at pakiramdamam nila'y pinipigilan ang kanilang kapangyarihan.

Ang Shadow of Death ay nagsimulang magtipon at naglabas ito ng forbidden aura na nakapagpadilim sa buong paligid na nasa loob ng sampunglibong milya.

Lahat ng mga nilalang ay agad na nakontrol ng God of Death.

"Ang Shadow of the Death God ay gumagamit ng bloodline ng Eye of Death upang tawagin ang munting puwersa mula sa mga ancestral God Eye of Death. Zhao Feng, hindi ko naisip na mapipilit mo akong gamitin ito," naglabas ng nasaktang ekpresyon ang Emperor of Death nang siya ay nasa ilalim ng Shadow of the Death God.

Sa mga sandaling nasa itaas ang Shadow of the Death God, ang kanyang bloodline at soul power ay masusunog.

Gayunpaman, para sa kanya ang tagumpay.

"God Eye of Death… ito ay munting kapangyarihan mula dito!?" Nagulat nang husto ang Cold Moon Emperor,ang batang Demigod at ang mga kasamahan nito.

Hindi nila makontrol ang kanila kaluluwa.

Isang lingon lamang mula sa Shadow of Death ay naging dahilan upang makontrol nito ang kanilang buhay.

Ang kinaya lamang magpumiglas ay si Zhao Feng ngunit ang kanyang Mystic Ice Scaled Race bloodline ay nayanig; matapos ang lahat, ito ay bahagyang kapangyarihan lamang mula sa God Eye of Death.

Weng~~

Pinadaloy ni Zhao Feng ang Mystic Ice Scaled Race bloodline nang husto at nagsimula na rin itong umapoy, binabalutan siya ng ilang patong ng ice-blue dragon scales.

Sa susunod na mga pangyayari, isang paghugong ng dragon ang narinig at lumitaw sa likod ni Zhao Feng ang imahe ng Mystic Ice Dragon.

Ang kapangyarihan ng supreme ancient dragon ay bumangga sa mundo ng kadiliman.

"Ito ang kapangyarihan ng Ten Thousand Ancient Races bloodline na bumabalik sa kanila mga ninuno!" Pasikretong nagulat si Zhao Feng.

Nalaman niya ang galaw na ito mula sa impormasyong nilalaman ng kanyang bloodline ngunit hindi niya naisip na kaya niya itong gamitin sa sitwasyong ito.

Gayunpaman, pagharap sa imahe ng Mystic Ice Dragon, ang Shadow of Death God ay nanatiling hindi maigalaw at ang takot at kawalan ng pag-asa ng grupo ay narito pa rin dahil kontrolado ang kanilang buhay.

Ang scythe sa kamay ng shadow of the Death God ay dahan-dahang bumaba at kalahati sa kaluluwa ng Cold Moon Emperor ay nahila.

Ang kaluluwa ng batang Demigod at ng dalawang Peak-tier King ay malapit nang lumisan mula sa kanilang katawan kahit na wala sila sa saklaw ng atake.

Si Zhao Feng lang ang kayang lumaban.

Ang kanyang God's Spiritual Eye ay napakatatag laban sa mga atake sa soul-dimension.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagsimulang tumibok nang mabilis.

"Ang Ancient ay nasira na at ang Ancient Gods na namatay ay magiging trilyong maliliit na butil ng alikabok…" Isang buntong hininga ang narinig sa kalawakan at sa oras.

Boom!

Nasindak ang ang buong dimensyon ng kanyang kaliwang mata at ang bloodline ni Zhao Feng ay nagsimula nang umapoy.

Isang mahina at lilang apoy ang bumalot sa katawan ni Zhao Feng.

Weng~~

Ang anyo ng antigong God Demon ay nagsimulang mabuo sa gitna ng mahina at lilang apoy at isang antigo at dakilang aura ang lumitaw, naging dahilan upang ang galaw ng Shadow of the Death God ay nanigas nang bahagya.