Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 746 - Pursuit of Death (9)

Chapter 746 - Pursuit of Death (9)

"Master, iligatas mo ako~~~~!" Nahirapan ang batang Demigod nang ang nanghihina niyang gintong Yuan Soul ay aalis na sa kanyang katawan.

Kung hindi lang dahil sa katotohanang ang Intent ng batang Demigod ay napakalakas, kahit ang kaluluwa ng late-stage Void God Realm King ay makukuha ng Emperor of Death.

Hangga't natapos ko ang Demigod Kun Yun, si Zhao Feng at ang iba pa ay hindi na dapat pang ipag-alala… nagtago nang husto ng Emperor of Death sa kanyang Little World at lubos na ginamit ang kanyang Eye of Death.

Kasabay nito, ang madilim at gintong korona sa kanyang ulo ay naglabas ng malaking alon ng Soul na nakapagpataas sa kapangyarihan ng kanyang Soul Dao technique.

"Nalinlang ako," naging tahimik si Zhao Feng.

Ang Demigod Kun Yun ay naging malaking bagahi ng pakikilaglaban sa Emperor of Death.

Ang kanyang Sacred Body at iba't ibang sikretong pamamaraan ay kayang pigilan ang Intent ng Emperor of Death ay limitahan ang kanyang lakas.

Kung mawawala ang batang Demigod, haharapin nina Zhao Feng at ng mga kasama ang Emperor of Death sa kalakasan nito at ang Gaze of Death at malapit nang magtagumpay at nahila na nang husto ang kaluluwa ng batang Demigod palabas sa kanyang katawan.

Naghanda para dito ang Emperor of Death; ginamit niya bilang proteksyon ang Little World habang ang Emperor-level na espiritu ng galit ay ginamit upang ikulong ang Cold Moon Emperor.

"Kung nais nilang pagilan ang Emperor of Death, kailangan nating pumasok sa kanyang Munting Mundo."

Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.

Hindi rin naman gagana ang planong ito - sa isang paghinga, ang kaluluwa ng batang Demigod ay mahihigop ng Gaze of Death.

"Kung iyon ang kaso…" Huminga nang malalim si Zhao Feng nang isang malaking paghuhugutan ng kulay lilang Eye Intent ang nakabuo ng ipo-ipo sa kaliwa niyang mata.

"Hmm?Ano!?" Napatigil ang Emperor of Death bago sumigaw, "Paano iyon naging posible!?"

Shua!

Ang nanghihinang gintong Yuan Soul na bahagyang natanggal ay hinila naman ng isa pang puwersa.

Nagsimulang bumaliktad ang Gaze of Death.

"Gaze… of… the… God… Eye!"

Isang lilang ipo-ipo ang nabuo sa kaliwang mata ni Zhao Feng at konektado sa lilang mundo ng mga ilusyon.

Isang humihigop na puwersa ang nanggaling sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

"Magaling!" Ang batang Demigod ay sumaya nang husto nang maramdaman niyang ang pamamaraan na kapareho ng sa Gaze of Death ay hinila siya sa direksyon ng kanyang katawan.

"Gaze of the God Eye? Ninakaw mo ang sikretong pamamaraan ko…!" Natigilan ang Emperor of Death at hindi naging maganda ang kanyang ekspresyon.

Sa puntong ito, ang kanyang paghinga ay mas bumilis at ang kanyang mukha ay naging berde.

Ang Gaze of Death ay isa sa kanyang mga sikat na pamamaraan at ngayon, ito ay ninakaw ng isang tampalasan.

"Hmph, ang kailangan lamang ay ang sapat na pag-unawa sa Dao of the Soul. Hindi naman ito masamang matutunan. Ang pinakang-problema lamang ay kailangan ng eye-bloodoline upang magamit ang puwersa nito nang husto at wasto."

Ang lilang buhok ni Zhao Feng ay hinangin nang ang kanyang kaliwang mata ay nakatitig sa batang Demigod.

Gaze of Death laban sa Gaze of the God Eye.

Ang dalawang pamamaraang ito ay halos magkapareho at ang kanilang eye-bloodline ay nakabase sa kanilang kaluluwa.

Dalawang beses nang hinarap ni Zhao Feng ang Gaze of Death noon.

Ang unang beses, siya ay nasa Purple Saint Ruins at ang pangalawa nama'y sa hangganan ng Pirate Sacred Land.

Dagdag pa ang katotohanang inaral ni Zhao Feng ang Dark Eye Secret Manual noon, naintindihan niya ang maraming teorya sa likod ng pamamaraan kaya hindi na ito mahirap na usisain para sa kanya at gumawa ng sariling Gaze of the God Eye.

Sa hangin, ang nanghihinang gintong Yuan Soul ng batang Demigod ay unti-unting bumabalik sa kanyang katawan.

Dahil sa Demigod Intent, ang kapangyarihan ng kanyang paghihirap laban sa Gaze of Death ay kapareho ng sa isang Emperor.

Ibig-sabihin, ang Emperor of Death ay kailangang harapin ang pinagsamang kapangyarihan ni Zhao Feng at ng batang Demigod habang sinusubukang nakawin ang Yuan Soul.

"Emperor of Death, ang iyong mga pamamaraan ay mas sisikat pa nang dahil sa akin," tumawa si Zhao Feng.

Galit na galit na ang Emperor of Death at halos dumura ng dugo nang marinig ito.

Ang nanghihinang gintong Yuan Soul ng batang Demigod ay bumalik sa kanyang katawan at binabantayan na sa tulong ni Zhao Feng.

Upang mapigilan ang Emperor of Death na gawin itong muli, ginamit ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng kanyang eye-bloodline upang makagawa ng ilang patong ng proteksyong gawa sa God Tribulation Lightning sa paligid ng Yuan Soul ng batang Demigod.

Ibig-sabihin, kung nais muling subukan ng Emperor of Death, kailangan niyang harapin ang lakas ng God Tribulation Lighting kaya hindi ito magiging madali.

"Master, salamat sa langit at nagawa mo ito sa oras," napahinga nang malalim ang batang Demigod.

Ang mga pang-opensang pamamaraan ng kaluluwa ng galit ay soul-based at ang pisikal na atake nito ay hindi ganoon kalakas.

Ang Cold Moon Emperor at ang mga kasamahan nito ay kinaya silang harapin matapos na mag-ensayo.

Ang Giant Shark King at ang Ghost Scaled King ay napasigaw nang tuloy-tuloy ang mga espiritu.

Ang Ghost Scaled King ay may Ghost Spiritual Body kaya ang kanyang mga atake ay mas epektibo laban sa mga espiritu habang kaunting pinsala lang ang nakukuha niya.

Si Zhao Feng at ang batang Demigod ay nagsimulang umatake sa Little World nang walang pag-aalinlangan.

"Scarlet Golden Exploding Fist!" Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning at sumuntok dahilan para makabuo ng bagyo ng grana at ginto na tumakip sa kalangitan.

Ang buong madilim na dimensyon ay nabalot ng pula at gintong ilaw na tila yumayanig sa buong lugar.

Ang suntok na ito ay naglalaman ng tatlong spatial domains ni zhao Feng nang ito ay tumama sa Little World.

Crack!

Nagsimulang lumitaw ang mga puwang sa Little World at ang isa ay ilang milya pa ang haba.

Ang Scarlet Golden Exploding Fist ay nagbigay ng pansin sa salitang "pagsabog" at mayroon itong kapangyarihan ng God Tribulation Lightning.

"Hindi maganda!" Ang ekspresyon ng Emperor of Death ay nagbago nang husto nang ang kanyang Munting Mundo ay pinasabog at napuno ng mga butas.

Ngayong ang kaluluwa ni Zhao Feng ay nakahigop ng higit sa dalawandaang bigkis ng God Tribulation Lightning sa kabuuan, ang aura nito ay mas malakas kaysa dati at ang pinsalang nagawa nito ay mas mahirap ayusin.

Ang Munting Mundo ng Emperor of Death ay base sa kanyang True Yuan Dimension kaya naman maaari niyang ayusin ang pinsala sa Munting Mundo gamit ang kanyang kapangyarihan.

Gayunpaman, ang pinsalang gawa ng God Tribulation Lightning ay lubhang malakas; napinsala nito ang pundasyon at pinanggalingan ng Little World ibig-sabihin, ito ay halos imposible nang maayos.

"Emperor of Death, sisirain ko muna ang iyong Little World!" Paghugong ni Zhao Feng at pinakawalan niya ang mga atake nang ang mga pakpak ay nabuo sa kanyang likod.

Ang mga Pakpak ng Hangin at Kidlat ay pinalakas ang kapangyarihan niyang makapinsala at ang adbentahe niya sa bilis sa paggalaw ay nagamit niya nang husto.

"Restricting Yuan palm! Heaven Sealing Eighteen Palms!"Ginamit ng batang Demigod ang kanyang supreme Intent at nilimitahan ang lakas ng Emperor of Death.

Ang pagdaloy ng Yuan Qi sa Munting Mundo ay nagsimulang gumaspang nang ang kapangyarihan nito ay nabawasan

Katawa-tawa!

Ang Emperor of Death ay nagalit nang husto nang makitang sira-sira ang kanyang Little World.

Kumpara sa nakalipas na mga buwan, mas malakas na si Zhao Feng at ang batang Demigod; sila ay umuusbong sa napakataas na halaga.

Nilinang ni Zhao Feng ang Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning na ni kailanma'y hindi lumabas noon at nakuha niya pa ang ilan daang mga bigkis ng God Tribulation Lightning.

Pinagtuunan ng pansin ni Zhao Feng ang pagwasak sa pundasyon ng Little World at ang kanyang God'd Spiritual Eye ay madaling nakikita ang mga bahid sa Little World ng Emperor of Death.

"Death Forcefield!" Ang Little World ng Emperor of Death ay biglang naglaho at napalitan ng forcefield na lumamon sa lahat ng buhay at kapangyarihan sa paligid.

Mas maliit ang sukat ng Death Forcefield ngunit kaya nitong humigop at ibalik ang pinsala.

Gayunpaman, ang Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning ni Zhao Feng ay naiiba kaysa dati dahil ngayon, taglay na nito ang kapangyarihan ng God Tribulation Lightning.

Boom! Boom! Boom!

Ang Death Forcefield ay nagsimulang mayanig at bahagya lang nitong naibabalik ng 30% ang mga atake ni Zhao Feng.

Nalabanan ng God Tribulation Lightning ang halos lahat sa mundo maging ang power of Death kaya paano ito mahihigop at maibabalik?

Ang Death Forcefield ay nayayanig sa tuwing ang dalawang lakas ay nagbabanggaan at gumamit ito ng malaking enerhiya.

"Restricting Yuan Palm!"

Ang mga atake ng batang Demigod ay nagbago rin.

Napipigilan ng Yuan Palm ang bawat anyo ng Yuan Qi.

Kung ito'y matututunan nang husto, kaya nitong isara ang lahat ng Yuan Qi sa isang lugar.

Sa puntong ito, pisikal na body-strength lamang ang hindi maaapektuhan.

Ang sikreto at body-strengthening na pamamaraan ay hindi mapapantayang kombinasyon.

Ang Death Forcefield ay isa ring uri ng kapangyarihan ng Yuan Qi kaya ito ay nagsimulang humina dahil sa Restricting Yuan palm.

"Scythe of Death!" Gumanti ng atake ang Emperor of Death nang isang itim na scythe ang nabuo sa kanyang kamay.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Ang scythe ay dumaan sa hangin nang ito ay pinakawalan patungo kay Zhao Feng at sa batang Demigod ngunit sa tulong Restricting Yuan Palm, ang pagdaloy ng Yuan Qi mula sa mga atake at depensa ng Emperor of Death ay hindi ganoon kaganda gaya ng dati.

Ding! Ding! Ding!

Nagtalsikan ang mga pagkislap sa paligid mula sa katawan nina Zhao Feng at ng batang Demigod.

Ang pisikal na depensa ay umabot na sa malahalimaw na antas.

Taglay ni Zhao Feng ang Mystic Ice Scaled Race bloodline at lahat ng pisikal na atake ay nagsisimulang magyelo nang ito ay mapalapit sa kanya.

Ang mga kaliskis sa kanyang balat ay lubhang malalakas.

Ang Golden Kun Sacred Body ng batang Demigod ay umabot na sa mga unang yugto ng ika-limang antas.

Maging ang mga Peak-tier Kings ay mahihirapang sirain ang kanyang depensa.

Ang kailangan lang niyang gawin ay manatili kasama ni Zhao Feng at labanan ang mga ganting-atake ng Emperor of Death.

"Panoorin mo kung paano ko sirain ang iyong Death Forcefield!" Mabilis na gumalaw si Zhao Feng sa hangin at ang batang Demigod ay nagsimulang gumamit ng pula at gintong sibat mula sa kidlat na isandaang yarda ang haba.

Lumitaw ang Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning sa anyo ng isang sibat.

Whoosh!

Ang pula at gintong sibat ay mayroong nakasisirang aura maging ang God Tribulation Lightning at ito ay tumama sa Death Forcefield.

Nang ang Death Forcefield ay nagsimulang magkaroon ng mga puwang at maging marupok:

Ding! Dang! Dang!

Iwinagayway ng Emperor of Death ang kanyang Scythe of Death at nilabanan ang Scarlet-Gold Spear of Lightning ni Zhao Feng na gumawa naman ng alon ng ipinagbabawal ng kapangyarihan.

"Atras!" Ang ekspresyon ng Giant Shark King at ng Ghost Scaled King ay nagbago nang husto nang sila ay umatras.

"Isang kahindik-hindik na kapangyarihan…!" Naramdaman ng Cold Moon Emperor ang banggaan ni Zhao Feng at ng Emperor of Death at maging siya ay hindi makagalaw.

Ang natitirang King-level spirit of hatred ay puno na ng pinsala; ito ay agad namatay sa shockwave.

Ang Emperor of Death,si Zhao Feng at ang batang Demigod ay naglalaban at wala nang oras upang alalahanin pa ang kaluluwa ng galit.

Habang tumatagal sa pakikipaglaban ang Emperor of Death, lalo siyang nagugulat.

Ang lakas ni Zhao Feng ay tumaas na sa nakababahalang antas; nalampasan na ng Scarlet-Gold Destruction Wind Lightning ang Wind Lightning Inheritance at ang kanyang battle-power ay mas malakas kumpara sa Wind Lightning Emperor.

Ang Wind Lighning Emperor ay walang taglay na God Tribulation Lightning sa kanyang mga atake.

"Mayroon nang battle-power si Zhao Feng sa tugatog ng isang Emperador…!" Nasindak ang Cold Moon Emperor at ang dalawang Peak-tier King.